Killian's POVAnother day at school
Nakakapagod na talaga mag-aral
Inihatid ako ngayon ni Lixyre dahil wala daw syang magawa
Tapos isasabay nya na din pala ang pag eenroll nya
Kung tatanggapin pa sya
Sana Hindi
Sana hindi
Sana hindi
Please....
Ayaw ko na talagang may madagdag pang sakit ng ulo ko sa school
Andyan na nga Si zarina!
Projects, exams at napaka dami pang iba
Isali nyo pa ang hinayupak na si Greyson
Aish! Kainis talaga
"Oh andito na tayo"
"Ge salamat sa paghatid
Umuwi ka na""Mag eenroll pa ko.. "
Shet! Naalala niya pa
"Ay oo nga pala, Sige mauna na ako ahh"
"Hatid na kita sa room mo"
"Wag na No pets allowed"
"Bawal ba talaga ang sobrang gwapo sa loob? "
"Ang yabang talaga"
"Always, love"
Umalis na ako baka tangayin pa ako ng napaka lakas na hangin niya
"Nal gidalyeo!"
'wait for me!'
Binilisan ko na Lang ang paglalakad para di niya ko maabutan
peste..
buti na lang di nya na ako nasundan,
pumasok na ako sa room namin at naupoMukhang Hindi na talaga matatahimik ang buhay ko
Aishh
***
Natapos ang klase namin na Hindi man lang nagturo yung bwisit naming teacher
Puro pagpapagalit ang alam sermon ng sermon wala na kaming natutunan kaya ayaw ko na talagang pumasok minsan eh imbis na turuan kami puro pag papagalit ang alam
Inis akong lumabas ng room para kumain hindi na naman kasi ako nakakain kaninang umaga eh
Dumiretso na ako sa cafetearia at umorder ng pagkain pagkatapos kong makuha yung pagkain ko ay umupo ako sa gilid
Habang kumakain ako biglang dumating yung dalawang peste sa buhay ko si zarina at si lixyre
"Oyy bakit naman umalis ka na lang ng di mo man lang ako inaaya" inis na sabi ni zarina
"At bakit naman kita aayain?" Sagot ko
"Syempre kaibigan mo ko!"
"Ay ganun ba halika na garod dito baby zarina kain ka na say aahh" sabi ko sa kanya habang akmang susubuan siya
Ngumanga naman ang gaga isalaksak ko kaya ito sa bunganga niya
"Bibili na lang ako ng pagkain natin zarina wag mo ng agawan si lian" singit ni lixyre
"Sige na nga bilisan mo ah" sagot ni zarina
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na namin si lixyre palabas dahil bukas daw ay pwede na siyang pumasok dito kaya kailangan niya munang maghanda para makapasok na bukas

BINABASA MO ANG
His Boyish Girlfriend
Teen FictionIsang babaeng boyish ang magpapatibok ng puso sa isang hot rebel heartthrob Pero Paano nga ba nangyari yun?