Uhmm matagal na din ako hindi nakapag-UD. ang summer nagextend. I'm churrii guys. Naging busy lang haha. Nagbusybusihan lang pala. pfft. Here's a new chaptie. Hehe hope ko magustuhan nyo.
Still open ako for those who want to be dedicated for the other chapters. just PM me. HAHAHAHA
CHAPTER SIX:
Tulad ng napag-usapan namin ni Sie. Nandito ako ngayon sa harap ng gate nila. Konting tingin muna sa card na binigay niya sa akin. Check lang kong tama ba yung address na pinagdalhan sa akin nung taxi. Mamaya nawawala na pala ako hindi ko alam. xD
~Dingdongding~
Tatlong ring agad bumukas yung gate.
“Anong kailangan ninyo?” tanong nung maid.
“Uhm...Is this the residence of Zelmont...?” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hala? Baka pagkamalan ako nitong holdaper. Maayos naman yung mukha ko. Kahit may pimples ok lang nakatago . Naka-checkered polo at khaki pants. Mukha naman tao.
“May appointment po ba kayo?” tumango lang ako. “Anong pangalan mo?”
“K-kenji Villanueva ...S-she expected me today.” Kakaasar naman to. Isusumbong ko talaga to sa kinauukulan, makatingin wagas. Tingin niya sa akin Menu!
Alam kong gwapo ako..eherm..pero mas masarap kong ikaw lang nakakaalam. xD
Nag-buzz siya. Parang may kausap siya dun sa kabilang linya nung phone. Then after ng ilang minutes. Nakita ko yung pagnginginig niya. Parang takot na takot. Agad niya akong pinapasok sa loob. Anyare dito? Sinasapian ba mga katulong ni Sie.
Siguro? Kasi pati siya minsan tulala ahahaha
Teka wag nyo sasabihin dun baka mamaya di na ako sagutin nun.
Sie’s POV
Nakatingin lang ako sa clock ng kwarto ko. Tama ba na pinapunta ko dito si Bakla. Diba parang ang bakla naman nun. Baka mamaya sabihin pa nun talagang gusto ko siya. Spell A-S-A. Hindi ko siya trip. At hindi ko ugaling pumatol sa ka-gender ko. Hmm...
~Bzzzt~
Tumunog buzzer ko. Ano naman kailangan ng maids sa akin. Baliktad imbes na ako ang magbuzz ay sila. Well after 3 buzzes.
“Hello may naghahanap po sa inyo sa gate.” Ehy? Sino naman kaya yun?
Bago ako sumagot. Lumapit ako sa bintana ng kuwarto ko. Tinitingnan ko yung gate. Who the hell was that? Pero kahit anong silip ko di ko Makita nasa likod siya ng gate natatakpan ng maid ko.
“Sino daw?” tanong ko.
“Mr. Kenji Villanueva, miss” WHAT! HE’S HERE! Ba’t siya nandidito. Ano bang petsa ngayon? ay putspa oo nga pala. Teka. anong gagawin ko? Kapag nakita siya ni Dad. Punyemas nalintikan na.
"Miss?" isa pa 'to e. Sinabi ko na ayokong tinatawag na miss. Miss pa din sila ng miss. Parang si Dad lang. Halos ipagduldulan sa akin na magsuot ng bestida at magmakeup. Tinapon ko nga. I don't care if he bought it for me. I don't ask for it. Besides alam naman niya na iba ang gusto. and i don't like girly stuff. It makes me really sick. Dumagdag pa tong si Bakla. Leche! nawawalan na nga ako ng oras kay Cameron dahil sa kanya e.
"I'm sorry po. Pero papasukin ko po ba si Sir Kenji?" sabi nung maid sa kabilang linya. I bit my lip. I always do it when I don't know what to do. At ngayon hindi ko alam kong anong gagawin ko! Kung bakit kasi pumayag pa ako sa agreement na yun e. "Sige. Papasukin mo siya..."
"Pero wag kayong dumaan sa front door basta gumawa ka na lang ng paraan para hindi siya makita ni Dad. Papuntahin mo siya sa kwarto ko."
"Paano po kung makita kami ni Sir?" bakit ba naghi-hired di Dad ng madaldal na katulong. -_-
"If someone sees him. I definitely fired you." ini-off ko na yung phone.
Kenji's POV
Wahh!!! Pagpasok pa lang bahay ay mali nasa bakuran lang pala kami. Teka, bakit dito kami dumaan instead na sa front door.
Wag mong sabihin na ...
O.O
Nililigaw ako ng maid na ito tapos after kong maligaw. Dun niya na gagawin yung masamang plano niya. Wah!!!
"Sir. This way po. Wag po kayong mag-alala hinhintay na po kayo ni Ms. Louies. Pero bilin niya po kasi sa akin na dalhin ko daw po kayo sa room niya." andami naming dinaanan . As in madame talaga iba't ibang hallway tapos andaming room.
Huminto lang siya ng matapat sa isang wooden door. Elegante yun. Kahit naman ng bagong pasok ako sa bahay nila. Ang laki na . Pero hindi ko inexpect na malaki din ang loob. Modern ang design ng bahay nila. Sa sobrang laki ay aakalain mong para kang nasa isang palasyo. Mayaman nga sila...myloves ko...Paano na lang kung...AY! HINDI PWEDE DAPAT KAMI NI SIE ANG MAGKATULUYAN. BAWAL NEGATIVE! DAPAT POSITIVE.
"Dito na tayo sir. Pumasok na lang po kayo sa---S-sir g-good morning po." ehy? Anyare na naman dito. Good Morning. Binati ko na ito kanina a.
"Good Morning. Anong ginagawa mo dito? and who is this young man?" bigla lang ako napatingin sa likod ko. Humarap ako kung saan nag-good morning yung maid.
No It can't be .
Teka..baka...
Hindi pwede...
He must be Mr. JAMES ZELMONT!
-------------------------------------------------\(^_^)/------------------------------------------------------
Yehey! Makikilala nyo the new character on my next UD guys.
Thanks for Reading. Lovelots
@KawaiiCuteLove

BINABASA MO ANG
My Tomboy Love
Novela JuvenilIsang Boy. Isang Tomboy. Isang Boy. Isang Girl. Ito ang Lovestory ng isang lalaking nain-love sa isang TOMBOY.