Chapter 1

11K 124 2
                                    

Biglang tinapakan ni Derin Grace Sabanal ang preno ng kanyang maliit na kotse. Muntik na silang magkabanggaan ng isang motorsiklo na mabilis lumiko sa isang maliit na blind curve. Kakahuhayan ang nasa magkabilang kalsadang gawa ng espalto.

"Sh*t! What the heck?" nasambit niya at bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Inis na sinulyapan ng bente y otso anyos na dalaga ang lalaking naka-helmet. Nakatukod ang isang paa nito sa lupa habang parang bitbit nito ang tila pang-race na motorsiklo. Mukhang pang-motocross ito.

Inis siyang bumaba ng kanyang kotse para sitahin ang sinumang Poncio Pilatong kung makapagmaneho ay parang may-ari ng kalsada.

'Huh! Buti at tumigil ka rin, bwisit ka!' asar na anang isip niya. Nag-martsa siya palapit rito. Wala siyang pakialam kung lumaki ang butas ng ilong niya sa inis. Sinuklay niya nang marahas ang kanyang buhok na lampas balikat na pinakulayan niya ng caramel color.

"Hoy! Kung gusto mong magpakamatay o mag-race, huwag sa ganitong lugar kung saan makadisgrasya ka ng mga tao! Akala mo kung sinong may-ari ng kalsada!"

Napansin niyang sinikaran ng lalaki ang stand ng motorsiklo nang maitabi ito at bumaba. Matangkad ito. Nasa six feet yata ang tangkad nito. Nakasuot ito ng butas-butas na faded blue jeans sa may tuhod, black jacket na pinailaliman ng white T-shirt na nagbakat sa halatang magandang porma ng katawan nito. Napatingala tuloy ang babaeng nasa five feet at two inches ang taas.

Inaalis ng lalaki ang suot na itim na helmet at parang mapatulala siya sa kapogian nito. Meron itong kulay light brown na mga mata, medyo makapal na mga kilay, matangos na ilong, mamula-mulang pisngi at reddish na mga labi.

Nakita niya ang pag-angat ng isang sulok ng labi ng siguro nasa early thirties na lalaki habang nakatingin ito sa kanya nang may panunuya.

"Miss, fyi, this is my private property. So, ako ang may-ari ng kalsadang ito, and I can do whatever the hell I want to do around here!"

Nalaglag ang panga niya sa kanyang narinig.

'No! This can't be! Siya? Siya ang may-ari dito? Pati kalsada?' Hindi niya alam ito. Akala niya pa naman ay sakop pa ito ng barangay road ng Sta. Ignacia. Wala kasing nakalagay na Private Property sa daan. So, no. Baka gino-good time lang siya dahil kasalanan nito 'yung muntikan na nilang pagkabanggaan.

Humakbang ito palapit sa kanya at amoy na amoy niya ang pabango nito. Bigla siyang napaatras nang parang nag-iba ang ekspresyon ng mga mata nito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. Bago pa man niya malaman ang susunod na gagawin nito ay bigla na lang siya nitong hinapit sa kanyang baywang. Napaawang ang kanyang mala-rosas na mga labi sa ginawa nito.

"And I can very well do this if I want to," at saka inilapit na nito ang mukha sa kanya.

Nandilat ang mga mata niya nang mag-landing sa kanyang mga labi ang malambot ngunit medyo parang mariin na pagdantay ng mga labi nito. Parang naramdaman niya ang banayad na elektrisidad na tumulay sa buong katawan niya. At bahagyang gumalaw ang labi nito na ikinasinghap niya.

'Pucha! Bakit hindi ko man lang siya maitulak? Nasaan na ang martial arts na natutunan ko?' sigaw ng isip niya. Para siyang tuod na nakadikit ang sarili sa malakas at matigas nitong katawan. Damang-dama niya ang matigas rin nitong harapan na nakadikit sa kanyang puson. 'Gawd! Is he seriously aroused?' Biglang gumapang ang init sa kanyang magkabilang pisngi. She may be inexperienced but she knew damn well what that hard frontal area meant. She wasn't an ignorant child or teenage girl.

Ilang saglit siya nitong hinalikan hanggang sa binitawan na lang siya nito nang basta at muntik na siyang matumba dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. Inalalayan siya nito sa kaliwang siko nang may panunukso sa mga mata nito.

Mr. MahalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon