Runaway

13.8K 302 23
                                    

Magandang hapon!!! Pasok na ako bukas at baka hindi agad makapag draft kaya naman pipilitin ko munang makaisang chapter pa bago iyon. Mababawi ba ni Gabby ang anak kay Jayden?

Picture of Jayden's mansion

Song is Dangerous Woman by Ariana Grande

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 29

-=Gabby's POV=-

Hindi ko maiwasang hindi maguilty sa ginawa ko kay Ate Mel, kinulong ko kasi siya sa cr ng kuwarto sa ospital, hindi ko na kasi kayang maghintay na lang, gusto kong ako na mismo ang kumilos, kesehodang itakas ko si Caleb sa ama nito.

Thirty minutes na din siguro akong nagmamatyag sa mansion ni Jayden, sa totoo lang hindi ko akalain na makakapasok ako sa subdivision na ito nang walang kahirap hirap, nagpababa kasi ako sa taxi may kalayuan sa gate ng subdivision na iyon, pinag-aralan ko muna kung paano ako makakapasok, lalo na sa ganitong subdivision na siguradong puro mayayaman ang mga nakatira kaya paniguradong mahigpit ang security, pero nakahanap agad ako nang pagkakataon nang mapansin kong sandaling umalis sa puwesto nito ang nag-iisang security sa guard house matapos may tumawag sa mga ito na may emergency daw sa isa sa mga nakatira doon, kaya naman agad akong pumasok, matagal tagal din na paglalakad ang ginawa ko bago ko natagpuan ang mansion ni Jayden.

It's a two storey mansion, in a Mediterranean style  na may malaking solar, for parking at may mga iba't ibang klase nang mga halaman na nakapalibot sa mansion na iyon, kahit saan ka tumingin ay masasabi mong pinaggastusan ni Jayden ang naturang lugar, sa gitna naman non ay may fountain kung saan nakapalibot ang hindi ko alam na pangalan na ornamental plants.

Tahimik ang buong solar nang mansion, pero alam ko madaming mga tauhan si Jayden kaya siguradong mahihirapan akong makapasok man lang doon, maliban pa doon ay napapalibutan ang buong solar nang matataas na fences na may matulis na mga dulo, kaya naman hindi ko tatangkain na umakyat doon, mahirap na at baka matuluyan ako.

Kahit anong pagpapalakas ko ng loob ay unti unti na akong pinanghihinaan ng loob, lalo na't kalahating oras pa ang nakalipas ngunit wala pa ding nangyayari, ngunit agad iyong nabago nang may mapansin akong isang babae at base sa suot nito ay masasabi kong kasambahay ito doon, may dala itong dalawang malalaking trash bag, ngunit kataka taka nang magpalinga-linga muna ito nang masiguradong walang ibang tao sa labas ay nagmamadali itong naglakad patungo sa kanang bahagi ng mansion, doon ko napansin ang isang lalaking mukhang kanina pa naghihintay dito, sa kakaunting ilaw na nagmumula sa poste sa bandang kanto ay nakita ko ang dalawang malalaking bag na kanina ay nakapaloob sa trash bag, nagmamadali nitong hinubad ang suot na uniporme at basta na lang iyon tinapon kasama ng trash bag, hindi naman nagtagal ang dalawa at agad nang sumakay sa motor na nakapark hindi kalayuan sa pinagtagpuan nila.

Hindi naman ako makapaniwala na makakahanap ako ng paraan agad para makapasok sa loob, nagmamadali kong tinungo ang lugar kung saan nito tinapon ang suot na uniform at agad iyong sinuot, medyo maluwag ang kasuotan na iyon, pero hindi ko na inintindi ang bagay na iyon, agad akong nagtungo sa entrance ng gate, isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko bago ko nilakasan ang loob na pumasok doon, at gaya nang inaasahan ay may mangilan ngilang security ang nagroronda sa loob, kaya naman minabuti kong yumuko na lang at baka may makaalam na hindi talaga ako kasambahay doon.

Halos hindi ako humihinga habang maingat akong naglalakad sa loob, nakalagpas ako sa mga tauhan sa labas, ngunit para akong pangangapusan nang hininga nang may marinig akong tumatawag, sa takot ay hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy sa paglalakad, napapitlag na lang ako nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko.

Mistaken Identity (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon