Chapter 3

5.4K 87 1
                                    

Hindi akalain ni Derin na ipagbukas siya ng lalaki ng pinto ng sports car nito.

'Hmp! Gentleman ba talaga 'to or pakitang-tao lang?' Napansin niya kasi ang tiyahin nitong nasa may balkonahe ng pangalawang palapag. Kumaway ito sa kanila at kaya kumaway na lang din siya bago pumasok.

Ang ganda talaga ng kotse nito. Luxurious ang upuan at komportableng-komportable siya. Malinis at mabango rin ito sa loob. Mukhang inaalagaan talaga ang kalinisan ng sasakyan. Mukhang mana sa may-ari. Napuna naman niya ang motorsiklo nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Ito yaong gamit ng lalaki nang muntik na silang magkabanggaan sa may blind curve.

Naramdaman niya ang pagpasok ng lalaki at umupo sa tabi niya, sa may driver's seat. Lumapit ito sa kanya at napaatras ang ulo niya dahil dito.

"A-anong ginagawa mo?" angil niya. 'Sh*t! Ang bango talaga ng pervert na ito!'

Ngumisi ito sa kanya. "Dapat mag-seatbelt ka. I don't drive slow, you know. I always like it fast... and strong," makahulugang anito na nakuha niya naman.

"Peste ka! Bastos ka talaga!" asar na aniya. Itinabig niya ang kamay nito pero nakahawak na ito sa seatbelt at ito na ang humila noon para i-secure siya. Nakita niyang pangiti-ngiti pa rin ito. Itinulak na niya ito sa mukha palayo sa kanya at tumawa lang itong parang baliw. Kaasar talaga.

Umayos na ito sa pagkakaupo at pinaandar ang kotse. In fairness, ang guwapo nito sa suot na itim na jeans at blue na polo shirt. Halatang nag-shower ito bago nagbihis, katulad niya. Nagpalit siya pagkatapos mag-shower. Isang mini-skirt na kulay green at pinaresan niya ng puting sleeveless blouse at puting sandals na may two inches na takong. Katulad ng dati ay nakalugay lang ang kanyang buhok na tuyo dahil sa gamit na hair dryer. Nasanay kasi siyang gamitin ito pagkatapos mag-shower.

Madilim ang kanilang dinaanan. Parang hindi umabot rito ang mga poste. Siguro walang budget ang barangay. Kulang sampung minuto lang ang takbo nila dahil sa bilis nitong magmaneho ay kaya dumating na sila sa isang malaking bahay sa gitna ng tubuhan na hacienda.

Nang makalapit na sila ay pinabagalan nito nang sadya ang kotse. Dahil sa lakas ng musika sa loob ng malaking bahay ay naririnig nila ito.

"So, sino ang may birthday?" tanong niya sa lalaki.

"Wala. It's just a simple gathering. Mga kaibigan ni Cammy." Napatingin ito sa mga kotseng naroroon. Siguro tinatantiya nito kung sinu-sino ang mga kakilalang nandoon sa pamamagitan ng mga iyon. Nasa mga isang dosena rin yata ang mga nakaparadang magagarang kotseng nandoon.

"So, who's this Cammy? Girlfriend mo?" tanong na naman niya bago niya mapigilan ang sarili.

Napalingon ito sa kanya nang may panunukso sa mga mata. "Does it matter?"

Lumabi siya. Mukhang ayaw nitong aminin 'yon. Babaero talaga!

"Don't do that," anitong napadako ang mga mata sa labi niya.

"Ang alin?" nalilitong aniya.

"Kapag lumabi kang ganyan, you look like you're begging to be kissed."

Nandilat ang mga mata niya habang napatawa ito nang mapanukso sa kanya. Naiinis na naman siya dito. Gusto na niya itong sapakin pero nagpipigil lang siya. Parang sayang naman kasi ang kaguwapuhan kapag mabugbog niya. Hay, ang konsensiya niya talaga. At sobrang bait niya para makapagpigil nang ganito.

Ipinarada ng lalaki sa isang tabi ang kotse nito. Mabilis itong umibis pero para 'yon pagbuksan siya. Napataas na lang siya rito ng kilay sa bilis nito bago pa man niya mabuksan ang pinto.

Mr. MahalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon