Nakita ko ang isang tren na may nakasulat na Texas.
"TEXAS? IBANG BANSA???"-ang natanong ko na lamang sa aking sarili.
Kaysa tumayo lang ay naglakad-lakad ako para maghanap ng kakilala at nakita ko kaagad ang gwapong-gwapo na si Howl Marlt ko.
"Oh my! na... nasa dalampasigan at nakasuot sya ng American suit? Bakit kaya?"-ang muli kong tanong sa sarili ko na hindi ko naman alam ang sagot.
Nung pupuntahan ko na sya ay nagulat na lamang ako kasi bigla akong naka Wedding Dress with holding a bunch of flowers.
"Ano to? Kami ni Howl ay ikakasal sa Texas beach pa?!"-pagtataka ko at pagkatuwa narin kaya napangiti ako ng bahagya.
Pinuntahan ko na kaagad si Howl baka mawala pa, sayang ang pagkakataon.
"Howl!!!"-ang sigaw ko sa kanya.
"Mahal!!!"-ang sinabi nyang kinagulat kong muli.
Patakbong nilapitan ko na sya. Parang napaka gandang panaginip naman yata ito na gusto kong wag ng magising pa. Pagkalapit ko sa kanya ay inalalayan pa nya ako dahil hingal akong dumating sa kanya.
"Ayos ka lang? "-ang pambungad nyang tanong sa akin.
"Kanina ka pa ba dyan?"-ang tanong ko din sa kanya.
"Oo., dahil hinihintay ko ang aking bride at ngayon dumating na."
"Ako talaga?! Pero paano ung girlfriend mo?"
"Girlfriend? Bakit tinatanong mo? eh ikaw yon."-pagtataka nyang sabi sa akin.
Ikinagulat ko ang mga sagot nya dahil sabi niya ay ako ang kanyang girlfriend pero hindi naman diba.
"Ah... oo nga pala isa lang itong panaginip."-napatingin muli ako sa kanya at napangiti.
Ayos lang dahil ikakasal na ako kay Howl at walang mga kontrabida.
"Aking Mahal., Sana ay maging masaya ka sa pagmamahal na iaalay ko sayo ng buong buo."-ang sinabi sakin ni Howl habang hawak hawak ang aking kamay.
"Oo naman. Ikaw rin kaya ang mahal ko "-ang nahihiya kong sagot.
Hinawakan ni Howl ang aking kamay at hawak-hawak ko naman ang bunch of Flowers.., inamoy nya ito at ganoon din ako. Nagkakatitigan kami pero habang inaamoy naming dalawa ang bunch of flowers ay muling nagkakatinginan ang aming mga mata na kahit ito'y isang panaginip lang parang Totoong totoo.
Sa oras na kami'y nagkatitigan.
WOAH!!! YARDIE!!!
Biglang sumulpot ang napakalaking sagabal. Ayun na eh., malapit na ung sweet moments na hinihintay ko tapos sisingit si Yardie.
Bakit ba kapag may panaginip na maganda ay kailangang hindi matuloy?
"Hoy! babae, Ami?! Gumising ka na nga dyan at sabi mo tuturuan mo kong gumawa ng iba't ibang klase ng origami tapos ngayon tutulugan mo lang pala ako. Uy!"-pang gigising sakin ni Yardie.
Kaya naman pala eh si Yardie din ung gumigising sa akin ngayon. epal nga naman kaya ito namulat na ko sa realidad ng buhay.
"Bakit mo ba ko ginising!!!"-ang sigaw ko kaagad sa kanya.
"Alam mo kung nakita mo lang yung sarili mo habang yakap-yakap mo yang lettus at balak mo pang halikan. Mukha kang ewan."-ang sabi niya sakin na tawang tawa.
"Eh alam mo naman pala na may sweet moment ako. Nakakaasar ka ayan tuloy nawala na ang pinaka hinihintay ko."-malungkot kong sabi sa kanya.
"Nakakaawa naman ang BestF ko. O sige andito naman ako kaya pwede mo saking ituloy."-ngumuso pa sya talaga. Ang lakas mang asar.
"Umalis ka nga sa harapan ko! eww!"-at hinawi ko ang mukha nya.
"Grabe ka Ami.ok Alam ko na para magising ka kasi mukhang tulog ka pa hanggang ngayon."-pagmamalaki nyang sabi sakin.
Alam nyo talagang nagising ako sa ginawa ni Yardie. Hampasin ka ba naman ng lettus ng ilang beses, tumugtog ng gitara na wala sa tono at sayawan at kembutan ka ng parang ewan. Di pa kaya ako magising.
"Itigil mo na nga yan!!! nagising na ako sa mga pinag gagagawa mo kaya tama na. Ok na ko."-pang aawat ko kay yardie.
"Buti at nagising ka na at natawa pa. Ayan wala ka nang dahilan para mainis."
HAY. oo totoo., natawa talaga ako sa mga pinag gagagawa nya. Kaya kaibigan ko si Yardie kapag malungkot ako ay andyaan sya para sakin.
BINABASA MO ANG
Give Love (by: Mica_ow)
Short StoryJolamie Gienseng again., kung di nyo pa nababasa ung 100% SURE ., basahin nyo muna dahil karugtong ito nun.., bali parang season 2 ito., Ang babaeng baliw sa gwapong si Howl Marlt Edrigo.., ;)