Nagulat na lang ako ng masira ang pinto ng bahay ko. What the heck!? Sinong matinong tao ang gagawa nun!?May pumasok na mga nakaarmadong lalaki, kakaiba din ang kasuotan nila at halatang hindi taga-dito.
"Maxine, lumayo ka muna at magtago kung saan. Hindi ka dapat nila makita." sigaw ni Rhian.
"Bakit naman? Sino ba sila? Ano ba talaga ang nangyayari!?"
"Just shut up and hide kung ayaw mong mamatay.-"
"No, I can fight. Don't make me look like a weak. Bigyan mo lang ako ng panlaban." Nanatili ako sa pwesto ko at nakipagtitigan pa sa kanila.
"Tsk, fine. Here!" Bigla niyang ibinato ang isang sword. I don't even know kung saan niya nakuha yun pero wala na akong pakielam.
Lahat ng madadaanan ng mga lalaki ay sinisira nila. Fuck, nagagawa nilang manira ng gamit kahit hindi sa kanila.
Napadako ang tingin ng mga lalaki sa amin. Bigla silang tumakbo sa amin banda at naglabas ng espada. Shit, mukhang balak nga nila kaming patayin.
Iwinasiwas ko ang espada at nagsimulang makipaglaban. Fuck, bakit ba anlalakas nila? Isinaksak ko sa tiyan ang espada at hinugot agad to. Sinipa ko naman ang papalapit sa aking lalaki at hinagis sa kanya ang vase na nahawakan ko.
Napatingin naman ako banda kela Rhian at Trivan, nanlaki ang mata ko ng muntik ng matamaan si Rhian ng biglang may tubig na pumigil dito. Biglang tumilapon ang ilang mga lalaki at sumama sa tubig.
Kinusot ko ang mata ko at tinignang mabuti. Nagulat na lang ako ng may tumama sa akin.
"Shit, stay focus kung ayaw mong mamatay!" Sigaw ni Trivan. Hindi ko napansing may sumugod na pala sa akin.
Ipinwesto ko muli ang sarili at ibinato ang maliit na kutsilyong nasa bulsa ko kanila. Tumama ito sa ulo ng lalaki.
Naubos lahat ng nagtangkang pumatay sa amin, pagod na pagod na ako samantalang sila ay parang hindi man lang napagod makipaglaban. Ni hindi man lang pinagpawisan ang mga ito.
"Just please explain to me what the hell did happen?" Matalim ko silang tinignang dalawa.
"We have no time, we need to get out of here, Maxine. Bago pa dumating ang mga kalaban natin, mamaya na kami magpaliwanag."
"No, ipaliwanag niyo muna sa akin lahat. Anong kalokohan ito!?"
"Fuck, just shut up young lady!" Nagulat naman ako ng bigla akong hinawakan nito sa palapulsuan at hinila palabas.
Hinila ko ang kamay ko sa kanya at matalim muli siyang tinignan.
"Shit, fine. Sasama ako sa inyo, saan ba tayo pupunta?" Masama kong tingin sa kanila.
"Kailangan natin maabutan ang portal bago ito magsarado. Kinakailangan natin pumunta sa ibang dimensyon para hindi na tayo mahabol pa ng mga reapers!"
What!? Anong reapers? They really exist!? Shit, nababaliw na ba talaga ako!?
Tumakbo kami hanggang dalhin na kami ng sariling paa namin sa dulo ng gubat. Isang malaking kweba ang natagpuan namin at pumasok agad sila. Nagdadalawang isip mang pumasok ay ginawa ko na, baka mamatay pa ako ng wala sa oras.
Naglakad kami hanggang sa mapunta kami sa isang malawak na lugar sa kweba, pinapalibutan ito ng madaming daan at may lawa din dito.
Nakakamanghang tignan dahil hindi ko alam na nageexist pala ito dito sa kweba. Pumasok pa kami sa isang lagusan at huminto kinalaunan.
Tumingin muna sa akin si Rhian at Trivan bago humarap uli sa madilim na parte. Biglang nagsalita si Rhian ng kakaibang lenggwahe at nagsimulang may lumabas na tubig sa kamay niya.
Fuck! Tubig!? Saan nanggaling yun? Bakit biglang nagkaroon!?
Tuloy-tuloy lang siya pagbibigkas ng kakaibang lenggwahe habang unti unting may nabubuong malaking bilog sa harap namin.
Nang tumigil si Rhian ay lumapit naman dito si Trivan at may ibinigkas uling ibang lenggwahe at biglang parang naging whirpool ang tubig. Nanghihigop at parang handang lamunin kami.
Hinawakan ako ni Rhian sa kamay at tumango sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan hanggang sa itulak niya ako sa tubig na yon.
Nanlalaki man ang mata ko ay wala akong nagawa, nilamon na lang ako ng tubig at nandilim na lamang ang paligid.
YOU ARE READING
Unpredictable Fate
Bí ẩn / Giật gân"Why does what was beautiful shatter in hindsight because it concealed dark truths?" Unpredictable fate @mystery/thriller By: peacejeon