Bakit tayo ganito,
wala namang tayo?
Bakit tayo laging magkasama,
wala namang tayo?
Bakit tayo nagyayakapan,
wala namang tayo?
Bakit nagkakahawak ang ating mga kamay e,
wala namang tayo?
At bakit,bakit ang lapit lapit naten sa isa't isa e,
Magkaibigan lang naman tayo?
Siguro nga bugso lang ito ng damdamin,
Bugso ng damdamin na umiihip at dumadampi sa ating pagibig.
At sa pagtagal ay lumalamig ang init ng bugso na sayo'y parang wala nalang,
Dahil may iba ng tumutumbas sa pagibig na iyon.