Napanganga lang ako dahil wala man lang bahid ng pagkasunog o pagkasira yung camera.
Dumiretso ako sa kwarto ko.Muling sumiklab ang takot sa puso ko.Anong meron sa camera na iyon??
Maya-maya tinawag ako ni Bea.
"Snow!Pwede makahingi ng favor?"tanong nya.
"Ano yun?"tanong ko naman sa kanya.Nagulat naman yung mga classmate nya nang makita ako.
"Snow ikaw ba yan?"tanong ni Marisse.
"Oo.Bakit?"tanong ko naman.Matagal na kasi nilang hindi ako nakita kaya ganun na lang sila kung umasta.
"Wow,long time no see ah."sabi ni Roger.Ngumiti na lang ako.
"Ayieee,,"pangaasar naman ni Bea.Oo,alam kong may crush si Roger sakin.
"Ano ba yung favor mo?"tanong ko kay Bea.
"Pakidevelop naman tong mga pictures namin dito."sabi nya habang inaabot yung camera.
Muli,kinabahan ako.Nagpicture sila???
Pero pagkakataon ko na to para matapon ko na sa malayo yung camera na yun.
"Ah...sige."yun na lang ang nasabi ko.
"Thanks!"sabi nya.
"Uh,samahan na kita?"alok naman ni Roger.
"No thanks."hindi nya pwedeng malaman ang balak ko.
Umalis na ako at nang makalayo na ako ay tiningnan ko yung mga pictures nila.
Picture ni Roger na whole body pero malabo yung bandang paa nya.
Picture ni Marisse na walang itim yung mga mata.
Walang picture ni Bea?Buti na lang.
Saan ko kaya to dadalhin???Sa isang albularyo kaya???
Nagtanong-tanong ako kung san mahahanap yung albularyo.Nang makarating na ako sa bahay ng albularyo,bago pa ako makakatok...
"Anong gagawin mo dito?"nagulat ako sa narinig ko.Paglingon ko,si Roger.
"Anong ginagawa mo rito?Ba't mo ako sinundan?"gulat kong tanong.
"Wala lang,gusto ko."sabi nya.
"Umalis ka na lang."sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka?"tanong nya.Pero nang maalala ko yung picture nya,hindi ko na sya pinaalis.
"Wag na wag mo tong sasabihin kay Bea.May sa maligno itong camera na to."sabi ko.Nagulat naman sya.
"Ha?Paano?"
"Lahat ng napipicturan ng camera na ito ay napapahamak."mukha naman syang natakot.
"Wag kang matakot,basta wag ka lang umalis sa tabi ko,ipapasuri ko to sa albularyo."sabi ko naman.Nararamdaman kong napapangiti sya but I don't care.Concern lang ako.
Kumatok na ako.Tapos ang nagbukas ay isang matandang babae na puti ang buhok.Nakakatakot sya.
"Anong kailangan mo?"tanong nya.
"Uh,ipapasuri ko ho sana itong camera na ito."tinignan nya yung camera.Tapos hinawakan.Para syang sinaniban nung hinawakan nya yung camera.Tapos kinuha nya ito.
"Susuriin ko pang mabuti ito,bumalik ka sa linggo."sabi ng matanda.
"Ho?Kasal ho iyon ng tita ko."
"Madaling araw ka pumunta."sabi ng albularyo.Hapon pa naman yung kasal ni tita.
Nakahinga na ako ng maluag at alam kong nasa albularyo na ang camera.
Naglalakad kami ngayon ni Roger.
"Salamat ha,"sabi nya.
"Para saan?"tanong ko naman.
"Sa concern mo sakin."sabi nya.Pero natigilan ako.May nakita akong babae mula sa malayo na nakatingin sakin ng nakatirik ang mata.Duguan ang mukha nito.Nagpakita na naman sya!Nagulat ako at napahinto.
Si Roger nagpatuloy lang sa paglakad at nagulat ako nang ilang saglit lang ay...
"Roger!!!"
* * * *
Anong nangyari kay Roger??Find out on the next chapter!!
Comment?Vote na!!!
BINABASA MO ANG
Camera(Completed)
Misterio / SuspensoWag na wag kang magpapapicture sa CAMERA na ito!!!