II

57 36 1
                                    


Naghahanda na ako para sa pagtulog ng marinig ang kalabog sa ibaba. Napatingin agad ako sa pinto at kinuha ang kutsilyo na itinatago ko sa kwarto.

Dahan-dahan akong bumaba, pinipilit na hindi makagawa ng ingay. Imposibleng hayop naman iyon dahil sinarado ko ang pinto bago umakyat ng kwarto. Mukhang may nagtatangka na naman ngayon mambulabog ng bahay ko.

Nakababa na ako at sinilip ang bawat sulok ng bahay. Nang dumako ako sa kusina ay may nakita akong anino. Dali-dali akong pumunta doon ng walang ingay. Agad ko siyang sinakal at inilapit sa leeg niya ang kutsilyo.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong wika.

"Hmm, impressive." Napakunot naman ako sa sinabi niya at bago pa ako makakilos ay inikot niya ang sarili sa braso ko at kinuha ang kutsilyo sa kamay ko.

Nabaliktad naman na ngayon ang sitwasyon namin, this fucking person.

"What are you doing in my house?"diin kong sabi.

Biglang bumukas ang ilaw at pareho kaming napatingin sa bukana ng kusina. May isang babaeng nagbukas ng ilaw.

"Trivan, what are you doing!?" Binitawan naman agad ako ng lalaki at ibinulsa ang kutsilyo. Fuck, hindi lang pala nag-iisa itong lalaking ito.

Matalim ko silang tinignan habang hawak-hawak ang leeg ko. Shit, mukhang nagkasugat pa ang leeg ko.

"Anong ginagawa niyo sa bahay ko." Masama ko silang tinignan , pasimple akong tumingin ng pwedeng panlaban sa kanila.

"Maxine we need to talk to you, it's something important." Nagtaka naman ako sa sinabi niya, anong importante? Eh hindi ko naman sila kilala, paano nila ako nakilala?

"What are you saying? How did you know me?" Pasimple akong umatras ng makitang may dart banda sa gilid ng ref, buti na lang nagtatago ako ng dart sa iba't ibang lugar.

"Don't ever think to do that Maxine." Sabi ng lalaki. Matalim ko silang tinignan muli at kukunin na sana ang dart para ibato sa kanila ng biglang nawala.

Fuck, paano nangyari yun? Nanlalaki ang mata ko ng tinignan sila. Imposible, baka namamalikmata lang ako.

"Bakit ba kayo nandito? Sino ba kayo!?" Fuck, hindi pwede ito. Baka kung ano ang gagawin nila sa akin.

"Calm, Maxine. Kumalma ka muna bago ka namin kausapin." Umalis sila sa pwesto nila at dumiretso sa may living room. Umupo sila sa sofa at tinignan lang ako.

Sinundan ko sila at umupo sa harap nila, pero bago ako pumunta ay pasikreto akong kumuha ng maliit na kutsilyo sa kusina.

"Why are you here? Anong kailangan niyo?" May diin sa bawat salita na sinabi ko.

"We are here to get you, we need your help." Tinaasan ko sila ng kilay, ano bang pinagsasabi nila? Ngayon ko nga lang sila nakita tapos may pa I need your help na tong mga to.

"Tsk, wala kayong mapapala sa akin. Umalis na lang kayo dito." Sa sobrang pagpipigil kung ibato ang kutsilyo sa kanila, ramdam ko na lamang ang hapdi ng palad ko. Malamang ay nagkasugat na ito.

"Please, maaaring nakalimutan mo na kami. Hayaan mo kaming ipaalala sayo ang lahat." Pagmamakaawa ng babae samantalang nanatiling nakatitig lang sa akin ang lalaki.

"What do you mean? Kilala ko ba kayo? Sino ba kayo, bakit ba kayo nanghihimasok ng bahay ng dis oras ng gabi?"

"I'm Rhian and this is Trivan, we are from another dimension. We need your help to save the lives of our people including your mother and father."

Napatawa ako sa sinabi nila. Anong kalokohan ito? Mga bata pa ba sila? Nasobrahan ata ang panonood ng fantasies nila at bakit pa nadamay ang mga magulang ko, eh nanahimik na sila.

"Tss, stop making me laugh. Kalokohan lang pinagsasabi niyo tsaka wag niyong idamay ang magulang ko dito."

"You're Maxine Phire Ariza, right? The second daughter of Maux Devin Ariza and Sapphire Hailey Amor. Lumipat kayo dito dahil inakala ng ama mo na makakatakas kayo sa mundong pilit niyong tinatakasan pero sa huli namatay din sila sa harap mo." Dire-diretsong sabi ni Trivan.

I was speechless for a moment. Paano niya nalaman ang pangalan ko at mga magulang ko? Anong pinagsasabi niyang pangalawa akong anak ni ama at ina? Hindi puro kasinungalingan.

"Maybe the names are right pero mali ata ang nasagap mong balita. I'm just there only daughter at namatay sila dahil pinatay sila ng mga tao! Wag kayong magsalita na parang alam niyo!"

"No, ikaw ang walang alam dito kaya sumama ka na lang sa amin bago ka pa patayin ng mga naghahanap sa iyo."

Gulong-gulo ako. Ano ba talaga ang sinasabi nila? Anong klaseng kwento yun? Sinong naghahanap sa amin? May kapatid ba ako na hindi ko nakilala? Fuck this thoughts.

"No I will not! Bahala na kayo diyan, umalis na kayo. Walang kwenta ang pinagsasabi niyo-!"

Biglang may kumalampag ng pinto at tila parang sisirain nila ito. Sabay kaming napatingin sa pinto at nagkatinginan ang dalawa at tumango. Nagtaka naman ako sa ikinilos nila, at biglang kinabahan.

Ano ba tong nangyayari sa buhay ko?

Unpredictable FateWhere stories live. Discover now