Chapter 10

6.7K 129 35
                                    

Marahang bumaba si Derin sa hagdanan. Kabibihis niya lang kasi lalabas sila ng binata para mag-date. Kahit naniniwala siyang nanliligaw na ito sa kanya dahil sa mga regalo nito sa kanya ay hindi naman niya narinig ang gusto niyang marinig. Pero masaya pa rin siya dahil nakakasama niya ang lalaki. Nag-e-effort din naman kasi.

Napansin niyang may kausap ito at narinig niyang si Cammy pala. At ano raw? Buntis ito? Agad siyang tumakbo at nagtago sa isang sulok ng hagdan habang palakad-lakad sa may sala ang binata, parang problemado. Napahilot ito sa sentido habang nakikinig sa kausap. Ito ang ama ng bata?

Parang biglang nagunaw ang mundo niya sa mga sandaling ito. Ipinagsabay ba siya nito at ang ex nito nang hindi man lang niya alam? Ang tanga naman niya! She should've known! Simula lang. Simula nang nakisabay ang babae sa binata papuntang Manila ng siguro apat na buwan na ang nakalipas. Dapat ay nakinig siya sa kanyang instincts. Walang maidudulot sa kanyang maganda ang manyak na lalaking ito!

Naninikip ang dibdib niya. Nasapo niya ito. Biglang nangingilid ang luha sa kanyang pisngi.

"Derin? May problema ka ba?" Biglang sumulpot si Ate Lucinda sa harap niya.

Umiling siyang pinahid ang mga luha. Nang silipin niya ang binata sa may sala ay kausap pa rin nito si Cammy.

"P-pakisabi po kay Cairon na... na... masakit ang ulo ko, Ate Lucinda. H-hindi na kami tutuloy sa paglabas. Salamat," sabi niyang sumalisi na paakyat ng hagdan patungo sa silid niya. Sinundan lang siya ng tingin ng mayordoma na may pagkalito sa mga mata nito.

Nag-impake na siya. Tutal naman ay aalis na siya bukas pabalik sa Manila. Kulang na lang ang finishing touches ng libro at ipapasa na niya ito sa kanyang publisher. Siguro ay maghihintay pa siya ng dalawang buwan bago siya makatanggap ng response pero sigurado siyang matatanggap iyon katulad ng iba niyang gawa. Iyon ang kanyang tantiya. Hindi nga inabot ng isang buwan ang mga iyon at nakatanggap na ng sagot na gustong i-publish ang mga 'yon within the year. Baka naman ay hindi rin aabot ng dalawang buwan ang isang 'to katulad ng iba.

Plano niyang pagkatapos nito ay tutulak siya ng California dahil napag-usapan naman na nila ni Gretchen na tutulungan niya ito sa paghahanda sa kasal nito. So, kahit paano ay may gagawin pa rin siya imbes na magmukmok pagkatapos ng pangyayaring ito.

Halos mapalundag siya nang marinig ang isang katok sa dahon ng pinto ng kanyang silid. Hindi nga pala niya iyon na-i-lock kaya pinihit iyon ng sinumang kumatok. Hindi naman siya nagkakamali.

Si Cairon iyon.

"Babe? Are you okay? Sabi ni Ate Lucinda na you're not feeling well," mahinang sabi nito. May pag-alala sa boses.

Parang gusto niyang lalong umiyak. Pero suminghot siya.

"I-I... yeah. I don't feel well." Hindi niya pa rin ito tiningnan.

Lumapit ito sa kanya at sinalat siya sa noo. "Buti naman wala kang lagnat. Pero masakit ba talaga ang ulo mo? Nagpakuha ako ng gamot kay Ate Lucinda. But what are you doing?" Napatingin ito sa kanyang bagahe nang nakasimangot nang ninakawan niya ito ng sulyap sa ilalim ng kanyang pilik-mata.

"I-I just don't want to miss anything kaya nag-iimpake na ako para bukas." Napalunok siyang napaatras mula sa lalaki.

He snorted. "You're leaving."

"Yes, that was the plan from the very beginning. Mag-i-stay lang ako rito ng apat na buwan habang ginagawa ang biography ni Estela. That's it!" Pilit niyang magsalita nang derecho kahit na pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling ito. Kahit na nakatingin lang siya sa binata.

Mr. MahalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon