A Chance for Another Love

14.1K 308 35
                                    

Happy weekend guys! Batrip hindi nakapasok buwisit na acid reflux yan, bawas tuloy sahod, pero ngayon medyo ok na kaya naman makakapasok na bukas, at dahil may time draft muna ko, thank you sa lahat ng mga nag-aabang ng story na ito, nakakatuwa dahil kahit matagal na hold ang story na ito ay may mga nagbabasa pa din.

Song is One More Try by A1

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 31

-=Gabby's POV=-

"Ano ba naman Gabby, alam kong miss na miss mo na anak mo, pero huwag mo naman patayin ang sarili mo." nag-aalalang sinabi sa akin ni Ate Mel, pero sa totoo lang ay parang wala akong naririnig na nakatingin lang sa malayo.

Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi ko pa din nababawi si Caleb kay Jayden.

I feel like a complete failure, I failed as a mother for protecting my son, at ngayon nga ay pinagbabayaran ko ang kasalanan na nagawa ko kay Jayden, ng dahil sa takot ko.

I begged and begged, I even kneeled down, pero nanatiling bingi sa kahit na anong sabihin ko si Jayden.

Nagulat na lang ako nang iharap ako ni Ate Mel sa kanya, at kita ko ang maluha luha nitong itsura habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko man lang naisip ito, nakalimutan ko na hindi lang akong mag-isa ang nasasaktan sa pagkawala ni Caleb dahil maski ito ay nasasaktan at maliban pa doon ay nasasaktan ito sa nangyayari sa akin.

"I know it's hard, pero please naman, huwag mo naman patayin ang sarili mo." tuluyan na itong naiyak, para naman sinuntok ang dibdib ko sa guilt dahil nakalimutan kong kasama ko ito.

Walang salitang lumabas sa bibig ko, kaya naman niyakap ko na lang ito nang mahigpit na mahigpit, naramdaman ko naman ang pagtugon nito.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon, namalayan ko na lang na bumitaw na pala ito.

"Ikaw naman kasi, alam mo naman na nandito ako palagi, hindi ka nag-iisa sa laban na ito." sinabi nitong habang pinupunasan ang luhang kumawala sa mga mata nito.

"I know, and I'm sorry Ate Mel, masyado akong nasasaktan na hindi ko namalayan na nasasaktan na din pala kita." paghingi ko dito nang paumanhin.

"Gusto kong mangako ka sa akin Gabby, na kahit anong mangyari magpapakatatag ka, huwag mong pababayaan ang sarili mo." payo naman nito na sinagutan ko nang pagtango.

"Oh siya, iinitin ko na muna iyong sinigang para makakain ka." sinabi nito at agad nang dumiretso palabas ng kuwarto.

"Ate Mel.......... sige sabay na tayong kumain." gusto ko sanang sabihin na wala akong gana pero pinigilan ko ang sarili ko at hinayaan na lang ito.

Muli na naman akong napag-isa sa kuwarto naming mag-ina, alam kong mahihirapan ako pero tama ito kailangan kong magpakakatatag hindi lang para sa anak ko kung hindi para sa kapatid ko na laging nandiyan para sa akin.

Ilang sandali lang ay inaya na ako nitong kumain, kahit walang gana ay pinilit kong kumain ng mga inihanda nito para naman hindi na ito masyadong mag-alala pa.

"Oo nga pala, tumawag si Regina kanina, makipagkita ka daw sa kanya sa SM Aura mamaya, pag-uusapan niyo daw kung paano niyo mababawi si Caleb." ang sinabi nito matapos kaming kumain.

Agad naman napukaw nito ang atensyon ko, isang linggo na kasi ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas ang search warrant na nirequest namin, at umaasa akong lumabas na iyon.

Mistaken Identity (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon