14

114 10 0
                                    

"Kiss?" Hindi makapaniwala niyang tanong pagkatapos niyang mapakurap ng ilang beses.

"I turned to human after that kiss three years ago, Binibini. And after that day, nakihalubilo ako sa mga tao. I've learned your likes and what you do. With those days hinanap kita. And I found you here, looking to the world I live in. I don't wanna force myself into you, that's selfish and forbidden. Kaya araw-araw na nakikita kita sa harap ng mundo ko, nadudurog ang puso kong uhaw parin sa halik mo. "

Another batch of tears fell from her eyes. Lumapit pa lalo ang lalaki sa kanya at saka pinalis ang mga butil ng luhang masaganang umaagos sa pisngi niya.

"You could have kissed me if you had approached me after that day! Alam mo bang naghintay ako sa muling pagkikita natin? "

"Binubulong ng karagatan iyon sa akin gabi-gabi, Binibini. At parang tinutusok ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses mong tumatawag sa pangalan ko. And damn, akala ko aayawan moko. "

"Bakit ko gagawin iyon? " tanong niya sa mga matang nakapako sa kanya. "If you have my heart since then? "

Isang matamis na ngiti ang bumakat sa mukha ng bibatilyo sa narinig. The man smiles at her. He cupped her face as he utters, "Damn, mahal talaga kita. Bakit antagal mong nahulog sa tubig? "

A chuckle left from her mouth at what she said at saka hinawakan ang isang kamay nito at doon pinagsalikop niya ang mga daliri nilang pinuwang ng mahigit tatlong taon.

"Bakit hindi mo kasi hiniling ng maaga sa bituing mahulog ako sa ilalim ng iyong pagmamahal, Ginoo?"

Lumapad ang ngiti nito. Bumaba ang tingin nito mula sa kanyang mata papunta sa labi nitong nanginginig sa tindi ng kabog ng dibdib. "Hihiling nalang ako ngayong mahalikan ka sa ikalawang pagkakataon, Binibini. "

Isang matamis na ngiti ang sinukli ng dalaga bago kinabig ang bituing nahulog sa dagat, na nagawa niyang hulihin sa karagatan. Ang bituing sakto sa puwang na mayroon ang kanyang puso.

Pusong maalab na naghintay sa pagdating ng minamahal ay ngayo'y tuluyan nang nalunod sa malalim na karagatan ng pagmamahal.

Her love for him goes deeper and deeper under until she had reach its depths. In the depths of the sea where she has found her love.

Where her heart belongs to.

Under The Depths of the Sea #ValentinesDayWinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon