\

108 1 0
                                    

\

{ L o n d o n}

One text message received

Ano ba yan. Ang aga-aga text agad? Kelan ba siya titigil?

Binuksan ko yung text niya. Wala naman na din ako magagawa eh.

From: Panga

"Hi sunshine! Gising na! Wag ka malate ha? ♡♡♡"

Excuzzze me? Sino si Sunshine? Bakit ba paulit-ulit siya? The same text every morning. May hearts hearts pa talaga. Sino ba ginagago niya? Ako? Feeling niya magkakagusto ako sa kanya?

Ngenge niya!

{}

"Hoy babaeng bruha! Ano ba yan. Ang aga-aga nakabusangot ka nanaman? Anyare sayo?" Tanong sa akin ni Jelaia. Papunta kaming classroom for first subject namin. English. /sighs/

"Para sa iyong musmos na kaalaman, ikaw ang bruha. Ako'y maganda." Pagsusungit ko sa kanya. Sanay naman siya eh. Matagal na kaming magkaibigan. Elementary days pa lang.

"Ay? Excuzzze me? Sino kaya sa atin ang may gwapo at sexy na boyfriend? Ha? Ha?" Pagmamalaki niya sa boyfriend niyang sunog. Wala ako pakialam sa boyfriend niya at mas lalong wala akong pakialam sa mga boyfriend boyfriend na yan.

"Boyfriend mong sunog? Hahahahaha! Sge, punta ka na lang nga jan sa Jongin mo. Wala ako care." Tumakbo na ako at iniwan siya. Ang bait kong kaibigan noh?

"Ako may Jongin, ikaw may Jongdae!" Rinig kong sigaw niya at tumawa pa ng malakas. Naririndi ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Nakakainis.

Umirap ako sa hangin at dumeretso na sa room.

{}

Ano ba yan. Kakarating ko lang sa room siya agad bumungad sa akin. Hindi pa nga ako nakakaapak sa floor ng room namin, sinalubong niya na agad ako.

"Hi! Maganda ba tulog mo? Anong kinain mo kaninang breakfast?" Bungad niya sa akin. Kakaupo ko pa lang sa table ko. Nakaupo naman siya sa may harap kong upuan.

Hindi ko siya pinansin pero patuloy pa rin siya sa pagtatalak ng kung anu-ano.

"Bakit ka nakabusangot? Magkakawrinkles ka niyan! Gutom ka ba?" Sunod-sunod niyang sinabi. Ano ba yan. "Bakit hindi mo ako kinakausap? Meron ka ba ngayon? Pang ilang araw? First day?" Hindi ba siya napapagod? Araw-araw pare-pareho lang naman ang tinatanong at ang sinasabi niya sa akin. The same words, the same routine. 

"Please naman Kim Jongdae. Lubayan mo muna ako kahit ngayon muna. Masakit ulo ko." Pumikit ako at hinawakan ang noo ko.

London Bridge {Chen ShortStory}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon