Chapter 7

4.6K 73 0
                                    

Parang hindi makapaniwala si Cairon sa narinig mula sa dalaga. Marahas niyang tinanggal ang kanyang sunglasses.

"What the hell are you saying?" Hinagod niya ito ng tingin to make his point. "Sa ayos mong ganyan? Gusto mo bang magpaboso sa mga tauhan ko rito, ha?"

Napansin man niyang nagpipigil sa pagtawa si Mang Tacio ay hindi niya ito nilingon. Nakipagtagisan naman ng tingin sa kanya ang dalaga.

"Eh, kung manghihiram ako ng maisusuot ko, hindi pa rin ba puwede?" pakli ng dalaga.

"Eh, kung mahulog ka kaya? Ang taas ng puno, o!" Itinuro pa niya ang matatayog at matataas na puno ng papaya. Iisipin lang niya ay hindi niya kaya. Ayaw niyang masaktan ang babae.

Ikinuros ng babae ang mga braso. "Marunong akong umakyat ng puno, ano? Hindi mo lang alam 'yon!"

"Hell! Eh, kung ako na lang kaya ang akyatin mo? Mas safe ka pa." Lumabas na 'yon sa bibig niya at narinig niya ang bungisngisan ng mga tauhan niya pero wala siyang pakialam. Nakita niyang pinamulahan ng mukha ang dalaga.

"Ah, bastos ka talaga!" anitong nagmartsang nilisan siya.

Agad siyang sumunod rito. "Hoy, balik na kayo sa trabaho. Tapos na ang eksena!" sigaw niya sa mga tauhang nagbubulungan at nagbubungisngisan. Kilala na siya sa pagiging bastos ng bibig niya kaya natatawa na lang ang mga ito sa kanya. Pero mali nga yata talaga ang nasabi niya dahil hindi sanay ang dalaga. Dapat mag-sorry siya.

Natigil naman ang mga trabahador niya nang sumigaw siya at ganoon na rin ang ginawa ni Mang Tacio sa mga tauhan para bumalik na sa kani-kanyang trabaho ang mga ito.

Sinundan niya ang dalaga. Halos magpapadyak itong naglalakad. Malamang dahil naiinis rin ito sa kanyang sinabi. Lalo na sa kanya. Para siyang matawa. Para itong isang brat na hindi pinagbigyan ng ama kaya nagta-tantrum.

"Sorry na. Uwi na tayo," sabi niya sa babae.

Hindi ito umimik. Basta binigyan lang siya nito ng isang matalim na tingin. Ipinagbukas niya ito ng pinto at inirapan siya bago sumakay. Isinara na niya ang pinto at pumuwesto na sa driver's seat. Humugot muna siya ng hangin sa kanyang bago. Naaamoy na naman niya ang bango nito. It was really driving him crazy. Gusto na naman niya itong yakapin at halikan.

"I'm leaving for Manila at dawn."

"So?"

"I'll... miss you."

Hindi ito nakapagsalita. Napaiwas ito ng tingin sa kanya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. May sasabihin pa sana siya pero nagbago ang isip niya. Pinaandar na lang niya ang sasakyan at kumaway kay Mang Tacio na nagtaas ng kamay bilang sagot.

Pero imbes na umuwi sila sa bahay ay binaybay niya ang daan patungo sa kabihasnan. May maliit na restoran doon at naisip niyang dalhin doon ang dalaga para naman kahit paano ay makagala ito doon. Sigurado siyang hindi pa ito nakapunta doon kundi ay nilagpasan lang papunta sa mansion.

Napansin man iyon ng dalaga na hindi sila pauwi ay hindi ito nagsalita. Mukha namang interesado ito sa mga nakikita. Mga alas sais na 'yon nang mag-order siya ng pagkain para sa kanila. Kilala siya doon kaya naman maraming mga taong nakatingin sa kanila. Alam niyang pag-uusapan siya ng mga ito na may kasamang magandang babae. At siguro naman ay hanggang dito ay kumalat na ring nobya niya ito ayon sa ipinagkakalat niya.

"This place is nice. Thank you for bringing me here," sabi ng dalaga na ngumiti sa kanya nang matipid.

Mukhang nahimasmasan na ito sa tantrum, sa tingin niya kaya napangiti ang isang sulok ng labi niya rito.

Mr. MahalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon