CHAPTER 5

9 0 0
                                    

Ethan's POV

  "Ok class, dismiss." nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang klase. Naging lutang ako kanina at di'ko na nagawang makinig. Masiyado kasing naglalayag yung isip ko at halos mapunta na sa planetang pluto.

Napabuntong hininga akong niligpit ang mga gamit ko saka napatingin sa kinauupuan ng kambal. Nagulat naman ako nang makitang wala na sila. Para talaga silang bula, biglang nawawala. 'San kaya sila nagpunta?'

'Eh ano bang pake mo Ethan?'

Erase. Erase. Erase!

Kinalbit ako ni Peejay at nilingon ko naman siya.

"Mukhang may hinahanap ka?" tanong niya. Nang aasar ba siya? tss.

"Psh! siraulo." singhal ko sakanya at pinasadahan niya naman ako ng nang aasar na tingin.

'Malilintikan talaga' tong kupal na'to hanggang mamaya.'

Pag katapos naming magligpit ay dumeretso kami sa locker namin para kunin ang gamit na gagamitin namin para sa susunod na subject.

"Bro? okay ka lang?" napalingon naman ako kay Peejay habang kinukuha ang gamit ko sa locker.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako kapag nandiyan sila, kapag nakikita ko sila, kapag nagkakatinginan kami, lalo na si Yza."

"Kahit ako nagulat nung nakita ko si Yza sa mall nung mabangga mo siya. Lalo pa't dito sila sa CIS nag aaral." napayuko naman ako. "Pero sa ngayon pakaisipan mo si Faye, baka magkita sila at for sure.... magkakausap sila." natigilan naman ako. Hindi nga malabong mangyari yon, at baka kung anong isipin ni Faye pag nakita niya si Yza.

"Ethan! Peejay." nilingon namin kung sino yon.

'Mga kaibigan namin.'

"Oh kamusta weekends?" tanong ni Nax sabay akbay sa'min.

"Ok lang mga bro. May konting problema lang sa---" di na natapos ni Peejay yung sasabihin niya dahil siniko ko siya.

"Problema saan?" tanong ni Kisha.

"Problema sa projects." sagot ko kaya tumango naman sila.

"Kami din e. Halos namomroblema rin kami sa mga projects. Sabay sabay pinapagawa, kulang pa sa time."

"Okay lang yan. Kung gusto niyo kapag weekends, sabay sabay tayong gumawa ng mga folios at projects natin."

"Okay yan!" sagot ni Nax kaya di na ko nakatanggi pa.

Nasa cafeteria na kami ngayon at bumili kasi paniguradong aantukin kami sa susunod na klase. Hindi pa rim maalis sa isip ko si Yza. Masyado nyang ginugulo yung utak ko, yung isip ko.

"Ethan! Uy!" tawag sakin ni Nax. Napansin nya yatang nakatulala ako at may iniisip. "Yung totoo? Naka drugs ka?" tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit ka tulala? Iniisip mo jowa mo? Oh edi kayo na may jowa!" pagtataray nya.

"Wala may pinoproblema lang." sagot ko at tinignan nila akong lahat na parang nagtatanong maliban syempre kay Peejay. "S-school works." dagdag ko at mukhang di sila naniwala.

'Mga abnormal'

"School works? baka babae? Hindi si Faye pero ibang babae HAHAHAHAHA!" sagot ni Kisha at tinaasan ko rin sya ng kilay. "Okay fine. So what is it?" tinignan ko sila isa  isa at humugot ng malalim na hininga bago sabihin sakanila.

Fall Back [ON GOING] Where stories live. Discover now