Madaling lumipas ang mga araw na puro gano'n ang ginagawa ko. Sunod doon, sunod dito, tago doon, tago dito at paulit-ulit nalang.
Isang araw naisip kong mag iba ng plano na kung saan ay makikita ko parin sya at makakasama pa.
Nung nakita ko ung girlfriend nya sa isang convience store ay di na ako nag dalawang isip na kausapin sya. Ang naisip ko kasing plano ay makipagkaibigan sa babae para mapalapit ako kay Howl.
ACTING START!!!
"Ah. miss. parang namumukhaan kita?"-ang pagtataka kong arte pero hindi man lang kumibo at mukhang hindi na ko bago sa kanya.
"Aha! alam ko na kung saan kita nakita! ikaw ung laging kasama ni Howl? *labas kamay para shakehand* Ako ung hinatid nyo noong 3rd year palang kami. Magkasabay nga tayong tatlo lagi sa bus. Oo nga pala Jolamie but you can call me Ami classmate ni howl and also friend. Ikaw ano pangalan mo?"-ang mahaba haba kong paliwanag.
"Oo nga ikaw yon. Krystle ang pangalan ko. Pasensya ka na hindi ko man lang sinabi sayo."-ano ito. Pa-Humble na arte?
"Kaya mula ngayon ay pwede bang friends na tayo?"
Kinuha ko kaagad ung softdrinks na bibilhin nya at ako nalang ang nag-bayad.
"Ok lang ba?"-ang mabait na sabi ni krystle sakin. Mukhang ako pala ang kontrabida dito.
"Oo ok lang., diba friends na tayo kaya libre ko na sayo ito., nahiya ka pa."-ang pa-humble ko ring sagot sa kanya.
"Salamat Ami."
"Your Welcome!!!"
Sinama ako ni Krystle na bago kong kaibigan. Nagulat ako ha kasi ang dali lang palang makipagkaibigan sa kanya. Pero tandaan nyo ako yung bida.
Habang naglalakad ay natatanaw ko na si Howl.
Nakita ko si Howl na nakaupo sa isang bench.-"Oh my! sabi na nga ba perfect plan itong naisip ko."-kaya kinuha ko kaagad ung isang softdrinks kay Krystle.
"Howl., para sayo. binili ko."-habang naka ngiti na sabi ko sa kanya.
"Ah salamat, Ami. Magkakilala pala kayo."-ang sabi ni Howl sa'kin.
"Mag-bestfriend nga kami eh."-ang sagot ko.
Nang balak ko ng umupo sa tabi ni Howl ay bigla namang nagsalita itong isa. -"Ah Ami. dito ka sa akin tumabi."
Ako. tatabi sa kanya! Hindi noh! kaya tumabi ako sa kabilang gilid ni Howl. masikip na ung upuan don kaya.
"ah paasog ng kaunti kasi di ako kasya. Ah krystle dumasog ka nga."- Syempre kay Howl ako tatabi bakit sya ba ung pinapantasya ko.
Sa totoo lang nung una nahihiya akong tumabi kay Howl lalo na nung tinabihan ko sya tumibok itong puso ko ng 70-900 beat ,grabe hindi ito normal ha. At biglang may naisip si Krystle kaya tinanong nya ako kung...
"Ah ami tutal kaibigan at kaklase mo si Howl. Gusto mo sumama samin?"- tanong nya sa'kin.
nagpakipot muna ko baka mahalata naman na isa lang ito sa aking Big plan kaya nagtanong din ako.
"Saan ba kayo pupunta?"-tanong kong muli sa kanya.
"Sa Amusement park! Kasi iyon ang paboritong puntahan ng kaibigan namin ni Howl."- masayang sagot nya.
BINABASA MO ANG
Give Love (by: Mica_ow)
Historia CortaJolamie Gienseng again., kung di nyo pa nababasa ung 100% SURE ., basahin nyo muna dahil karugtong ito nun.., bali parang season 2 ito., Ang babaeng baliw sa gwapong si Howl Marlt Edrigo.., ;)