Killian's POV
Dugo...
Yan ang gusto Kong makita
Gusto Kong tumatalsik ito sa mukha ko sa mga oras na iyon
Wala akong iniisip kundi ang mabasag ang mukha ng nasa harap ko
Sinusuntok suntok ko ang pagmumukha niyang Hindi na makilala dahil sa sobrang bugbog na to
Hindi ko mapigilan ang aking mga kamay
Gusto Kong ibaon ang kamao ko sa mukha niya
Sa kanya ko binuhos ang lahat ng galit ko
Kung tutuusin mababaw Lang naman ang dahilan ng pambubugbog ko sa kanya eh
Nabunggo niya Lang ako at sinigaw sigawan niya
Nagpanting ang tenga ko kaya lahat ng sama ng loob ko nang araw na yun binuhos ko sa kanya
Galit
Poot
Hinanakit
Sama ng loob
Naghalo halo yan nung araw na yun
Ang araw na gusto Kong kalimutan na at ibaon na sa lupa
Yun ang araw Kung Saan Nagsimula ang lahat
Lahat ng bagay na ayaw ko ng mangyari ulit at ayaw ko ng balikan pa
Hindi ko alam kung ako ba talaga yun dahil para akong sinapian ng Kung anong demonyo para magawa ang lahat ng iyon
Paano ko na gawa yun?
Ayoko ng Alalahanin ang dating ako
Ang ako na mamamatay tao....
The end.
Yes natapos din ang Chapter na to
Walangya tong istorya ko
Nakakatamad mag isip ng mga susunod na scenes
Pero Achievement nanaman dis hahaha
Atleast may natapos akong chapter ngayong araw
Teka anong oras na pala?!
Aw shet! Late nanaman ako
Kaya nagmadali na akong gumayak
Ligo bihis toothbrush at kung ano ano pa
Sumakay ako sa kotse ko at nakalimutan kong wala nga pala kong gas
Peste
Magcocommute pa ako
Pumara na ako ng taxi at mabilis na sinabi Kung San ang destinasyon ko
Bumaba ako sa harap ng H.U dahil bawal daw ang taxi sa loob
Kaya nagmamadali akong pumasok sa aming university pero bago pa ako makapasok bigla na lang may humaharurot na sasakyan ang dumaan
Dahil napaka malas kong nilalang natalsikan ng Putik ang leche kong uniform
Great! Just great
At malalaman mo pang ang may ari ng sasakyan na yun ay walang iba kundi ang Hayup na si greyson
Pvta.
Bakit sya na lang lagi??
Hindi ko namalayang may tao pala sa harap ko
BINABASA MO ANG
His Boyish Girlfriend
Novela JuvenilIsang babaeng boyish ang magpapatibok ng puso sa isang hot rebel heartthrob Pero Paano nga ba nangyari yun?