Sakit :<

53 5 4
                                    

Lumipas ang mga araw,mga buwan,mga taon.
Dumating ang mga panahong hindi mo na ako kailangan at iniwan mo nalang ng ganon ganon na lamang,
Ang mga kahapo'y tayo ay magkasama ,
Mga araw na tayo ay masaya,
Lahat ng iyon ay naglaho na.
Ganoon nalang ba iyon?
Sinabi mong importante ako sayo noon, ngunit bakit ganito mo nalang ako balewalain ngayon?
Sobra.
Sobra akong nasaktan noong panahon na pinili mong talikuran,
Pinili mong talikuran ang mga panaho'y sinabi mo ay walang hanggan, ngunit hanggang dito na lamang.
Dahil tinalikuran mo ang mga salitang ating ipinangako na ""ikaw"" at ""ako"" ay magsasama habang buhay.
Ngunit siguro ganito nga talaga,
Na hindi porket magkasama't magkadikit ay may namamagitan na sa inyong dalawa.
Na hindi porket na sinabi nya na mahal o gusto ka niya ay may panghahawakan kana,
Na hindi porket umamin sya sa nararamdaman ay magpapakakampante at lulugar ka na,
Na hindi porket pinakita nya sa mga unang kabanata ang inyong istorya na mahal at pinapahalagahan ka niya ay kayo na sa dulo't simula,
Na hindi porket na ayos na sa una ay maaayos parin hanggang sa kahuli hulihan ng inyong istorya.
Siguro nga ganito talaga,
May mga taong hindi marunong magpahalaga,
May mga taong hindi para sa atin itinakda.
Pero wala tayong magagawa,
Kundi iaayon at makipaglaban nalang sa tadhana.
Dahil kailangan nating magpakatatag at magpakapositibo sa hamon ng ating buhay.
At sya lang naman ang mawawala at hindi ang mundo nating ito.
Kaya't tayo na at magpakasaya at piliin nalang nateng maging kontento.
Bes kung nasaan kaman ngayon sana maging masaya kayo ng bf mo sana magtagal kayo,
Sana iparamdam morin sa kanya ang pagmamahal na sa akin ay iyong ipinadama na akala ko'y magbubunga ngunit hindi pala dahil may iba ng sumungkit sa punong pinangarap kong akyatin ngunit huli na, huli na dahil masaya kana sa kanya.

Para sa mga taong nagmahal,nasaktan at patuloy paring magmamahal,
Bago kayo magmahal ulit mahalin nyo muna ang inyong sarili para handa kayo sa posibleng kalabasan ng iyong pagmamahal dahil masakit ang magmahal.
"Bes ang sakit" :<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BesakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon