Just be Honest

13K 264 15
                                    

Hi guys! Finally rest day ko na at sorry kung sobrang tagal nawala, mahal na araw kaya kailangan magpahinga hehe pero sa totoo lang may pasok pa din sa work during that time, pero muli ay nagpapatuloy na magsulat.

Song is Migraine by Moonstar 88

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 38

-=Jayden's POV=-

"This can't be happening." I keep muttering to myself, pero kahit na anong pagtangging gawin ko ay nasa kamay ko na mismo ang katibayan.

Muli ay tinignan ko ang pinadalang mga reports ni Arman na para bang mababago non ang katotohanan.

"Bryan is Jared." nakumpirma ang hinala ko sa mga dokumentong pinadala ni Arman, ayon sa nakalap nito ay may mag-asawang Australyano ang nakakita kay Jared ng makatakas ito sa pumatay sa mga magulang namin, ayon din sa impormasyon na nakalap ni Arman ay dinala nang mag-asawa ang kapatid ko sa Australia at doon na ito lumaki.

Ayon sa testimonya na iniwan ng mag-asawa sa mga pulis ay mukhang walang maalala ang kapatid ko marahil dala ng trauma.

Sobrang tagal kong pinanabikan at pinangarap na makita ang kapatid ko, pero parang hati ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko ng kuhanin ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko, at agad kong dinial ang number na nakasave sa phone ko.

"What a suprise Jayden." bungad sa akin nito sa kabilang linya, dinig ko ang saya sa boses nito, dahil sobrang tagal na din naman talaga na ako ang nag initiate ng tawagan ito dahil madalas ito ang tumatawag sa akin.

"Natagpuan ko na siya." ang naging sagot ko naman dito, bigla naman natahimik ito sa kabilang linya at nang magsalita uli ito ay nadinig ko ang kaseryosohan sa boses nito.

"Are you sure he's Jared?" seryoso nitong tanong, alam kong magdududa din ito dahil matagal namin ginawa ang lahat para lang matagpuan namin ang nakakabata kong kapatid.

"I'm pretty sure, I have all the proofs that I needed." sagot ko naman dito.

"Well that's good news then, pero parang bakit hindi ka masaya na nakita mo na ang kapatid mo?" naiimagine ko tuloy na magkasalubong ang mga kilay nito.

"Of course masaya ako, it just that......." sa totoo lang hindi ko alam kung paano ba ipapaliwanag na masaya talaga ako dahil natagpuan na si Jared pero paano ko ba ipapaliwanag dito na karibal ko sa babaeng mahal ko ang kapatid ko.

Nagpasya akong maging totoo dito dahil kung may isang tao man ang makakaintidi sa akin ay ito mismo iyon, magmula nang mamatay ang mga magulang ko at mawala si Jared ay ito na ang tumayong pamilya ko.

"We're both in love with the same woman." summing up how fuck up my situation is.

"It will all boils down to one thing." seryoso nitong sinabi sa akin, nanatili naman akong tahimik habang hinihintay itong magpatuloy.

"Sino ba ang mahal ng babaeng iyon?" I felt like my heart was torn into two upon hearing his statement, pilit kong nilalabanan ang kawalan ng pag-asa ng dahil sa sinabi nito, dahil alam ko naman na hindi ako mahal ni Gabby at tanging ang anak lang namin ang dahilan kung bakit ito nananatili sa poder ko, maliban pa doon ay ang ginawa kong pagtrato dito, I hurt her by taking away our son and hurting her by treating like she's a nobody and not the mother of my child.

"I will fly back to Manila this Saturday, maybe we can talk about it in person." pagtatapos nito at matapos nga noon ay agad ko nang tinapos ang tawag na iyon, muli ay tumingin lang ako sa labas ng salamin ng opisina ko, na parang bang umaasa akong makakita ng sagot sa lahat ng pinagdadaanan ko.

Mistaken Identity (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon