Ethan's POV
Hindi na mawala sa isip ko yung nangyari nung isang araw. Nakapag date naman kami ni Faye ng maayos kaso nahahalata niyang lutang ako. Totoong lutang talaga ako nung nagde date kami pero sinikap kong mag enjoy sa date namin dahil monthsarry namin.
'I didn't expect that she's here.'
Pinilit kong hindi siya isipin pero di'ko na magawa dahil kahit sa panaginip, nakikita ko siya. Nang mabangga ko siya nung friday, pag layo niya sa'min ay sinundan ko pa siya. Pinanood ko pa siyang kumanta habang nag gigitara. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang umiiyak habang kumakanta. Hindi parin talaga siya nagbabago pagdating sa pagiging music lover. Simula nung umalis siya papuntang Canada ay wala na'kong naging balita sakanya at hanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan yung huli niyang sinabi bago siya umalis.
'Aalahanin kita bilang taong kumalimot sa'kin. '
Napapikit ako nang maalala ang sandaling yun. Hanggang ngayon, nagi guilty ako sa kung anong nangyari sa amin noon.
'hays!'
Nabalik lang ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto.
"Bro?" si Ate Nathalie, nilingon ko naman siya. "Breakfast na tayo?" tanong niya habang nasa pinto parin siya.
"Susunod ako." sagot ko. Ngumiti naman siya saka marahang sinara ang pinto.
Naligo lang ako sandali saka lumabas at bumaba.
"Good morning nak." bati nina Mom at Dad, nginitian ko naman sila saka nakipag beso. "Are you okay nak?" tanong ni Mommy nang magsimula na kaming kumain.
"I'm okay mom. Wala lang po ako sa mood." sagot ko saka sinubuan si Nathan ng cereal.
Si Nathan ang bunso naming kapatid. Dalawang taon palang siya, habang si Ate ay 17 y/o.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam akong aalis at isasama si Nathan para mamasyal. Tinawag ko na ang driver para magmaneho ng kotse namin saka umalis. Habang nasa biyahe papalabas village ay dumungaw ako sa bintana at ganon nalang ang gulat konang makita ang kakambal ni Yza sa labas ng isa sa mga bahay dito sa village.
'Lumipat na sila ng bahay? at sa iisang village lang kami nakatira?'
Hindi ako makapaniwala. Mababaliw na ata ako.
*Monasterio de Tarlac*
Kakalabas lang namin ni Nathan sa simbahan matapos ng misa. Naglakad lakad pa kami ni Nathan at bahagya akong nagulat nang hilahin niya 'ko papunta sa vendor ng mga lobo. Natawa naman ako.
"Kuya! Balloons!" turo niya sa mga lobo habang nakangiti.
"Do you want balloons?" tanong ko.
"Yes! Yes! Yes!" masayang sagot niya habang tumatalon pa.
Binilhan ko naman siya at tuwang tuwa habang naglalakad parin dito sa park. Nalingat naman ako nang mag vibrate yung phone ko.
Peejay's calling...
"Peejay?" tanong ko matapos sagutin ang tawag niya. "Nasaan ka? Bakit wala ka kaninang umaga?"
"I'm here bro." nangunot naman noo ko. "Kisha's house." sagot niya kaya natawa naman ako.
"Oy! Anong ginagawa mo diyan? Tinatakasan mo na'ko ngayon ah." nangaasar kong sabi sakanya.
"Ulul. Namiss ko lang siya hahaha!"
"Sira ulo." singhal ko sakanya, sabay naman kaming natawa.
"Osya sige bro, mamaya nalang. Uuwi ako before lunch. Bye bye!" paalam niya saka pinutol ang linya. Iiling iling kong ibinulsa ang phone ko pero nagulat nalang ako nang mapansing... wala sa tabi ko si Nathan! Nataranta akong nagpalinga linga pero hindi ko siya makita. Tinawagan ko ang driver namin para itanong kung kasama ba niya ang kapatid ko pero hindi naman daw. Inutusan ko siyang hanapin si Nathan sa mga daan daan habang ako naman, sa park.
Halos lamunin ako ng sarili kong kaba dahil hindi ko mahagilap si Nathan. Nagtatanong rin ako sa mga taong nakakasalubong ko kung nakita nila ang kapatid ko pero ni isa sa kanila ay walang nakakita kahit idetalye ko kung anong itsura niya.
Halos malibot ko na yung buong park pero di ko parin nakikita Nathan. Mas lalo akong kinakabahan, sana'y walang nangyari sakanyang masama.
Nagpatuloy parin ako sa paghahanap nang mapagdesisyunan kong bumalik sa simbahan, nagbabakasakaling nandun si Nathan. Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng simbahan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Nathan na kasama si... si.... YZA?
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang lumingon siya banda sa'kin at magtama ang paningin namin!
'Sampalin ako ngayon na!'
Napalunok ako sa tindi ng kaba ko, naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Wala akong mabasang reaksyon mula sakanya. Bumaling siya kay Nathan, diko man naririnig ang sinasabi niya pero tiyak kong may tinatanong siya sa kapatid ko.
Tumingin sa'kin si Nathan saka tumakbo papalapit sa'kin. Tumingin ako kay Yza pero... WALA NA SIYA?
'Nasaan yun?'
"Kuya! Kuya! Kuya!" tawag sa'kin ni Nathan kaya agad akong napalingon sakanya.
"Are you okay?" tanong ko sakanya kaya tumango naman siya.
*Bahay*
Nakadungaw ako ngayon dito sa veranda at halos maglayag ang isip ko papuntang mars sa sobrang gulo ng utak ko.
'Nababaliw na'ko!'
Pag kauwi namin kanina, di ko na kinwento kina Mommy ang nangyari kay Nathan. Pero di pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari simula nung dun sa mall at sa monasterio. Talaga atang pinagkukrus yung mga landas namin. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari ngayong nakabalik na siya. Hindi ko alam kung paano ulit haharap sakanya kung sakali mang magkita ulit kami.
'Galit pa kaya siya sa'kin?'
Naramdaman ko namang bumukas ang pinto kaya nilingon ko naman yon. 'Si Peejay.'
"Ethan? pwedeng pumasok? "
"Nabuksan mo na e." sarcastic kong sagot. Natawa naman siya saka tuluyang pumasok at tumabi sa'kin. "Bakit?"
"May problema ka 'no?" tanong niya kaya napabuntong hininga naman ako at deretsong tumingin sa kung saan. "Si Yza ba?" dagdag pa niya kaya napayuko naman ako.
"I see her." sagot ko.
"I know."
"Again." sabi ko kaya nilingon niya naman ako.
"What?" gulat niyang tanong kaya tumango ako. "Saan?"
"Sa Monasterio, sa harap ng simbahan." sagot ko saka hinarap siya. "Di ako sure kung siya paba yung Yza na yun e, parang nagbago na siya. Di ko pa siya nakakasama ngayon pero feel ko talaga, iba na siya." dagdag ko pa.
"Bro, alam na ba ni Faye?"
"Hindi pa, ayokong malaman niya na nagkita na kami." sagot ko kaya pareho nalang kaming tumingin sa kawalan at nag isip.
'May dahilan ba ang pagbabalik mo?'
![](https://img.wattpad.com/cover/139842109-288-k404398.jpg)
YOU ARE READING
Fall Back [ON GOING]
Teen FictionLove story ng isang babaeng iniwan ng walang dahilan, nagmahal ng walang kasiguraduhan at nagkaroon ng ugnayan sa isang lalaki pero di sila nagkatuluyan. Paano niya kakalimutan ang taong yon kung siya mismo ay matagal na siyang kinalimutan? Sila...