Chapter Nineteen: I Can't Make You Love Me

606 9 17
                                    

Christine! Tune into Channel 2. Slater is on the news!” tili ni Pamu sa fone.

Kasalukuyang siyang nakahiga sa kama at kausap ito. Nagmamadali niyang kinapa ang remote control ng TV. Totoo nga ang sinabi ni Pamu. Nagpa-press conference si Slater. Nakaupo ito sa likod ng isang mahabang mesa pero hindi ang imahe ng binate ang ikinagulat niya kundi ang babaeng katabi nito--- si Deniesse!

“What the hell!” pabulong niyang sabi.

“There is no truth to the rumour. Divine Smith’s son Eric is not Slater’s. Isang linggo din pong nanahimik si Slater tungkol sa isyung ito. Pero ngayon pong lumabas na ang resulta ng imbestigasyon naming ay malalaman n’yo na pong lahat ang katotohanan. The father of that child is a certain Michael Franco. Nasa kulungan po ngayon ang lalaking iyon for drug pushing. Kaya po siguro ito nagawa ni Divine ay dahil kailangan niya ng pera para pampyansa sa kanyang asawa.” Si Deniesse ang nagsasalita para kay Slater.

Hindi alam ni Christine na magpapa-press con pala si Slater. Come to think of it, ni hindi niya alam na nakikipag-ugnayan na pala ulit it okay Deniesse dahil madalang na silang magkausap ni Slater nitong nakaraang linggo. Palagi itong busy tuwing pupuntahan niya sa bahay o tatawagan niya sa telepono. Palagi nitong sinasabi sa kanya na huwag mag-alala.

Ano ba itong nangyayari sa kanilang dalawa? Sa halip na sila ni Slater ang magtulungan upang lampas an ang pagsubok na ito ay para na=etsa pwera pa siya. Wala siyang kaalam-alam sa mga hakbang na ginawa nito. Bakit ganoon? Hindi ba siya ang girlfriend nito?

“Hoy! Okay ka lang ba? Hindi ka na nagsalita diyan. Tapos na ang press conference. Aren’t you happy na nalusutan na ito ni Slater?” tanong ni Pamu sa kabilang linya.

“O-okay lang.” Ang selos na dumudurog sa puso niya ay pilit na nilalabanan.

“Isa lang ang question ko. Bakit nandoon si Deniesse?” tanong ulit ni Pamu

“Actually, hindi ko din alam pero I’m going to find out. I need to go. ‘Bye.” Nagmamadali siyang tumayo at nagbihis. Isang destinasyon lang ang nasa isip niya.

The Party was in full swing nang dumating si Christine sa bahay ni Slater. Hindi niya alam na may party pala ngayon. Ni hindi man lang siya naalala ng nobyo na sabihan. Derecho siya sa likod-bahay at doon niya nakita ito. May hawak na bote ng beer at nakikipagkwentuhan. Kinalabit ito ng isang tao sa grupo nito at napalingon sa kanya. Abot-tainga ang ngiti nito na humiwalay at naglakad patungo sa kinatatayuan niya.

He greeted her with open arms. Binuhat siya nito, inikot at saka hinalikan ng mariin sa labi. She found his laughter infectious. Dagling nawala ang nararamdaman niya rito.

“Di ba, I told you not to worry? Look! It’s all cleared up and everything’s just great! Halika! I want you yo meet some people over here.” Hinila si ni Slater sa isang grupo na kasama si Deniesse.

Bigla niyang nahigit ang braso ni Slater. Hinila niya ito palayo. “Slater, may kailangan akong sabihin sa’yo.”

Kumunot ang noo nito saka hinaplos ang pisngi niya. “What? That you missed me? I know that, Tin. I miss you, too.”

Naamoy niya ang alak sa hininga nito at mukhang lasing na ito kaya nainis na siay. “Slater, making ka muna, Please. I think Deniesse set this whole thing up.”

Kumunot ito at umiling. “No! that’s nonsense! Huwag mo siyang pag-isipan ng masama. She has already apologized to me about what happened before. Si Deniesse ang tumulong sa akin upang linisin ang pangalan ko. She helped me because she wanted to make up for all the things she’s done in the past. Now. I owe her a lot. Puntahan natin siya at ipakwento mo sa kanya kung ano talagang nangyari.”

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon