Mask 1

238 19 11
                                    

Christian's POV

Narito ako sa isang madilim na ibayo ng mundo.

Madaming puno at napaka dilim.

Nakaka takot ang masusukal na damo. Na tila'y ano mang oras ay may lalabas na malaking ahas para ako'y tuklawin.

Nakakatakot. Nakaka kilabot ang bawat pag huni ng mga ibon. At ang pag balot ng katahimikan sa buong kagubatan.

May isang naka maskarang lalaki ang kanina pa humahabol saakin. Nakakatakot ang aura nito, na tila'y gusto akong patayin at pahirapan.

Hinihingal na ako subalit kailangan kong tumakbo upang mabuhay.

Dahil tiyak kapag nahuli ako nito ay tapos na ang maliligayang araw ko.

Takot akong mangyari iyon dahil kailangan ko pang mabuhay. Ni hindi ko pa nga nakikita ang aking mga magulang. At kailangan ko pang makabuo ng pamilya, masyado pa akong bata para kunin ni lord.

Diyos ko! Patnubayan n'yo po ako!

May hawak itong patalim, na ano mang oras ay tatarak saakin.

Na labis kong kinakatakutang mangyari.

Sigaw ako ng sigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Sana ay isa nanaman itong bangungot na anumang oras ay magigising ako.

Nang mapagtantong wala na ang humahabol saakin, agad akong nag tago sa malaking puno ng akasya. Takot ako sa punong ito dahil sa mga nababasa at napapanood kong movie at pocket book. Ngunit no choice ako dahil kailangan kong magtago, kailangan kong makaligtas.

Nakahinga ako ng maluwag ngunit puno parin ng takot ang puso ko. Dahil hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa impyernong ito.

Tanging ang himala nalang ang makakaligtas saakin mula sa bangungot na ito. Nasaan ka na ba kuya jacks? Bakit wala ka dito upang iligtas ako? Help me kuya jacks! Help me! Ayaw ko pang mamatay.

Nanlamig ang buong katawan ko at pinagpawisan ako ng malagkit ng may maramdamang malamig at matulis na nakadiin saaking leeg. Malakas na dumagungdong ang aking puso sa sobrang takot.

Lumingon ako ng dahan dahan, puno ng takot at pagmamakaawa ang aking mukha. At nag babakasakali na lumambot ang puso nito.

Pula ang kanyang maskara, ayon sa nakikita ko sa malapitan.
At kitang kita ko ang lungkot, galit at puot sa kanyang mga mata.

Nag simula ng umagos ang luha mula saaking mga mata, dahil sa takot na ngayon na ang aking kasawian. Maslalo akong napa hagulgol ng idiin nito ang hawak na patalim saaking leeg.

Nanigas ang buong katawan ko, ni hindi ko magawang gumalaw dahil baka madin ang patalim na hawak nito saaking leeg.
Pilit akong nag mamakaawa ngunit wala paring lumalabas na boses sa aking bibig.

Ngumisi ito ng napaka lapad.

At naramdaman ko ang kilabot na bumabalot saaking katawan.

Nag simula na akong mag dasal dahil alam ko ng katapusan kona ito.

"Hahahahahahah paalam!"

Binalot ng boses nito ang buong kagubatan.

Habang ako ay inaantay ang kamatayan ko.

Nang may makita akong anino na tumatakbo palapit saamin.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dib dib ko ng ilabas nito ang espad at itinutok saakin.

Hot Gangster's Series 1:BEHIND THE MASK Where stories live. Discover now