-
Dumiretso si Emery sa kumpanya niya para kausapin ang mga empleyado niya tungkol sa job fare na gaganapin mamaya samantalang naghanda naman sina Jessy dahil tatawag na lang sa kanila si Emery para sumunod.
"I sure hope Emery's plan will be successful." Manolo.
"So what makes you doubt on Emery?" Lia.
"Nothing it's just I feel something wrong about our amigo."
"Tss wag kang magsalita ng ganyan Manolo." Dumating si Billy na tapos nang magbihis.
"You people are acting paranoid, nakalimutan niyo ata na si Emery na ang nagpapatakbo ng pinakamalaking kumpanya sa buong asya." Soren.
"Ewan ko ba dito kay Manolo, anyway parang mga businessman ang datingan natin ah." Tanya.
Tiningnan nila ang mga sarili nila tsaka ang isa't isa.
"Well kailangan nating maging pormal it's Monarch Walker we're talking about people." Lia.
"Basta pagkatapos niyong ayusin ang sarili niyo dumiretso na kayo sa labas para makaalis na tayo." Hope.
"Si Jessy?" Lemuelle.
"Nandoon pa sa kwarto niya wait a sec pupuntahan ko siya." Nate.
"Wag kayong magtagal Kuya ah?" Hope.
Pumunta si Nate sa taas at tinungo ang kwarto ni Jessy hindi na siya kumatok at pumasok na siya agad.
"You done?" Tanong niya, nadatnan niyang nilalagay ni Jessy ang com sa tenga niya.
"Yeah almost."
Habang tinitingnan ni Nate si Jessy ay natulala ito dahil sa suot ni Jessy, pormal na pormal ang ayos nito malayo sa sinuot nito nung birthday niya, humarap si Jessy sa kanya.
"All done...... Hey Nate parang nakakita ka ng multo diyan."
"A-ah w-wala lang you look...... Amazing."
"Sus let's go."
Makalipas ang ilang minuto ay umalis na sila sa mansyon at pinuntahan ang address na binigay ni Emery sa kanila. Nasa office si Emery matapos niyang kausapin ang mga empleyado niya at nilalagay na lang niya ang com sa tenga niya.
"Ate nandoon na daw sina Jessy." Sabi ni Drake matapos niyang kausapin sa phone si Billy.
"Right." Tumayo si Emery saka binato niya sa harapan niya ang maliit na screen pagkatapos ay lumaki ito.
"I've place the four security in every corner of the court now kung marami na ang pupunta saka ko pa lang ia-activate ang mga sensors nasuot mo na ba ang com?"
"Tapos na Ate."
"Good I want all of you guys to be my eyes let's go."
Makalipas ang ilang sandali ay umalis na sila, pagdating nila sa court ay nabigla si Emery dahil marami nang tao ang nandoon nakita din niya sina Jessy na nasa paligid at inaayos ang ilang upuan, nagsimula nang mag interview ang ilan kaya bumaba na si Emery sa kotse. Tumango lang si Emery nang tingnan niya sina Jessy sa paligid, lumapit si Emery sa table kung saan nag i-interview at tumayo siya sa likuran nito, sinuot na niya ang eyeglass na ginawa niya at tinago niya sa bulsa niya ang kamay saka pinindot ang button kung saan ay na activate na niya ang sensors. Hindi inaasahan ni Emery na maraming enhanced ang makikita niya, bumuo naman ang tuwa sa puso niya dahil sa nakita.
"Jessy, Billy and Nate can you come here please?"
Lumabas mula sa crowd sina Jessy at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
(Erinyes Legacy) Project Freedom
Science FictionThird Sex, those are the people who always gets discriminate and getting disgusted by the society, but what if one day the tables will finally turn and they will have the kind of ability to gain their freedom? This happened when one scientist decide...