CHAPTER 6

70K 1.4K 52
                                    

".HEY!...wait."

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil sa lalakeng humahabol sa akin.

Matapos namin mag bangayan kanina ay iniwanan ko na siya pero ang manyak na'to nakabuntot padin sa akin.

Sinusulyapan ko lang siya ng lingon at namalayan ko nalang na malapit na pala niya akong maabutan.

Bagamat kapansin-pansin ang paika-ika nitong pagtakbo.Parang may kung anong bagay na mahuhulog sa klase ng takbo niya.

Hindi ko nalang yon pinagtuunang pansin.

Halos yakapin ko na ang Eggnog Latte na binili ko wag lang mahulog sa sahig dahil kapag nagkataon ay lagot ako kay señorito.

".Hayssst! Bakit ba ang kulit ng lalakeng ito?"Natatarantang bulong ko sa sarili habang patuloy padin sa pagtakbo.

Natatanaw ko na ang bahay ni señorito kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo  ngunit...

".Tabi...tumabi ka!"Pasigaw na saad nong matandang lalake na nakasakay ng bicycle.

Kamuntikan pa akong mabangga kung hindi lang ako nakaiwas agad.

".Uy manong? Kung hindi rin kayo marunong gumamit nyan eh mas mabuting itigil niyo na."Naiinis na sita ko kay Manong.

Subalit hindi nya yata ako narinig dahil patuloy padin ito sa pag bagkwas ng bicycle kahit pagewang-gewang na.

Nawala ang atensyon ko kay manong ng makitang nasa harapan ko na pala iyong manyak na humahabol sa akin.

".I got you!"Hinihingal nitong sambit.

".Ay kalabaw!"Gulat na sambit ko."Ano ba? Bitawan mo nga ako?"Sinikap kong baklasin ang kamay nito na humawak sa braso ko.

Napapa yukod siyang hinihingal. At pinag-papawisan na din ito.

Matagal bago siya nakakuha ng chance na makapagsalita.

".Y-you? Bakit ba ang bilis mong tumakbo?!"Hinihingal padin nitong saad.

Nawindang pa ako ng mas humigpit ang hawak niya sa aking braso.

".Eh kasi naman, may unggoy na humahabol sa akin...!"Sarcastic kong sagot.".Pwede bang bitawan mo ako? Sige ka, kapag hindi mo ako binitawan magsisigaw ako dito."Banta ko sa kanya.

Narinig ko pa siyang tumawa ng pagak saka sinikap na makatayo ng tuwid ngunit di padin niya binibitawan ang braso ko.

".Edi sumigaw ka! As if naman na may papansin sayo."Mayabang nitong anito.

Nagsalubong ang kilay ko sa kanyang turan.".Sinusubukan mo ba ako? Kung makapag salita ka naman dyan kala mo kung sino kang hari ah. Feeling mo under mo ang mga tao dito, yabang mo rin noh?!"Baling ko sa kanya.

Pagkwan ay na napapabuntong hininga nalang siya.

".Whatever! Anyway, we need to talk."Sumeryoso ang gwapo nitong mukha.

Nanatili lang akong nakatingala sa kanya. Tangkad kasi eh,pwede n yatang ipasok sa NBA.

".Ayoko! Hindi ako makikipag talk sa isang manyak na gaya mo...cheeh!"Pinandilatan ko siya ng mata saka padabog na tinalikuran.

Dali-dali akong naglakad palayo sa kanya hanggang sa...

".My love...! Wag mo naman gawin sakin 'to please. Promise magbabago na ako hu! Pananagutan ko ang magiging anak natin..."

Don na ako napapreno ng lakad dahil sa malakas nitong sigaw sanhi upang lahat ng tao na nakakasalubong ko ay sa akin nakatitig ng masama.

Umusbong ang pagkainis sa mga ugat ko. Babalewalain ko na sana siya ngunit nagsalita nanaman ang baliw na lalakeng yon.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon