Chapter 17 ( Khalil's POV )

524 2 1
                                    

a/n: Hi! Update here, medyo short lang ‘to :) Kasi puro KathNiel na, CamLil to guys. Makikilala niyo rin si Camille soon :”)

BTW. Ingat po sa bagyo ah? :* hehe

Khalil’s POV

It’s been a long time, na hindi ko nakita si Kath…

Hayy, namimiss ko na siya. Nasa America pa kase ako eh, Pero im planning to tell her the truth pag-uwi ko ng pilipinas.

Nakahiga ako sa kama ko ng biglang may kumatok sa pintuan ko…

*tok tok*

“ Hmm? Who’s there?” sabi ko.

“ This is Camille, Khal” sabi niya.

“ Ah, pasok ka Camille…” sabi ko sabay upo sa kama ko.

“ Hayy, Khalil! Ano ka ba? Si Kath nanaman ba iniisip mo?” sabi niya na may halong pagtataka sa mukha…

“ Sino pa nga ba Camille? Haaay,” sabi ko sabay higa sa kama ko.

“ Khalil, Andito naman ako ah?” sabi niya sabay yuko.

Crush kasi ako ni Camille…

Sa totoo lang, gusto ng parents namin na kami ang magkatuluyan…

Si Camille childhood friend ko.

Close na kami niyan since we were 5 years old palang…

Maganda si Camille, Mabait, Sweet at Maalaga.

 Ewan ko ba, parehong-pareho nga sila ni Kathryn eh, pero wala talaga akong feelings para sakanya…

Naaalala ko nung umamin siya sakin last week..

Di ako nasurprise or nagulat, kase alam ko na may gusto siya sakin dati pa..

Nahahalata ko kasi sa bawat galaw niya. At sa mga malulungkot niyang tingin sakin kapag nagkukwento ako tungkol kay Kath…

Naaawa ako sakanya..Letseng puso naman kasi to eh, di maturuang magmahal ng iba :( tanging si Kath lang talaga nilalaman nito. Wala ng iba…

Si Kath naman kase eh, Manhid. Ilang beses nakong nadudulas sakanya, Di niya parin napapansin. Ano pa bang kailangan kong gawin?

Hanggang kaibigan lang naman ata tingin niya sakin eh, kelan kaya mababago yun? :/

Natigil yung pagsasalita ko sa isip ng bigla kong napansin na nag-snap si Camille ng fingers niya sa harap ko.

“ Ayy Kathryn!” sigaw ko.

“ Kath nanaman?! Nakakainis na! Ayoko na Khalil! Kelan mo ba talaga ako matututunang mahalin?!” umiiyak na sabi ni Camille,

“ Camille, I’m so sorry, kung kaya ko lang turuan ang puso ko na mahalin ka, matagal ko ng ginawa yun. Pero hindi eh, hindi ko kaya Camille, Mahal kita, alam mo yun. Alam mong mahal na mahal kita bilang kapatid ko. Ayokong masira ang samahan natin Camille..”

“ Pero Khalil. Hinihintay ko parin yung panahon na yun, Yung time kung kalian matuturuan ko ang puso mo na mahalin ako. Khalil, i beg you. Hayaan mong turuan kitang magmahal ng iba, please?” sabi niya. Umiiyak padin.

Niyakap ko siya, the reason is ayaw kong may nakikitang babae na umiiyak sa harap ko, lalo na kung ako ang dahilan ng pag-iyak niya.

“ Tama na Camille. Saktan mo na ako! You don’t deserve to be hurt..”

Tumingin siya sakin…

“ Khalil, I loveyou. Di kita kayang saktan kahit ako sobrang nawawalan na ng pag-asa sa paghihintay sayo.” Sabi niya.

“ Sorry Camille, for causing you too much pain.” Sabi ko.

“ Sus. Haha, Keri ko to *punas luha*”

“ I know you can’t. Kailangan mo na talagang humanap ng lalaking magmamahal sayo ng lubos Camille. Hindi yung sasaktan ka lang, gaya ng ginawa ko sayo” sabi ko sakanya sabay yuko.

“ I can’t find another one, Kuntento na ako sa kaharap ko ngayon..” Camille was so nice, pero nahihiya na ako sakanya. Puro sugat sa puso lang ang nabibigay ko sakanya. “ Khalil, you are perfect to me, ikaw ang ideal man ko…At kahit pa saktan mo ako ng ilang beses, di mababawas ni katiting ang pagmamahal ko sayo..” sabi niya.

“ Camille, thank you for loving me, pero malabong masusuklian ko ang pagmamahal mo para sakin.” Then i cupped her face… “ You need to let go of me… Para kay Kath lang talaga tong puso ko, di ko rin alam kung bakit ayaw ng puso ko na ikaw nalang. Camille, please understand” tumulo narin luha ko…

“ Ganun nalang?! Ha?! Hanggang kelan ko pa ba gagawin yang ‘please understand’ na yan?! Hell! Iam tired! I am so tired of loving you too much, pero kahit konti, wala kang maibalik! Ang hirap Khalil! *hikbi*”

Niyakap ko siya ng sobrang higpit.. “ Sorry Camille, but you have no choice but to do it, masasaktan ka lang” sabi ko.

“ No. I will wait for you, kahit hanggang impyerno pa Khalil. Please, give me a chance?” pag-mamakaawa niya.

“ Ayaw mo talagang gawin?” tanong ko.

“ Ayoko,” sabi niya…

“ Then, you leave me no choice, uuwi ako ng Pilipinas, and NOBODY can stop me.” Sabi ko sabay tayo at punta sa closet ko, hinila ko na lahat ng damit ko at nilagay sa maleta.

“ Khalil! Don’t leave me!” sabi ni Camille.

“ Camille! Tigilan mo na tong kabaliwan nato!? Tanggapin mo nalang na hindi ako magiging iyo!” sigaw ko.

“ Huh! If that’s what you think. *punas luha* sayang luha ko sayo, papakatanga kasi ako eh, Hinihintay  para mahalin mo ako. Pero yang sinabi mo? *evil smile* makikita natin, magiging akin ka Khalil. Mark that” sabi niya at umalis na.

Aaminin ko, kinilabutan ako sa mga sinabi ni Camille…

No….A girl like her…Can’t do anything wrong diba? She’s perfect, unless. Nagbago na siya…

Dahil sakin… ://

----------------------------------------------------------------

a/n: Ano kayang binabalak ni Camille? Hmm. At ano ang magiging reaksyon ni Khalil pag nalaman niyang may boyfriend na si Kath? :)) Abangaaaan. Toinks XD

Comment your reactions,

Negative man or positive, super accepted. Kailangan ko rin po kasi ng mga opinion niyo.

Recommend this story :”>

Vote narin :*

Say It Again  (KathNiel FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon