CHAPTER 47

54.2K 1.1K 226
                                    

"SA NGAYON wala pang kasiguraduhan kong manganganak na siya. Ang kailangan lang natin gawin ay maghintay."

Isang boses ng babae ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakahimbing na tulog. Unang sumalubong sa akin ang puting kisame.

"What do you mean?!"Pamilyar na boses ng lalake naman ang narinig ko.

"Hindi normal ang pagbubuntis niya, unang kita ko palang sa kanya malakas ang kutob ko na may hindi tama sa kondisyon niya."

Sinikap ko silang lingunin mula sa right side ko kung saan nakatayo at magkaharap na nag-uusap ang dalawang tao.

Sa klase ng pag-uusap nila ay napagtanto kong ako ang tinutukoy nila! Pero ano bang hindi tama sa pagbubuntis ko?

Tanong ng isa kong diwa. Lihim akong napabuntong hininga ng maalala ang bilin sa'kin ng Doctor na kinuha ni Connor para sa akin.

Nabanggit nito noong isang araw na may tyansang makakaramdam ako ng hindi normal na sakit once na ako'y malapit ng manganak.

Natatakot tuloy ako sa pwedeng mangyare, lalo nasa anak ko.

"So you mean, there's a chance na mahirapan siyang isilang baby namin?!"Mahinang tanong ni Kiero sa babaeng kausap.

"I'm positive about that! Oh, I forgot to mentioned about the baby...actually your...!"Bago pa man nito matukoy ang sasabihin ay umeksena na ako.

"Ohu! Ohu!"Kunwari uubo-ubong pukaw ko sa usapan nila.

Mukang alam na ng babae na ito ang tungkol sa batang nasa sinapupunan ko. Ayoko pa sanang ilantad ang tungkol don hanggat maari kaya buti nalang hindi natukoy ng babae ang sasabihin .

Natigilan sila ng mapansin nilang gising na ako. Mabilis na humakbang palapit sa akin si Kiero na may pag-aalala sa gwapong mukha nito.

"Oh Richel!? Salamat naman at gising kana. I'm so fucking worried!"He bend his body and gave me a deep kiss on my forehead while his warm hands holding my right hand.

Pagkwan ay dumistansya siya upang pakatitigan ang mukha ko.

Nagtama ang mga mata namin at kapansin-pansin sa mukha nito na hindi siya nakatulog dahil sa mga mata niyang walang buhay.

Ganon ba siya katindi mag-alala na halos pati yata pagtulog niya ay nakakaligtaan na niya? Pero wag ka ha, kasi kahit yata ilang araw siya hindi matulog or kahit magmuka pa siyang homeless sa kalye ay hindi parin nababawasan ang taglay niyang kagwapuhan. Sadyang pinagpala ang adonis na'toh.

"Kumusta na pakiramdam mo hija?"Bungad sa akin ng babaeng sa tingin ko'y nasa edad na 40 something.

Siya yong kausap ni Kiero kanina! She looks so elegant and respectable.

"S-sino po kayo?"Unang salita na lumabas sa bibig ko.

Napangiti ito pagkwan."Ako si Dr. Liza! Jaden is my nephew at narito ka ngayon sa hospital na pagmamay-ari ko. Kinagagalak kitang makilala hija."Masayang pakilala nito sa sarili.

Tita ni Jaden? But who's Jaden?

"Ay sorry, nakalimutan kong may amnesia ka nga pala."She says and smile a little."Anyway, maiwan kona muna kayo, babalik ako after an hour para suriin ulit ang kalayagan mo.Kailangan mong magpahinga dahil hindi tayo nakakasiguro kung kailan ka ulit susumpungin ng sakit na naramdaman mo an hour ago. Maaring mas higit pa don ang sakit na matatamasa  mo once na pinilit mong magkilos na pwedeng ikamapahak niyong mag-ina."Dere-deretchong aniya sabay ayos sa eyeglasses na suot."Sige maiwan ko na kayo!"Nagpaalam na ito saka lumabas ng silid.

(R18) BOSS KONG GWAPO BUT DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon