"Aquiro, " sagot nito. "Ikaw, Binibini?"
"Celes, " sagot niya naman.
Isang ngiti ang iginawad nito sa kanya. Tiningnan niya ito at ang mga mata nitong nakapukol sa kanya. Though they were gray from her view, pag nasisilawan ito ng buwan ay nagkukulay asul ito at kapag nasisilawan naman ng lampara ay nagkukulay pula ito. She stared at his eyes as they changes from one color to another due to his light movements.
She couldnt help it. Naliliyo siya sa pagpapalit kulay nito.
Napapitlag siya nang makarinig ng iilang sigaw mula sa malayo. Napalingon siya sa likuran niya at nakita ang dalawang pamilyar na mga pigurang may dala-dalang mga lampara. Si Mama at Papa! Sigaw ng isip niya.
"Umuwi kana, Binibini. "
Napalingon siya sa lalaki at nakita itong dumadaosdos pabalik sa tubig. Gumapang siya palapit rito. "Teka! "
"Ano iyon, Binibini?" Tanong nito nang sumulyap ito sakanya.
Tiningnan niya ito. Isang nakakabaliw na tanong ang lumabas sa bibig niya.
"Kailan ulit tayo magkikita, Ginoo?"
Ngumiti ang binata na siyang ikinatambol ng puso niya.
"Sa panahon kung saan handa na ang puso mong mahulog, hindi sa mundo ko kundi sa akin, Binibini."
At nawala siya sa kadiliman ng karagatan mayroon ang gabing iyon. Kung bakit madilim ang paglisan nito, ito'y dahil naharangan ng makapal na ulap ang buwan, nagbabadya ng ulan na katumbas ng luhang ibubuhos niya sa panahong hindi na niya ito nasilayan pang muli.
Sa gabing iyon, lumisan siya.
BINABASA MO ANG
Under The Depths of the Sea #ValentinesDayWinner
FantasyVALENTINE'S DAY CONTEST WINNER! A story of Celes who was haunted by the man under the depths of the sea she had fallen in love for years. This is a 2500 worded story.