I Hate It

13.7K 313 18
                                    

Hi guys! Finally nakaleave na ako kaya makakapag sulat ng marami rami sana depende pa din sa maiisip hehehe, ramdam ko iyong galit niyo kay Jayden ahhh sana makabawi siya sa chapter na ito.

Song is I Hate You I Love You by Gnash ft. Olivia O'Brien

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 34

-=Jayden's POV=-

"Shit!" sa loob loob ko, pinilit kong huwag maapektuhan pero parang nananadya naman na tila silang plaka na nagpleplay sa isip ko ang sakit na pilit na tinatago ni Gabby ng malaman nitong hindi ko siya isasama.

Hindi dapat ako maapektuhan lalo na't iyon naman talaga ang gusto ko, ang masaktan si Gabby, pero bakit ganoon parang nasasaktan din ako.

Kahit anong pagtatago ni Gabby kanina, ay agad kong napansin ang pinipigilan nitong mga luha.

I tried to stay focus sa ginagawa kong pagdadrive pero patuloy pa ding sumasagi sa akin ang reaksyon ni Gabby, masyadong malalim ang iniisip ko na hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng anak ko, kaya nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang pangangalabit ni Caleb sa akin.

"Sorry Caleb, what's wrong?" tanong ko dito, sandali kong tinitigan ito nang saktong mag red light naman.

"Gusto ko pong kasama si Mommy." kita ko ang paglungkot ng itsura nang anak ko, kaya naman agad kong minaobra ang sasakyan ko, nag u turn ako sa kasunod na kanto.

"Sir saan po tayo pupunta?" narinig ko naman na tanong ng yaya ni Caleb.

"Didn't you hear my son, gusto niyang makasama ang Mommy niya." paliwanag ko naman dito, hindi ko alam kung mas pinapaliwanagan ko ito o ang sarili ko dahil sa pagsunod ko sa gusto ni Caleb.

Inabot din siguro ng mga twenty minutes nang makabalik kami sa mansion, inutusan ko lang ang yaya ni Caleb na bantayan ang alaga niya, agad akong dumiretso sa mansion at agad akong dumiretso sa kuwarto ng anak ko kung saan naroon daw si Gabby ayon sa napagtanungan kong tauhan.

Hindi na ako nag-abala pang kumatok at agad na akong pumasok sa kuwarto ni Caleb, and what I saw broke my heart.

I saw Gabby sitting in Caleb's bed while hugging our son's pillow, I can see the tears falling from her eyes, kaya naman agad kong tinuon ang atensyon ko sa ibang bagay.

Mukhang hindi nito namalayan ang pagdating ko, kaya naman laking gulat nito nang bigla akong magsalita.

"Sumunod ka na sa sasakyan, gusto kang makasama ng anak mo." hindi na ako naghintay nang sagot mula dito, at dali dali akong bumalik sa kotse ko.

Kahit anong pagpipigil ko ay ayaw naman huminto sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko, I tried to act na parang balewala lang nang ilang sandali lang ay sumakay na din si Gabby.

"Kahit huwag ka nang sumama Rosette bahala na si Gabby kay Caleb." utos ko naman sa yaya ni Caleb, at agad na din itong bumaba ng sasakyan.

Muli ay pinaandar ko ang kotse ko at ilang sandali lang ay tinatahak na muli namin ang daan papunta sa SM Moa kung saan kami mamasyal.

"Maraming salamat Jayden." narinig kong sinabi ni Gabby sa akin, nang lumipas ang sampung minuto.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagpatuloy lang ako sa pagdadrive, mahirap na at baka maisip pa nito na ako ang may gustong kasama ito.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa pag-uusap ng mag ina, hindi ko napigilan ito nang tumayo ito sa upuan para humarap kay Gabby.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Gabby kay Caleb at ganoon din si Caleb sa ina, I felt a little jealous dahil pakiramdam ko ay dapat kasama ako sa kung ano mang meron sa dalawa, pero nang dahil sa nangyari ay napagkaitan ako ng pagkakataon na iyon, ngunit agad kong binura ang bagay na iyon sa isip ko dahil ang mahalaga ngayon ay ang anak ko.

Mistaken Identity (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon