Chapter Eighteen: Terrified

622 10 5
                                    

Ang mundo ni Christine na dati ay kulay rosas ay ngayon ay kulay fushia na sa labis na kaligayahan. Hindi siya nagsisi na ibinigay niya ang sarili kay Slater.

Ang damdamin niya para sa binate ay nagging full blown na. she was definitely in love with him. Hinihintay na lamang niyang sabuhin nito ang magic words sa kanya pero sigurado naman siyang parehas sila ng nararamdaman.

“Dra. Patrimonio!” may pumitik sa harap ng kanyang mukha. Nagulat siya. hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Pamu sa loob ng clinic niya.

“Lumilipad ka na naman…..”

Nginitian lamang  niya ang kaibigan. Naikwento niya rito na maayos na ang pagsasama nila ni Slater at masaya ito para sa kanya.

Ipinatong nito ang dyaryo sa mesa niya at itinuro ang isang larawan ng babae na may kasamang anak. Nakakunot ang noong tiningnan niya ang larawan. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kaibigan.

“Alam mo na ba ang laman ng balita ngayong araw na to?”

Umiling siya.

“Basahin mo.” Iniabot nito ang diyaryo sa kanya. “May one-year old son na daw si Slater at ang nanay ng bata na si Divine Smith ay nanghihingi ng kasal.”

“No!” naibulaslas ni Christine. Nabigla man ay pilit niyang pinakalma ang sarili. Binasa mula sa simula hanggang saw akas ang artikulo. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang larawan ng babae. Bigla niyang naalala ang picture na ipinakita ng nurse sa kanya noong nakita daw nitong kumakain sa resto.

Pumasok din sa isip niya ang banta ni Denniese sa kanya na may papasabugin tungkol kay Slater na maaaring ipagkahiway nila at sisira sa buhay ng nobyo.

“No. Si Denniese ang may kagagawan ng lahat ng ito. This is trickery. I need to go to Slater now and help him.” Nagmamadali siyang umalis.

Iyon ang nakapagkasunduan nila ng binate nang umpisahan nila ang pagkukunwari. Tutulungan niya ito makaiwas sa mga ganitong klaseng babae. Ngunit hindi na lamang iyon ang dahilan niya ngayon. She was fighting for her love.

Pagdating niya sa bahay ni Slater ay nakahalera ang mga sasakyan ng mga press people. They were all trying to get an interview with Slater. Nang Makita siya ng mga ito ay nagsilapitan sa kanya at hinihingan siya ng statement. Mabuti na lang at tinulungan siya ng gwardya ni Slater na makalayo sa mga ito.

Pagpasok niya ay nasa loob ang manager at ilang assistants ni Slater. Ang telepono ay panay ring. Halatang nag-iisip ang mga ito ng paraan upang malusutan ang bagong iskandalo tungkol sa lalaki.

“Tin! Tin-Tin, I’m so glad you’re here,” bati sa kanya ni Slater mula sa hagdanan. Sinalubong niya ito. Yumakap at humalik ito sa kanya. Hinila siya patungo sa silid nito.

“Let’s go to my room and talk.” Pagpasok nila sa silid ay kaagad itong napaupo sa kama at inihilamos ang kamay sa mukha.

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Christine.

“I don’t know what to think anymore. Naguguluhan ako. I think that kid is not my son….” Sagot ni Slater

Pinahiga niya ito sa kama at hinilot ang sentido. Hindi pa rin niya alam kung ano ba ang dapat nilang gawin.

“Huwag ka na munang mag-isip. Magpahinga kana muna. We’ll sort this out.”

Hinaplos ng kamay nito ang pisngi niya. “What will I do without you? Don’t ever leave me. Higa ka muna dito sa tabi ko. I want to feel you in my arms.”

Nakatulog si Slater na yakap-yakap siya pero hindi makatulog si Christine. Hindi siya patulugin ng takot na mawawala sa kanya ang binata. She was terrified of what Denniese and Divine could do to them.

Humarap siya ng higa kay Slater. She touched his cheeks tenderly. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. Ang dasal niya ay sumapat ang pagmamahal niya para malampasan ang pagsubok na ito. Hanggang hindi rin siya bibitiw. Ipaglalaban niya ang relasyon nila.

“Mahal kita, Slater. Mahal na Mahal. Hindi ko kaya kung mawawala ka. Sana….. hindi itong pagsubok na ito ang makasira sa ating dalawa. Huwag muna tayong sumuko ngayon dahil hindi pa kita kayang pakawalan.” Mahinang sabi niya at hinalikan. Si Slater naman ay lalong humigpit ang yakap sa kanya.

Kinakabahan si Christine. Nagdesisyon siya na kausapin nang masinsinan si Divine. Hindi alam ni Slater ang gagawin niya. Alam niyang kailangan niyang gumawa ng paraan upang matulungan ang nobyo. Ito lang ang naisip niya.

Tiningnan niya muli ang kapirasong papel na nasa kamay niya, ang address ni Divine. Sa tulong ng mga ilang kakilala ay nalaman niya kung saan nakatira ito. Sa isang apartment unit sa Manggahan Village siya napadpad.

Ipinunas niya muna ang kanyang pawisang palad sa pantalon niya at saka kumatok sa pinto. Naririnig niya na may umiiyak na bata. Bumukas ang pinto at tumanbad sa kanya si Devine karga-karga ang batang lalaki. The boy must be a year older at mukhang may sakit ito. Halatang iritado si Devine.

“Good Afternoon! I’m Dra. Christine Patrimonio,” bati niya kalakip ang isang alanganin ngiti.

“Christine? Ah, ikaw ang girlfriend ni Slater. What do you want?” kumunot ang noo nito sabay sandal sa hamba ng pinto.

She could sense something from that girl. Parang mayabang ang dating nito sa kanya.

“nabigla k aba sa balita? Kailangan ko ipaalam na kay Slater na may anak siya sa akin. Kailangan naming ng tulong niya.”

“P-paano nangyari?”

“Slater and I had a relationship before. Nabuo si Eric pero hiwalay na kami nang nalaman ko. Naisipan kong ipalaglag na lang kaya hindi ko na ipinaalam kay Slater pero hindi ko pala kaya. Kailangang magpa—opera ang anak ko at alam ko si Slater lamang ang makakatulong sa kanya dahil siya ang ama nito.”

Pilit niyang dina-digest ang lahat ng sinasabi nito. Pinakamaganda sigurong derechahin na niya ang pagtatanong. “May kinalaman ba dito si Deniesse? Are you sure it’s his? Would you consent to a DNA test?”

Tumalim ang mga mata. “Of course, it’s his! How dare you insinuate that—“

“I’m sorry if I offended you pero it’s the best thing to do, please listen to what I have to say first. Kung mapapa-DNA test natin ang bata sa lalong madaling panahon ay matatapos agad ang eskandalong ito. I can see that Eric badly needs medical attention. I’m a doctor. I know a lot of people who can help Eric. Please just consent to this.”

“T-talaga? Matutulungan mo ko?” saglit na naliwanagan ang mukha nito pero parang na-imagine lang niya dahil mabilis ding tumaas ang ekspesyon nito sa mukha.

“You still don’t understand why I’m doing this? Sasabihin ko sa iyo. Gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko. Christine, please for the sake of my son. Hiwalayan mo na si Slater. Hayaan mong magkaroon ng ama ang anak ko, ng isang buong pamilya. Christine, I hope you understand but I think you need to let go of him. Sagabal ka sa pagbuo naming ng pamilya,” pagtatapos nito ibinagsak nito ang pinto sa mukha niya.

Hindi na siya nakapagsalita dahil parang may nakabara na kung ano sa lalamunan niya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto. She felt so helpless. Wala man lang siyang magawa para matulungan si Slater.

Paano na kaya ang SLATIN ngayon??? Maaayos pa ba nila ang problemang ito???

Mapaglaban pa kaya nila ang pagmamahalan nila??? (lalim)

ABANGERS!!! J

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon