Gumising na ako ng madaling araw.Kailangan kong pumunta sa albularyo.Kaso nakita ko na rin na nakabihis si Bea.
"Ang aga pa ah,san ka pupunta?"tanong ko sa kanya.
"Bibili pa ako ng extra cake para sa reception mamaya ni tita after wedding."sabi nya tapos umalis na sya.Umalis na rin ako.
Pagkapunta ko sa albularyo,bumukas agad yung pinto.
"Ineng,kailangan nyo talagang magingat,yung camera na iyon ay nasa ilalim ng sumpa ng isang masamang espiritu!Kailangan mong maibalik agad ang camera!"sabi ng matanda.
"Paano po?Kanino?"
"Tanging ikaw lang ang nakakaalam."naguluhan ako sa sinabi ng albularyo.
Kaagad nyang binigay ang camera.Dali-dali na akong umuwi.Nilagay ko sa bag ko ang camera.Magaalas-syete na at traffic pa rin.
Nakakainis!Kanino ko ito ibabalik?
Bzzt bzzt..
"Hello?Bea?"
"Snow,may sumusunod sakin dito,..wag po!wag po!Augh!!"nagulat ako sa narinig ko.
"Bea?Bea!"bigla na lang akong naglowbatt.
Nagalala ako kay Bea.Anong nangyari sa kanya??Titignan ko sana kung ano yung picture nya sa camera kaso wala na!!Asaan na yung camera???
********
Sa sobrang traffic ay hindi na nakaabot pa si Snow sa kasal sa simbahan.Nagmamadaling tumakbo si Snow dahil kailangan nyang hanapin ang camera.Kahit hindi nya alam kung nasaan ito.Kahit na alam nyang may masamang nangyari at masamang mangyayari.
Pagkadating nya sa simbahan,tapos na ang kasal.
Nakita nya na nagpipicturan na ang pamilya nya.Buong pamilya nya ang nakahandang picturan ng photographer.
Nagulat na lamang si Snow nang mapansin ang gamit na camera ng photographer.Yun ang camera na nawala sa bag nya!
Ang mas ikinatakot pa nya,ay ang photographer ay nag-iba at ito na ang babaeng misteryoso!
Bago pa man makuhanan ng litrato ang pamilya nya,tumakbo si Snow upang pigilan ito.Tinabig nya ang camera sa photographer na sakto namang natapon na nakaharap sa kanya at bigla na lang nagflash.
Napicturan si Snow,at nang sya ay mapicturan,nagulat sya sa flash nito at napatid ng isang nakausling bato kaya't bumagsak sya at tumama ang ulo nya sa bato.
Ang huli na lang nyang nakita ay ang babaeng misteryoso na nakangiti ng matalim sa kanya bago pa man lumabo ang paningin nya at malagutan ng hininga.
Pagkatapos nito ay tuluyan ng nasira ang camera.Nagkahiwalay hiwalay ang mga parte nito dahil sa pagbagsak.
WAKAS...
Yay,tapos na sa wakas ang unsolved mystery na ito.Pero wag kayong magalala,malalaman nyo ang Mystery Behind The Camera just right next to the epilogue.
Sorry,sad ending :((
Hindi naman lahat ay nagtatapos sa happy ending hahaha
thanks pa rin sa mga nagbasa hanggang dulo!comment na!vote na!
Sorry to disappoint you!!
:)