IV

57 32 1
                                    

"Rhian, kailangan niya ng magtraining agad, hindi mo ba nakikita? She's weak and she doesn't even have powers!"

"Mayroon siyang kapangyarihan Trivan! Hindi siya pwedeng makapasok sa portal kung wala siyang kapangyarihan, kung wala man edi malamang dapat patay na siya ngayon!"

Natahimik ang paligid dahil sa sinabi ng babae. Naalimpungatan ako ng may narinig na nagtatalo. Unti-unting kong ibinukas ang mata ko at sinanay muna sa liwanag.

Umupo ako at inilibot ang mata sa paligid. Napakalaking kwarto at sobrang lawak. Napatingin din ako sa sarili ng makitang iba na ang suot ko. Shit, sinong nagpalit ng suot kong damit!?

Napahawak naman agad ako sa ulo ng unti-unting maramdaman ang kirot nito, shit, ano bang nangyari!?

"Maxine! Buti nagising ka na, sobrang nag-alala ako sayo." Nag-aalalang lumapit sa akin si Rhian at umupo sa tabi ko.

"Sinong nagpalit ng damit ko? Nasaan ako?" Inalog ko ang ulo at pinilit na mawala ang sakit.

"Nasa clinic tayo ng paaralan. Kailangan mo munang magpahinga at mukhang nabigla ka sa pagpasok sa portal."

"Sino ba namang hindi mabibigla!? Eh tinulak mo ako ng hindi man lang binabalaan o sinasabihan!? Nasaan ba utak mo!?" Inis kong sabi sa kanya.

"Watch your words, napunta ka lang sa ibang mundo, bastos ka na magsalita!" Tumingin ako kay Trivan ng may inis sa mukha. Aba't akala mo din kung sinong mabait ito.

"Wala kang pake, at anong ibang mundo!? Naalog na din ba ang utak mo!? Ano ba kasing kalokohan to!?" Baba na sana ako sa higaan ng may biglang pumasok. Sabay naman kaming napatingin sa pintuan.

May isang babae at lalaking pumasok dito. Mukhang nasa mids 30 or 40 na sila. Lumapit sila sa pwesto ko at ngumiti.

"Mukhang gising ka na. I'm Reinalyn Hurves Fines, the headmistress of this Academy. Simula sa mga susunod na araw ay papasok ka na dito kaya kailangan mong magpahinga." Ibinali ko ang leeg at tinignan siya mula ulo hanggang paa, tumingin din ako sa lalaking nasa tabi niya at pinagmasdan din siya.

"I'm Hubert Clark Dawn, I'm going to tour you around here in the academy. Sasabihin ko din sayo ang gusto mong malaman at mga dapat mong malaman kaya kailangan mong magpahinga ngayon dahil simula bukas ay kailangan mong maghanda." Tinaasan ko siya ng kilay.

"For what?" Napatawa naman ang headmistress sa inasal ko.

"I like your attitude, fierce and strong. Anak ka nga talaga Maux and Hailey." Ngiting sambit nito. Napunta bigla sa kanya ang atensyon ko. Mukhang kilalang kilala niya ang mga magulang ko.

"Kilala mo sila ama at ina? Paano mo sila nakilala? Saan mo sila nakilala?-"

"Stop dear, ipagpahinga mo muna ang iyong sarili. Kailangan mo maghanda dahil marami kang malalaman bukas. Sige, maiiwan muna namin kayo dito dahil may pupuntahan pa kami ni Hubert." Ngumiti sa akin at sa dalawa si Headmistress bago umalis.

Yumuko naman silang dalawa sa matatanda, tango lang din ang isinagot ni Mr. Hubert sa kanila.

"Maxine! Dapat hindi mo sila sinasagot ng ganun! Sila ang isa sa pinakamataas na tao dito kaya marapat mong igalang. Isang malaking kamalian ang ginawa mo!"

"What's with the deep tagalog words? Come on, pare-pareho lang tayong tao dito at dapat patas lang ang tingin mo sa bawat isa. Get it?" Tumayo ako at nilibot ang buong kwarto.

May malaking painting na may babaeng nakaukit. May mga makakapal at malalaki ding libro na nakasalansan sa bookshelves, may iilang kwarto din na walang laman. Umupo uli ako ng matignan ng mabuti.

Nanatiling nakatingin sa akin ang dalawa at parang sinusuri ako. Tinaasan ko sila ng kilay ng hindi pa din sila tumigil sa paninitig.

"What? May sasabihin ba kayo?"

"W-wala na. Sige, aalis na kami ni Trivan at mukhang hinahanap na kami. Sige aalis muna kami, bibisitahin ka na lang namin bukas" pautal-utal niyang sabi. Napailing na lang ako sa inasta niya, mukhang natakot ko pa ata siya.

Walang emosyon namang iniwas ni Trivan ang tingin niya sa akin at umalis ng basta basta. Napakibit balikat na lang ako at kinain ang pagkaing nasa tabi ng lamesa. Mukhang para sa akin

Matapos kumain ay nahiga na ako at tumingin sa kisame. Nasaan ba talaga ako? Anong nangyayari ba talaga? Totoo kaya ang sinasabi nila? Ama, Ina tulungan niyo po ako.

Hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unpredictable FateWhere stories live. Discover now