PART SIX

1 0 0
                                    


I've been spending most of my time, I mean all of my time with Marvin for months now. Buti na lang at naiintindihan ni Timothy. Well, may girlfriend naman siya so patas lang kami. Hindi naman pwedeng siya lang ang masaya.There should equilibrium to make the flow near to perfection. Di ba?


Ilang buwan na ding nanliligaw si Marvin sa akin. And I'm knowing more and more about him at ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya, lalo na pagkaming dalawa lang ang magkasama. He's my stress reliever. Yung kahit pagod na pagod na siya sa trabaho may energy pa rin siya para pasayahin at patawahin ako, at higit sa lahat may oras pa siya para maghanda ng surprise para sa akin. He really loves surprising me. And I like it! :D


I think it's not about how long you knew each other at all. I think, it's all about how you get along together. How you treat each other. How you find comfort on each others company.


Maybe you'll say I'm crazy for falling sa fast but I believe that you'll know more about a person once you let that person become part of your life and you go through the same path together.



"Huy! Danne!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Timothy at tuluyan na ngang nabasag ang pamumuni-muni ko.

"Oh! Andyan ka na pala?"

"Yup! By the way kasama ko pala si Samantha" di ko na kasi napansin na may kasama siya sa sobrang occupied ng utak ko. I just gave her the best smile that I could give her.

"Mukhang mag-isa ka yata ngayon?" tanong ni Timothy nang mapansin na wala si Marvin habang pinagmamasdan ang buong paligid "Break na kayo?" natatawang sabi pa niya.

"Hindi no!" naiinis na sambit ko "Marami kasi siyang kailangang tapusin but he promised to have dinner with me" I said proudly.

"So... Kayo na?" interesadong tanong ni Timothy.

"Hindi pa..." medyo binabaan ko ang tono ng boses ko. Samantalang si Samantha ay nakikinig at nakangiti lang sa usapan namin ni Timothy. "Sandali nga lang! Kanina mo pa ako ginigisa dito ah!" reklamo ko sabay tingin kay Samantha "So... Kamusta naman bilang boyfriend 'tong bespren ko?" pabaling na tanong ko kay Samantha habang si Timothy naman ay binigyan niya ako ng don't-grill-her look.

"Okay naman siya..." sagot ni Sam tapos tinignan si Tim. Okay pala 'tong loveteam nitong dalawang 'to TimSam parang Team Sam hahaha! "...super kulit niya the same time malambing..." dugtong pa niya na halata sa ekspresyon ng mukha niya na kilig na kilig siya. Naku! Naku! Hwag nga kayong ganyan sa harap ko. You make me jealous, you know! "Sometimes we argue about some things but we never let the day end without fixing" she added.

"Well... Good for you." I pat her gently on her shoulder, she gave me a smile. A sweet smile that I think it made Tim for fall her. "Pagpasensyahan mo na lang 'tong bespren ko ha? Minsan kasi nagbabago ang ugali niyan lalo na pag kabilugan ng buwan" tumawa naman kaming dalawa.

"Pansin ko nga rin eh" pagsang-ayon naman niya.

"Excuse me ladies..." pakaway-kaway na sabat ni Timothy sa usapan namin ni Samantha. "I also exist" he added.

"OH! Nandito ka pa pala? Akala ko umorder ka na ng kakainin natin. At tsaka di ba treat mo?" sabi kong nakangisi. Wala na siyang nagawa kundi umorder na ng pagkain namin. Tinuloy ulit namin ni Samantha ang usapan namin. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. It's nice to become friends with her. How I wish Marvin's here also. Mukha tuloy akong chaperon dito. I suddenly miss him.

LONELY WITH MEWhere stories live. Discover now