Yza's POV
Heto na! First day nanamin ni Iro sa CIS at makoconsider kami as transferees kahit dati na kaming nag aral 'don. Hindi ko alam pero may kung anong kaba sa dibdib ko na di'ko mapaliwanag, at ayoko ng ganitong pakiramdam.
Matapos naming maghanda ni Iro ay bumaba na kami, nadatnan naming nakahanda nadin si Papa ng almusal at nakabihis na. May pasok din siya e.
'Pulis kasi siya.'
Tahimik kaming kumakain at nakakabingi ang sobrang katahimikan. "Ako na ang maghahatid sa inyo." pagbabasag ni Papa sa katahimikan, nilingon naman namin siya ni Iro.
"No, its ok Pa. Kaya na po namin ni Yza." presinta ni Iro kaya pumayag na si Papa.
Matapos kumain ay nagpaalam na kaming umalis.
*Cross International School*
Pagkatapos iparada sa parking lot ang nga Mio namin, pumunta muna kami sa Dean's Office.
"Good morning Buenavico Twins." bati sa'min ni dean matapos makapasok, nakaupo siya sa swivel chair habang nakatukod ang mga siko sa mesa saka nakapangalumbabang tumingin sa'min. "Have a sit." aniya kaya naupo na kami.
"Hindi naman na siguro kayo bago sa eskuwelahang ito, hindi ba't Buenavico's." panimula niya kaya tumango naman kami. "Tsk tsk tsk! Mukhang ibang Buenavico Twins ang kaharap ko ngayon." nakangising aniya. Napansin niya siguro ang pagiging tahimik naming magkapatid, nilingon ko naman siya saka deretsong tumingin sakanya.
"Di naman po siguro big deal ang pagiging tahimik?" pinilit kong hindi maging tunog sarcastic ang sinabi ko.
"Hindi naman Ms. Yza." bumuntong hininga siya saka muling nagsalita. "Anyway, dati narin kayong nag aral dito sa eskuwelahang ito kaya mas madali na siguro para sa inyong pakisamahan ang ibang estudyante dito. So, ilalagay ko kayo sa section A dahil nakikita ko namang mas malinis pa sa safeguard ang records niyo sa dati ninyong school. Kinausap ko na ang magiging prof. niyo kaya hintayin niyo nalang na dumating siya sa classroom niyo at ipakilala kayong muli. Sana ay ienjoy niyo ang scholl days niyo dito sa Cross International School." mahabang sabi niya saka bahagyang ngumiti at nakipag kamay sa'min.
Paglabas ng D.O ay lumakad na kami sa hallway papunta sa magiging classroom namin, napatingin ako sa parking lot at nakita ko siya.
'Si Ethan.'
Ilang sandali pa ay liliko na sana kami sa corridor papunta sa room namin pero pinatigil ako sa paglalakad ni Iro saka niya itinuro si Ethan na nasa tapat ng mismong room na pupuntahan namin at may kausap na babae, hindi ko mamukhaan dahil nakatalikod sa'min. Kunot noo ko snamang nilingon si Iro, at nagets ko naman ang tingin niya na wag muna kaming tumuloy hangga't di pa sila tapos mag usap. Ilang saglit pa ay pumihit na patalikod ang babae saka ko lamang siya nakilala. Nakangisi akong tinignan siya papasok sa katabing classroom namin.
'Tss! ang tataga ah.'
Nang makapasok na siya ay bahagya akong nagulat nang makitang pumasok si Ethan sa classroom na dapat ay papasukin namin.
'Anak ng tokwa! Hanggang dito ba naman!?'
Nagpatuloy kami sa paglalakad nang may prof. ng pumasok sa room. Nagtinginin pa muna kami ni Iro saka tumuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa harap ng pinto. Hinihintay naming iannounce kami ng prof. dahil nakasara ang pinto bago pumasok.
'This is it Yza! Kayanin mong makita siya.'
Ethan's POV
Tinanghali ako ng gising dahil halos makalimutan kong may pasok na pala ngayon. Binilisan ko ang maghanda saka sinundo si Peejay sa kwarto niya, katulad ko ay mukhang tinanghali din siya ng gising dahil nagmamadali siyang kumilos. Nang matapos siya ay hinila niya pa'ko pababa.
"Oh! Aalis na kayo?" gulat na tanong ni Mommy nang makitang papalabas na kami.
"Late na po kami tita e. Sa school nalang po kami kakain." sagot na Peejay. Nangulit pa si Mommy na kumain na muna daw kami pero wala narin siyang nagawa dahil late na talaga kami.
May sariling kotse si Peejay na bigay ng parents niya bago umalis, sakanya ako sumasakay pag pumapasok. May sarili rin naman kaming kotse pero di pa'ko pinapayagang magdrive dahil wala pa daw sa hustong gulang. Habang nasa biyahe paalabas ng village ay tinatanaw ko pa ang bahay nina Yza.
Pagkadating sa CIS ay pinarada na ni Peejay ang kotse sa parking lot saka kami bumaba. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na Mio at may sticker na nakalagay sa bandang upuan na YRB.
'Sh*t! kay Yza to ah! Dito ba siya mag aaral?!'
Ba't di'ko naisip yon? 'Katangahan nanaman Ethan!'
"Bro tara na!" yaya ni Peejay kaya sumunod naman ako sakanya.Nang umakyat na kami sa 2nd floor kung saan nandun ang room namin ay bahagya akong nagulat nang makita sa harap ng classroom namin si Faye na nakasandal sa railings saka magkakrus ang mga braso habang deretsong nakatitig sa'kin. Mukha siyang galit?
"Ah bro pasok na muna ako ha." sabi ni Peejay matapos makalapit kay Faye, tinapik niya pa muna ako saka pumasok. Bumaling naman ako kay Faye na ngayon ay nakataas ang kilay at hindi inaalis sa'kin ang tingin. Nangunot naman ang noo ko.
"Hindi mo'ko tinext nung makauwi ka pagkatapos ng date natin nung friday." sabi niya kaya natigilan naman ako. "Hindi mo rin ako magawang tawagan makalipas ang dalawang araw, nakaka amazed naman dahil natitiis mo'ko Ethan Hidalgo." dagdag pa niya kaya napakamot ako sa sintido ko dahil nagigibg sarcastic siya.
"Hmm naging busy lang ako kasi tinapos ko yung mga projects namin kay Ma'am Pat kaya di'na kita natetext at natatawagan." sagot ko at nainis naman siya. "I'm sorry babe."
"Again? Sorry again?" sarkastikong tugon niya. "Be thankful Ethan dahil hindi pa'ko nagsasawa diyan sa mga dahilan at sorry mo!" sigaw niya saka ako tinalikuran at pumasok na sa classroom nila.
'Hays!'
Pumasok narin ako saka umupo sa tabi ni Peejay at nagpakwento pa siya kung anong nagnyari sa'min ni Faye. Di'ko na natapos ang pagkukwento ko nang pumasok na ang prof. namin.
"Good morning class!" bati sa'min ni Mr. David at binati fin namin siya pabalik. "I have a important announcement, so please, listen." panimula niya kaya nakinig naman kami. "Meron kayong bagong kaklase na dati naring nag aral dito sa CIS. Galing pa sila sa Canada at napagpasiyahan na dito na sa Pilipinas magtapos ng pag aaral." anunsiyo niya kaya nagbulungan naman ang iba kong mga kaklase samantalang ako ay natigilan sa sinabi ni Mr. David.
'Sh*t! Canada? sana mali ang kutob ko!'
Napapikit ako sa hindi maipaliwanag na kaba.
"I want you to meet the Buenavico Twins!" parang binomba ang utak ko nang magpa ulit ulit sa tenga ko ang sinabi ni Mr. David. Dahan dahang bumukas ang pinto at napalunok ako ang makita sina Yza at Iro! Napalingon ako kay Peejay, tulad ko ay gulat din siyang makita ang magkapatid. Binalik ko ang tingin sa kambal ang tumindig ang balahibo ko nang magtama ang paningin namin ni Yza!
'What the heck! I wanna die!'
Sandali pa kaming nagtinginan at ako din ang sumuko dahil di'ko malabanan ang titig niya. Napayuko ako, kaya pala pamilyar yung Mio sa parking lot kanina dahil sakanya yon!
Di na'ko makatingin sa kanila, lalo na kay Yza, nilalamon ako ng sariling kaba. Sandali pa silang nagpakilala saka tuluyang pinaupo ni Mr. David ang magkapatid sa likuran.
Nang magsimula ang klase ay di'ko magawang makapag focus dahil lutang ang isip ko kasi nandito sila.
'Help me lord!'
To be continued...
YOU ARE READING
Fall Back [ON GOING]
Teen FictionLove story ng isang babaeng iniwan ng walang dahilan, nagmahal ng walang kasiguraduhan at nagkaroon ng ugnayan sa isang lalaki pero di sila nagkatuluyan. Paano niya kakalimutan ang taong yon kung siya mismo ay matagal na siyang kinalimutan? Sila...