Chapter Eleven: Bizaare Love Triangle

582 11 9
                                    

Habang Tumitirik ang sikat ng araw ay tumitirik na rin ang mga mata ni Christine s aka-OA- yan ni Slater sa pagkukunwari nitong fiancée niya. Naroong subuan siya habang kumakain sila. May paakbay-akbay ito sa kanya. May nalalaman pang oa-kiss-kiss sa ulo… inaya pa siya nito maglakad sa beach at gusto daw nitong mag-HHWW. Ang corny!

Pero ndi niya maiwasang kiligin sa mga ginagawa nito. Feeling-maganda talaga siya! kahit medyo labag sa kalooban niya ay naisip niyang panindigan na lang ang nagging kasunduan. Total ay sa bakasyon lamang naman ito ang pagkukunwari nila , and it was also for a good cause. Malaki ang maitutulong ng 1Million sa foundation nila.

Napagtanto niya kung ano ba talaga ang appeal ni Slater sa mga kabaro niya at maraming nahuhumaling ditto. Kung ganoon ito ka-sweet sa kanya, paano pa kaya sa totoong GF nito?

Hindi man niya nais ay nakaramdam siya ng kaunting kurot sa puso nang maisip niya iyon. Pilit binabale-wala ang nadarama.

This was just a business arrangement. There was no use in involving her heart here. Dapat ang isipin na lang niya ay ang goal na 1Million para sa mga bata. She would only need to stay focus on that. Kung bakit ba naman kasi kahit na anong concentrate niya ay sumisingit ang mukha ni Slater sa isipan niya.

Hiniling niya kanina kay Slater na huwag nilang derechang aminin ang nakapagkasunduan. Tigas ng pagtanggi nito, nangatwiran siyang hindi niya kayang harapin ang tiyak na tanong ng ibang tao kung sasabihin nilang may relasyon sila at pagkatapos ng bakasyon na iyon ay wala na. mabuti na lamang st nakapag-compromise sila. In exchange for not announcing to everybody that she was Slater’s supposed fiancée, she would always stay by his side and act like a true GF. Babakuran at gugwardyahan niya ito sa mga pangahas na babae.

Ipinipilit pa nito na pumayag na siyang pang isang buwan ang pagpapanggap nilang iyon. Pero ang sabi na lang niya ay “Don’t push your luck, Buddy!” ngayon, tuwing mapapasolo siya ay kinukulit na siya nito tungkol doon.

Ang mga mata ni Pamu at Jerico ay nagtatanong na sa kanya. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka. Hindi niya matignan nang direcho  ang mga ito. Natatakot siyang sabihin ng mga ito na nagpasilaw siya sap era. She felt guilty even if she knew that she was not doing anything wrong. She was doing this for the foundation at hindi ito dapat malamn ng dalawa.

Besides she should not worry about her friends. She knew they would understand. Her bigger problem was Deniesse. Hindi niya inaasahan ang pagpunta ng babae roon, kahit si Slater ay nagulat.

Isa si Deniesse sa mga babaeng parang langaw….(lamok ata dapat..hihihi) kung dumapo kay Slater… sabi sa kanya ng iba nilang kaklase ay nagging GF daw ito ng binate noong college pa sila. Isang buwan ang tinagal ng relasyon ng dalawa pero simula noon ay parang obsessed ex-girlfriend na kung umarte.. (aaaahhhh.. di naman.. feel na feel lang.. hihihi)

Teka nga guys…. Natatawa ako sa pinagsusulat ko eh… hihinga muna ako ng malalim……. Haaaaaaaaaaaayyyyy……. FOCUS FOCUS muna… -ayce

Naaawa siya sa babae. She should have more love and respect for herself. Nagmumukha na itong katawa-tawa sa mga ginagawa nito. Patalim din nang patalim ang mga tingin nito sa kanya. Kung may mahahagilap siguro itong kutsilyo ay tiyak na sinugod na siya nito ng saksak. Mabuti na lamang at malaki ang pananggalang niya—si Slater.

“Can’t you just give me an answer now?” pangungulit ni Slater

They were walking along the shore with the waves lapping at their feet. Naglalakd ito ng patalikod at nakaharap sa kanya, medyo nauuna ito ng kaunti. Natatawa na siya dahil parang bata ito kung mangulit. Hindi siya tinatantanan.

“Slater, Huwag makuli—“

Naputol ang sinabi niya dahil bigla na lamang may humablot sa buhok niya mula sa likod. Kinaladkad siya nito pahiga sa buhanginan. Pagtingala niya ay nakita niya si Deniesse na pulang-pula ang mukha sa galit. Binigyan siya nito ng isang malakas na sampal.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon