Bes Poetry

70 7 4
                                    

Naalala mo pa ba ako?
Ako lang naman yung taong laging nandyan para sayo,
Ako ang lagi mong kasama,
Ako yung kadamay mo sa mga problema.
Sobrang lapit natin sa isa't isa.
Halos lahat na nga ng nakakakita sa atin nag-aakalang mayroong namamagitan sa ating dalawa.
Ni ako, hindi ko na alam
Hindi ko alam kung meron nga ba o wala.
Oo, gusto kita.Gustong gusto kita.
Hindi ko alam kung gusto mo rin ako.
Ang alam ko lang masaya tayo kapag magkasama
At doon, tayo'y kontento na.
Sa tuwing may nagtatanong,
"Ano nga bang meron sa inyong dalawa"?
"Bakit ganyan ang kilos nyo,kayo na ba"?
Magtitinginan lang tayo't magngingitian
Sabay sabing,
""Magkaibigan lang kami,magkaibigan lang talaga""
Maraming mga taong nagtatanong nagtataka kung bakit tayo ganito,
Na magkaibigan lang ngunit sumusobra ang ating kinikilos.
Pati ako naguguluhan narin
Ang dami nang naglalarong mga katanungan na pumapasok sa aking isipan
Na hindi ko alam at hindi ko mahanap-hanap ang kasagutan.
Mga tanong na...................BAKIT?

BesakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon