Here I am again, sitting alone in a table set for two.
Mag-isang palalampasin ng bawat sandali na ipinagkaloob ng tadhana...
Huh?! What?! Wait!
Nagiging makata na yata ako nang wala sa oras.
But seriously! I'm alone again, for four straight days. tss...
Ewan ko ba kung saan nagsususuot si bespren? Nagkalovelife lang iniwan na lang akong biglang. Dapat sana sabay kaming magla-lunch. I mean sabay lagi kaming nagla-lunch. Kaya eto ako ngayon mag-isa na namang kakain. Wala namang gustong sumabay o tumabi sa akin. Eh hindi naman ako nangangain o ano man. I don't bite. Swear! Kahit magbreak man si Timothy at yung girlfriend niya!
Habang nagcocontemplate ako may biglang sumingit...
"Excuse me..." hindi pa rin ako bumabalik sa diwa ko "Excuse me..." pag-uulit niya. Makulit din 'tong isang 'to a.
"Ha?!" gulat na sabi ko "Ako ba?" dugtong ko habang palingon-lingon sa paligid ko.
"Oo, ikaw nga" nakangiting sagot ng maginoong lalaki sa harap ko. May itchura naman siya at mukhang mabango pa. Hahahaha!
"May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko sa kanya na nakatayo at nakangiti pa rin sa harap ko.
"Ha? A e..." binaba niya yung tray na hawak niya na naglalaman ng pagkain niya "Pwede ba akong makishare ng table" nakangiting sabi niya.
"Wala na bang ibang bakante?" sabi ko habang kinakalat ang paningin ko.
"Eto na lang ang bukod tanging bakante e" napakamot pa siya sa ulo niya.
"Ah... ganon ba? Baka kasi..." nag-aalangang sabi ko sabay yuko ng bahagya.
"Kasi?..." napatingala ako sa kanya "Kung may hinihintay ka hahanap na lang ako ng iba" sabi niya tsaka binuhat ang tray na pinatong niya sa lamesa.
"Ah... hindi! Mukhang hindi naman darating yun." pangiwi-ngiwing sabi ko "Upo ka!" pag-ooffer ko sa kanya.
"Talaga?! Salamat!"
Nasaan ka na ba kasi Timothy?!
So for now, someone's eating with me but we really don't know each other.
Pinagmasdan ko lang siya. Hanggang sa...
"Excuse me Miss?" hala! Nahalata na yata niya ako! "May dumi ba ako sa mukha?" sabi niya habang pinupunasan ang bibig at pisngi niya.
"Ha? Ah eh, wala naman..." napayuko tuloy ako sa hiya "Sorry... sorry" paghingi ko sa kanya ng paumanhin.
"Ah okay" sabi niya tapos tinuloy ulit niya ang kanyang pagkain. Tinuloy ko na din ang pagkain ko.
"By the way, I'm Marvin... You're Danne, right?" napatigil ako sa pagkain giving him a are-we-close look. Paano niya alam ang pangalan kong yan? "Ah, I just heard your friend called you by that" he explained.
