Part 2

5.5K 38 3
                                    

Nadine

"Hello Andrea, andyan ka pa ba? Na send ko na yong photo ng crush ko pakicheck lang and tell me what can you say about her."

Wala akong ibig sabihin ng e send ko ang photo ng crush ko, gusto ko lang makita nya at malaman kung ano ang comment nya kahit alam kung cute talaga ang crush ko.

"Bakit kaya hindi pa siya nagrereply?" Napaisip tuloy ako ng kung anu-ano.

"Hi,Nadine, sorry for late reply, Yup! nakita ko na siya at cute siya bagay kayo. Alam ba niya na crush mo siya?"

"Nope! Takot kasi ako baka hindi na niya ako pansinin at takot ako sa rejection. Pero alam mo, gustong gusto ko talaga siya, naiinis ako minsan pag may nabasa akong mga post nya regarding sa mga girls niya. Ewan ko ba pero inis na inis talaga ako." 

Parang panatag ang loob ko na magshare kay Andrea ang tungkol sa crush ko at sa kung anu-anong bagay. I don't know but i feel so comfortable in her.

"Nadine, you know what, okay lang yan kung malaman nya na crush mo siya, malay mo na type karin nya dahil sa ganda mong yan ang daming mga lalaki ang lesbians na papatol sayo! Kung ako nga eh type kita."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Andrea. Type nya daw ako, pero ang problema hindi ang totoong ako ang nakalagay sa Display Profile ko. Alam kung nagsisinungaling ako sa kanya, pero kung tutuusin eh ngayon lang kami nagkakilala sa mismong kaarawan ko. Ano kaya kung sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo at mag send ako sa kanya ng photo na yong totoong ako talaga?

"Nadine, sorry for telling you this. I just want to be honest with you, i was really attracted to you and now that we start talking, the more i feel na parang okay kang kausap. I want to be honest with you kung ano man ang nasa isip ko at ang nararamdaman ko. Sana hindi ka magagalit sa akin."

Lalo akong nabilaokan sa sinabi nya. Bahala na, gusto ko unti unti akong magpakatotoo sa kanya kasi parang ang sarap nyang kausap at maging kaibigan.

"Andrea, honestly, hindi ako ang nasa picture. She's my cousin. Ayaw ko maglantad ng totoong ako dito. Pasensya na pero hayaan mo e send ko sayo ang totoong ako."

"Whaaat? What the heck! Hmmm, anyway, ok lang. Karapatan mo naman yon. But will be much appreciated if you will send me the real photo of yours! And i hope you will be honest with me kasi magiging honest ako sayo in all ways."

Parang may halong disappointment at inis ang message ni Andrea. Deep inside of me ay parang may halong guilt at pag aalinlangan kung pagkakatiwalaan ko ba siya at makikipagkaibigan  ako sa kanya o hindi ngunit nanaig ang kung ano ang nasa damdamin ko. I think she is nice. So be it!

Habang naghahanap ako ng photo na e send ko kay Andrea, naisip ko na sasabihin ko sa kanya paunti unti ang talambuhay ko kapag napatunayan ko na okay talaga siyang kaibigan.

So here it is. Photo Sent!

"Wooow! Oh my God. She is so pretty. Prettier that her cousin. Her eyes na parang nagsasalita, her lips na parang katulad kay Denise Laurel ang sarap halikan. Mas lalo niya akong napahanga at lalong nagkakagusto ako sa kanya. I want to know her better. Ang ganda ni Nadine sobra."

"Hmmm. Nadine, tnx, you are so beautiful."

Parang may saya akong nararamdaman sa sagot niya nong nakita nya ang photo ko. Kaya patuloy kaming nag uusap na kung anu-ano nalang.

"Andrea, matanong ko lang, ano ba talaga ang hilig mo, lalaki or babae? Kasi parang babae ka naman kung pumorma."

"Actually, babae talaga ang hilig ko. I was in a relationship before as i've told you. We've been together for more than 10 years. I loved her so much and did my best. You know what, natuto akong magpakatanga dahil sa kanya. Patago kasi yong relationship namin, kaya ginawa namin ang lahat lahat para hindi mahalata sa mga tao at sa both families namin. Nagkaroon siya ng boyfriend at ang worst ay kasa kasama ako pag nag date sila. That was so fuckin bullshit! Until such time she became pregnant at ako parin ang nasa tabi niya hanggat dumating ang panahon na ENOUGH IS ENOUGH! I gave up! I was just wasting my time on her  kahit alam kung mahal nya parin ako. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay pairalin natin ang ating mga puso. Dapat isipin din natin kung healthy pa ba o kung may kinabukasan ka ba sa taong minamahal mo."

Napakalalim din pala ng dinaanan ni Andrea sa pag-ibig. Parang magkapareho lang kami ng karanasan. Naaawa ako sa kanya at lalong napagaan ang loob ko sa kanya.

" Grabe naman yong gf mo ang kapal ng mukha! Sana pinugotan mo ng ulo yon! hehehe..Joke lang!" Gusto ko lang siyang patawanin.

"Pero alam mo Andrea, hindi na ako naniniwala na may taong matino pa dito sa mundong ito. Lalaki, Bakla, Tomboy lahat sila manloloko. Naranasan ko na kung paano ginago nga partner. Ayaw na ayaw ko nag magtitiwala kahit kanino man. Mga bwisit silang lahat!"

Pansin na pansin ko na parang seryoso na ang usapan namin ni Andrea kay naisip ko na tanungin siya na kung anu anong kalokohan.

" Andrea, di ba 10 years kayo ng gf mo, may nangyari na ba sa inyo? Paano ba ginagawa ang mga bagay bagay between girl to girl? Hindi ko pa kasi naranasan ang mga ganon. Hahaha. Pasensya na sa tanong ko pero kung sasagutin mo ako ay ipapasalamat ko ng marami yan."

"Grabe naman yang tanong mo Nadine! Pero kung ano ang ginagawa nga lalaki sa babae, same lang sa mga lesbians to their girlfriend kaso lang ibang armas ang gamit namin, Hahahaha. Minsan nga mas magaling pa ang mga lesbians magdala kaysa mga lalaki."

Na shocked ako sa sinabi nya. Anong armas kaya ang ibig nyang sabihin? Paano ba gagawin nila yon? Parang na kuryoso akong alamin ang lahat lahat kasi sa movie kissing scene lang ang nakikita ko.

"Andrea, pasensya na talaga sa mga tanong ko pero salamat at least may mga idea na ako kahit kunti."

"Are you interested sa mga lesbians? Gusto mo ba magkaroon ng isang gf? Just a friendly advice, be careful lang sa pipiliin mo kasi maraming hambog na lesbians ngayon na kahit walang tunay na armas, ang daming babae, gagamitin ka lang, ikama at pagsawaan. Kaya be careful. Hindi ko sinasabi sayo na lahat ganyan shempre may mga mababait naman na lesbian na katulad ko. ( smiling). Alam mo naman na nagkakagusto ako sayo at hindi ko ikinakahiya at hindi sa napakapresko ko, pero nagpakatotoo lang ako. Nasa sayo yan, pero kung kaibigan lang talaga ako para sayo, tatanggapin ko yon. Basta ikaw, huwag kang magpakagaga dahil lang sa crush mo. Walang namagitan sa inyo at walang naging KAYO! Open your heart to the possibilities na baka ma inlove ka sa iba dyan. Be Happy Nadine. Life is too short to be wasted."
 

Habang binasa ko lahat ng message niya, it made me think na tama naman ang sinabi nya. Ang sarap nyang kausap talaga. I feel blessed na nakilala ko ang taong ito sa mismong kaarawan ko pa. I recalled what she told me na gusto nya ako, parang ang bilis naman..Ayaw kung isipin yong sinabi nya sa akin. I want her to be my friend, that's it. Hindi ko ipagkaila na may kaunting something ako sa kanya. Ang sarap nya kasing kausap at napaka prangka pa. Basta bahala na si batman, gusto ko siyang maging kaibigan. Sana nga mag work out ang friendship naming dalawa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANKS!

It's Just You & Me (GXG ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon