Mask 3

138 15 7
                                    

Jackson's POV

~♡~

"Si Christian ang susunod na magiging reyna, alam mo yan! Kaya hindi kami papayag na mangyari uli ang nangyari isang taon na ang nakalilipas. Hindi s'ya pwedeng mamatay at 'yan ang pinaka iseu dito! Nalaman ng SDW (Serpent Death Warriors) na buhay si Christian! At nag paplano na sila ngayong hanapin si Christian. Jack! Nasa panganib ang buhay ng magiging reyna! Kung mawawala siya mawawala na din ang buong grupo, mawawala na ang WJN (White Jaguar Ninja's) at iyan ang kailangan nating maisalba. Kailangang pumasok ni Christian Sa MU upang magtago, upang maka ligtas, siya ang mag sasalba saatin. At ipinapangako ko son, hindi ma mauulit ang ikinakatakot nating mangyari."

Napasabunot ako sa buhok ko ng matapos pakinggan ang Hari.
Iyan naman ang gusto nila eh, ang gang, ang maisalba ang gang! Ni hindi man lang nila inisip na maaring mapahamak ang susunod na magiging reyna sa padalos dalos na desisyon nila.
"F*CK! F*ck! F************CCCKKK!!!! AAAAAAAARRRRGGGHH!"
Nanghina ang tuhod ko dahilan ng pagka luhod ko sa carpeted na sahig. Tuluyan ng umagos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Lumapit ang reyna saakin ngunit itinaboy ko ito, humahagul-gol na din ito at yumakap sa hari. Wala akong panahon ngayon sa kadramahan niya! Siya ang pasimuno ng lahat siya ang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Crisanta!

Sinasabi ko na nga ba! Mangyayari at mangyayari 'to! Kung napatay ko na sana ang Leader ng SDW wala na sana kaming poproblemahin ngayon!
"It's y-your fault queen, i-it's all your F*cking fault!" Tumayo ako kahit nanghihina pa ang tuhod ko at dinuro duro ang reyna na nagtatago sa likod ng sunod sunurang hari.

"K-kung hinayaan mo lang sana akong patayin si Serpania noon, hindi sana ito mangyayari ngayon! Hindi sana tayo naiipit ng ganito!" Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko kaya nag kakanda utal utal ako.

"P-patawarin mo ako anak! Hindi ko naman alam na gaganti s'ya eh! Hindi ko rin alam na hindi siya marunong tumupad sa usapan. Oo kasalanan ko kung bakit namatay ang kapatid mo! Dahil nag padalosdalos ako sa mga dasisyon ko. P-pero ngayon anak, hindi na ako papayag na maulit ang trahedyang iyon. H-hindi na ako papayag na mawalan pa ng isang anak! Huhuhuhu!" Naawa ako sa reyna, dahil kahit anong mangyari ina parin namin siya! Kahit anong pangsisisi ang gawin ko sakanya, ina ko parin siya! Siguraduhin lang nilang hindi na mauulit ang trahedyang naganap noong nakaraang taon.

Ligtas siya sa MU dahil hindi nakakapasok ang mga magulang o kung sinu mang hindi nag-aaral duon. Nandoon ang SDW ngunit si SIB Niall ang namumuno. Kung baga siya ang katiwala ni Sebastian na namatay na asawa ni Serpania, sa pagpapatakbo ng pangalawang gang. Hindi ito alam ni Serpania dahil inilihim ito ng asawa bago pa man ito mamatay. Ako ang naka patay sa asawa ni Serpania, ngunit hindi ko napatay si Serpania dahil kay Queen.

Nagkaroon sila ng kasunduan, ang kasunduan na naging dahilan ng pag pasan ni Christian ng mga problema. Ang kasunduang mag sasanib pwersa ang SDW at WJN, ngunit lubhang maisip at matalino si Serpania kaya nasira ang lahat ng kasunduan. Nawala ng dalawang buwan si Serpania at pagbalik niya, mas lumakas siya dahil sa pagkamatay ng asawa niya, mas naging baliw at sugapa sa kapangyarihan. Gusto niya kaming pabagsakin upang maghari sa lahat ng gang sa buong Pilipinas. At makaupo sa trono ng reyna.

At ngayon idinadaan niya ito sa paghihigante.

"Sa tingin mo matutuwa siya sa mga nangyayari kung nabubuhay pa man s'ya? Sa tingin mo papayag s'ya sa gusto ninyo? Sa tingin n'yo hindi magiging kalbaryo ang buhay ni Christian sa loob ng MU? Huuuuuuuuhhh!?" Umalingaw ngaw ang boses ko sa buong silid.
Dumausdos muli ang takas luha mula saaking mga mata habang inaalala ang masasayang ala ala namin ni Crisanta, simula pagkabata hanggang pagtanda. Mas lalo akong napahagul gol ng maalala itong nalalagutan ng hininga.

Hot Gangster's Series 1:BEHIND THE MASK Where stories live. Discover now