Sya si Maria Gregoria Reyes,isang dalagang nasa edad 25.Mahal na mahal nya ang pinakanatatanging lalaki na nagmahal ng buo sa kanya.
Nalalapit na ang kaarawan ng kanyang kasintahan.Kaya naisipan nya na bilhan ito ng regalo.
Binilhan nya ito ng camera.Matagal na rin nya itong pinag-ipunan.At sa wakas nabili na rin nya para sa minamahal.
Ngunit bago araw ng kaarawan nito,nakita nya ang kanyang kasintahan na may ibang kahalikan.Dahil sa labis syang nasaktan,sinumpa nya ang camera na ibibigay nya rito.
Sinumpa nya na ang sino man ang makukuhanan ng litrato ng camera ay mapapahamak,o mamamatay.
Kaya sa araw ng kaarawan nito,ibinigay nya ang camera at umalis na.
Habang nakasakay sa jeep,biglang bumangga ito sa truck kaya sya namatay.
Ginamit naman ni Alfredo,ang taksil nyang kasintahan,ang camera.Halos lahat ng pamilya nya ay napahamak.Pati na rin si Alfredo.Subalit nakaligtas sya,at itinapon ang camera.
Iyon ang dahilan kung bakit napulot nina Bea at Snow ang camera.
Hindi nila alam na patuloy pa rin ang sumpa na iyon dahil si Snow ang nakita nyang kahalikan ni Alfredo.Subalit matagal na silang hiwalay.
Kung naaalala nyo yung sinabi ng albularyo kay Snow na tanging sya lang ang nakakaalam kung kanino nya ibabalik ang camera.Iyon ay sa kanyang dating kasintahan,na galing kay Gregoria na sya namang babaeng nagsimula ng sumpa.
Kaya,ganun na lang ang mga pangyayari sa buhay ni Snow.
Ok salamat sa mga nagbasa!I'll appreciate it more if you'll vote and comment!Hahaha hindi naman po ito sapilitan hahah!
Congrats to me!This is my first story na nacomplete ko!Yehey!
Regards to all,love ya!!
BINABASA MO ANG
Camera(Completed)
Mystery / ThrillerWag na wag kang magpapapicture sa CAMERA na ito!!!