CHAPTER 2

17 2 0
                                    

Yza's POV

Walang bago sa araw na'to. Halos parang araw-araw, gusto akong lamunin ng mundo. Dalawang linggo na ang nakalipas matapos kaming umuwi galing Canada. Napagdesisyunan ni Papa na dito na kami sa Pilipinas magpatuloy ng pag-aaral.

Gusto ko pa sanang magstay din sa Canada dahil ayoko ng balikan dito sa Pilipinas lahat ng masasakit na karanasan ko dito na ayoko ng maalala. Lalo pa't dito ulit kami sa Tarlac City maninirahan at hindi sa Manila.
Friday na ngayon, susulitin ko ang weekends para gumala ng gumala. Sa lunes na ang pasok ko at paniguradong marami na ang nagbago matapos kong umalis dito. Tinapos ko lang ang bakasyon dito sa Pilipinas noong grade seven ako at lumipad narin kami papuntang Canada bago ako mag grade 8. Ngayon ay Grade 10 na'ko at isang taon nalang ay gagraduate na'ko.

Matapos makapag isip ay naligo ako. 11:45am palang kaya mahaba haang oras ang meron ako para makapag gala. Pagkatapos maligo ay bumaba na'ko at nadatnan ko si Papa sa sala na naglilinis.

"Si Iro?" tanong ko at nilingon naman ako ni Papa.

"Nasa garahe, nililinis yung nga motor ninyo." tumango naman ako saka pinuntahan si Iro.

"Oh bal! tinanghali ka ng gising ah. Kumain kana?" tanong niya habang pinupunasan yung motor ko.

"Hindi pa bal. Gusto ko sanang sa labas nalang kumain." sagot ko saka niya ako nilingon.

"Hmm. Bago yan ah. May gusto kang bilhin?"

"Ya! Guitar." sagot ko at ngumiti naman siya. "Gusto ko lang din sulitin yung three days bago tayo pumasok." tumango tango naman siya saka ibinalik ang tuon sa pagpupunas. "Can you join me?" tanong ko at tumango nalang ulit siya saka ngumiti. "Ok then. I'll wait for you." tinalikuran ko na siya saka pumasok sa bahay at humiga sa sofa.

Ako si Yza Rose Buenavico, 15 years of age. Si Iro Buenavico naman ay kapatid ko slash kakambal. Oo, kakambal ko siya at kami lang dalawa ang magkapatid. Si Papa naman ay si Rosken Buenavico, siya nalang mag isa ang nag aalaga sa'min ni Iro since my mom died, 5 years ago. Natagpuan nalang si Mama sa St. Kalayaan na wala ng malay. Sabi sa investigation, posible daw na narape si Mama. Halos di nanamin siya mamukhaan that time dahil kalunos lunos talaga yung sinapit niya. At hanggang ngayon, di pa nahahanap kung sino ang pumatay sa Mama ko. But all we want is justice.

Hindi ko namalayang tumutulo na ng kusa yung mga luha ko. Naramdaman kong bumukas na ang pinto ng kwarto ni Iro kaya pinahid ko na ang luha ko saka tumayo.

"Let's go?" anyaya niya. Tumango naman ako saka nagpamaunang lumabas.

Minaneho na namin ang sari sarili naming mga motor papunta sa SM TARLAC. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa mall.

"Doon muna ako sa flower shop." tugon ni Iro matapos mag park ng sasakyan sa parking lot. Tinanguan ko naman siya saka naglakad papasok ng mall.

Marami ng tao sa entrance dahil sale lahat ng mabibili sa Mall, lalo na ng libro. Pagpasok ko ay bigla nalang akong nabangga at muntik ng matumba.

"Sorry Miss." tugon ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi ako nakatingin sakanya dahil nakayuko ako at hawak niya ko sa magkabilang braso. Nang mag angat ako ng tingin sa lalaking nabangga ko at di nga ako nagkamali.

'Siya nga.'

Sandali pa kaming nagtitigan at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Diko na makaya ang titig niya at kinalas ko ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko at saka mabilis na naglalakad papasok sa loob.

"Yza?" tawag niya.

'Wag ngayon'

Napapikit ako saka tumigil sa paglalakad at bahagya ko siyang nilingon ng patagilid, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Bigla akong kinabahan sa sandaling ito.

'I didn't expect that he's here.'

Binilisan ko ang paglalakad at nagmadaling pumasok sa Musical Room. Pinilit kong ituon sa mga instrumento ang atensyon ko pero di ko maiwasang mag flashback lahat ng nangyari after 2 years. Pinilit ko talagang ituon sa mga instrumento ang atensyon ko saka kumuha ng gitara. Kulay blue 'yon na may halong kulay black.

"Pwede niyo pong subukan." bahagya akong nagulat sa sinabi ng salesman.

"Ah ok. Pwedeng makahiram ng kapo?" tumango naman siya saka inabot sa akin 'yon. Umupo naman ako sa upuang ibinigay niya saka nagsimulang tumugtog at umawit.

You must think that I'm stupid
You must think that I'm a fool
You must think that I'm new to this
But I have seen this all before

So I'm never gonna let you close to me
Even when you mean the most to me
Cause everytime I open up it hurts...

So I'm never gonna let too close to you
Even when I mean the most to you
In case you go and leave me in a dirt...

Bigla akong naluha sa bawat lyrics ng kanta na binabanggit ko. Hindi ko alam kung bakit pero napapikit ako. 'Nasasaktan ako'

But everytime you hurt me the less that I cry
And everytime you leave me the quicker this tears dry
And everytime you walk out the less I love you
Baby we don't stand a chance
It's sad but its true

I'm way too good at goodbyes...
I'm way too good at goodbyes...

Huminto ako sa pagtugtog at nagmulat ng mata. I wiped my tears and I asked the salesman to buy the guitar. In this time, I know his watching. I feel his presence.

Nang makuha ko na ang gitara ay nagmadali nakong lumabas at pumunta sa parking lot. Naghihintay na si Iro.

"Oh tara na?" tanong niya pero diko na siya sinagot. Sa halip, pinaandar ko na ang motor ko saka sinenyasan siyang umuwi na. Di na'ko nakaramdam ng gutom.

Pag kauwi sa bahay ay dumeretso ako papaupo sa sofa at kinalma ang sarili.

"Ang bilis mong magmaneho bal. Are you okay? tanong niya at umupo sa tabi ko. What's wrong?"

Tinignan ko siya. "I saw him." sagot ko at bahagya siyang nagulat.

"Si Ethan?" pagkukumpirma niya at tinanguan ko naman siya. Bakas sa mata niya ang pag aalala.

Bahagya akong ngumiti. "I'm okay bal. I'll go upstairs." tinapik ko siya sa balikat saka umakyat na papunta sa kwarto.

Hiniga ko ang sarili ko sa kama at diko na napigilan ang sarili kong umiyak. 'I'm hurting.' At diko na namalayan ang sarili ko, hanggang sa makatulog na'ko.

To be continued...

Fall Back [ON GOING] Where stories live. Discover now