Umuwi na ako at nandun lang pala si Bea.Whew,
"Nabalitaan ko yung nangyari kay Marisse,ok lang ba sya?'"Pagaalala nyang tanong.
"Hindi ko alam.But sana ok lang sya."sabi ko.Napaupo na lang si Bea.
"Dahil ba sa camera ang lahat ng mga nangyayari?"tanong nya.
"Oo."
"Sana nakinig na lang ako sayo,wala pa sanang mapapahamak."sabi nya na parang naiiyak.
"Wag kang mag-alala,wala na yung camera."sabi ko.
"Talaga?Salamat naman,"
"Pero sa twing may mangyayaring masama,may nakikita akong babae na duguan ang mukha."sabi ko.Nangilabot naman ang mukha ni Bea.
"Multo??"
"Parang may kinalaman yung babae sa camera."sabi ko.Ipinagdasal ko na lang na sana ay ligtas si Bea.Hindi ko nakita ang picture ni Bea.Wala naman ata.Kaya walang nangyaring masama.
Biyernes na ngayon.Sa sunod araw na yung kasal.Sana maging okay na ang lahat.
Kinabukasan,nabalitaan namin na tuluyan na ngang nalumpo si Roger.Si Marisse naman ay nabulag.
Malungkot man ang mga nangyari,kailangan pa ring matuloy ang kasal.
Ngayon nga pala dumating yung photographer na kukuha ng mga pictures sa kasal ni tita.
Napapikit ako.Para bang may nakikita pa rin ako kahit na nakapikit ako.Nakita ko yung camera sa loob ng bahay namin!
Napadilat na lang ako.Hinanap ko yung camera ngunit wala naman.Umalis na nga pala yung photographer kanina.
Nakita ko si Bea na pumasok na sa kwarto nya.Maya-maya may pumasok na naman.Nakita ko na yun yung misteryosong babae!
Agad akong pumasok sa kwarto ni Bea.Nakahiga na sya.Humihinga pa.Buti na lang.Wala ng iba pang tao.Wala na yung babae.Sino ba kasi yung babae na yun?
Ano kaya ang hiwagang bumabalot sa misteryosong babae na iyon?
Magiging okay na kaya ang lahat sa oras ng kasal??
Abangan sa final chapter ng CAMERA!!:D
Salamat nga pala sa nagbabasa nito!!!
Comment nyo lang ang mga feelings nyo!Vote na rin!Hahaha kapal ko!:D

BINABASA MO ANG
Camera(Completed)
Mystery / ThrillerWag na wag kang magpapapicture sa CAMERA na ito!!!