Chapter 2 *Palatandaan*

34 4 0
                                    

Lunes ng umaga ay maaga akong nakagayak upang pumasok sa paaralan at paglabas ko ng bahay ay nakita ko kaagad si Howl syempre kasama nya ung GF nya na papunta sa bustop.

"Hayy... lagi nalang. Pwede bang hiwalay muna?."-ang sabi sa akin sarili para sa kanila.

Nagtago ako sa isang poste para tingnan silang dalawa at nakita kong mukhang masaya talaga sya sa babae na yon.

"Eh paano ako?? Susundan lang sya? Mukhang yun na nga nakatadhana sa aming dalawa."-at bigla akong nakaramdam na panglulumo at parang ayoko munang pumasok sa school dahil siguradong makikita ko na naman silang dalawa sa Bustop na super sweet.

"Bakit kasi di nalang ako ang GF nya?! Pwede naman ha kung di lang isinilang ung girl na un dito sa mundo sana ngayon girlfriend nya ako." -Ang sama ng lumabas sa bibig ko.

May itsura naman ang kagaya kong simpleng babae sabi ni mama at ni Yardie. Sayang lang si Howl kung di sya sa akin mapupunta kaya susubukan ko parin na mapansin nya.

Pero ngayon...

Ayoko muna.

nakakapagod ding sundan sya pero di ibig sabihin nito sumuko ako ha. Masakit lang sa mata. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay nang may naisip akong gawin.

Gumawa ako ng Origami na hugis puso sa red construction paper kasi may nakita akong butas sa isang pader.

Ilalagay ko ung heart doon pero wala lang to at nung nalagay ko na ay humiling ako na sana ay -"Mahalin din ako ni Howl ko."


Sa aking paglalakad ay may pumasok sa aking isipan na di ko alam kung kaya ko. Kung masubukan na sila'y paghiwalayin. Maari kaya? Magagawa ko kaya ng tama?

Habang nagiisip ako ay parang mga bula na nakikita ko silang dalawa.

"Woah! Bakit nandito silang dalawa? Diba pumasok sila?"-pagtataka kong tanong sa aking sarili.

Ngayon naman'y naroon., tapos nasa harapan ko na habang sweet sila sa isa't isa.

Pinikit ko ang aking dalawang mata ko.

Sinampal ko ung pisngi ko.

"Bakit na ii magine ko silang dalawa?!"

"Ayoko!!! Kasi... dapat ako ung babae hindi sya. Imagination umalis ka nga."-pag pikit ko muli sa aking mga mata at ng pagmulat ko ay wala na sila. -"Mabuti naman at wag nyo muna kong guluhin ngayon. Berak time na eh."

Nagpatuloy na ko sa paglalakad pauwi sa bahay at siguradong magugulat sila at magtatanong dahil hindi ako pumasok.

Nang dumating na ako at pagbukas ko ng pinto sa ay tama nga, nagulat sila Mama at Yardie.

"Bakit nandito ka na?"-ang unang na nagtanong na si yardie.

"Di ka pumasok?"-ang obvious na tanong ni mama.

Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila. Ah alam ko na -"Masakit ma ung ulo ko kaya di na ko tumuloy pumasok baka lumalala pa."-na mukhang nagiging totoo na nga ang pag sakit ng ulo ko.

"O sya mag pahinga ka muna dyan at mamamalengke lang ako."-ang sinabi ni mama.

Tas si yardie -"Ako di kita mababantayan kasi ngayon ung interview ko sa isa kong inapplayan kaya sasabay na ako kay Tita Maria Dianna."-at nag amba na akong umakyat sa taas pero huminto ako at nag salita -"Ok sige, umalis na kayo. Mukhang wala namang nag aalala sa inyo sa tunay kong nararamdaman."

At pag harap ko sa kanila ay wala na sila. Wala na pala akong kausap. -"Hay. Ako lang pala dito sa bahay at makakasigaw ako ng malakas!!!!"

Nakapagpalit na ako ng damit at nakaupo sa sofa ngayon. Habang nakahiga sa sifa ay naisip kong isulat sa isang bond paper kung ano pa ang pwedeng idugtong sa salitang LOVE.

Still Love

Forever Love

Waiting Love and...


"Ayoko! "-Ayokong ilagay ang last na naiisip ko. Hindi pwede na Give up ko lang itong nararamdaman ko kaya pumunta ako sa kwarto para ituloy ung crossword ko na pinagkaka abalahan ko nung mga nakaraang araw at malapit ng matapos.

Dumapa ako sa kama at alam nyo ba kung ano ung last na word?. Sinabi ko na nga na di ako mag gi give up eh bakit lagi nalang lumalabas ung salitang Give Love na yan eh ayaw ko naman syang ipamigay pa kahit na di pa sya nagiging akin.

Binitawan ko na ung nakakainis na crossword at humiga nalang ako at susubukang matulog ng biglang pumasok sa isipan ko ang gwapong itsura ni Howl. Sya talaga ang love kaya I don't like to give up. At lalo pa kapag nakikita ko ang kanyang matamis na ngiti na parang nasa alapaap ako kaya sakin ka nalang Howl. Ha! please!. Hinawakan ko ang aking cellphone tinitingnan ko ang nakatalikod nyang litrato sa aking cp.

Kung sana nasasabi ko lang sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Kung pwede lang.

Give Love (by: Mica_ow)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon