"Oh my ghodd!Sis-teret?!!" di makapaniwalang sabi ni anne."Wow! Bestie! @-@" napawow nalang si billy.
"Brad? Ikaw ba yan!?" nakangiting sabi ni Vhong.
"Kuya Viceee!" Kinikilig na sabi ni coleen.
Gulat na gulat silang Apat dahil hinde sila makapaniwala na si Vice ang nasa harap nila.
"So ano nganga?Nakakaloka naman kayo oh! Ngayon na nga lang ulit tayo magkikita-kita tinulugan nyo pa ako" Pataray na parang nag tatampo na sabi ni Vice.
Parang nagising naman sa katotohanan ang apat na hinde talaga sila mahal ng mahal nila (Charot) Na si Vice nga ang nasa harapan nila. kaya sa sobrang pag kabigla nila sa itsura nito isabay mo pa sa pagkamiss nila sa bakla (Hihi sorry✌) ay agad agad nila itong niyakap.
Pero....
Dahil nga malakas ang dalangang si Anne,ay napabalik sa kanya kanyang pwesto sila vhong,billy at coleen.
"Oh my goshhhh baklaaaa!!!" sobrang lakas na tili ni Anne na nakapag pabasag sa mga tenga ng ating mga bida,kaya natapos na ang istorya (Charot!^^)
sabay sabay namang nag takip ang mga kaibigan nya isama mo na din dun si Vice.
"Hoy! Anning! grabe ka naman makatulak samen parang hinde naman namin kaibigan si Vice" pasigaw na sabi ni billy.
parang wala namang narinig si Anne at niyakap nalang ng mahigpit si Vice.
"Aray aray! teka lang anne.. hinde nako mahinga juskoo. " Nahihirapan na sabi ni vice dahil pahigpit ng pahigpit ang yakap sa kanya ni anne."Kaloka ka Baklaaa! anyare sayo?bat ganyan itsura mo?"
"Oo nga brad,Nag balik loob kanaba?" Tanong ni Vhong habang tumatayo.
"Oo nga bestie! nakakapanibago ka ah" Sabi ni billy habang tinutulungan si Coleen tumayo.
Kung titignan mo kase si Vice mula ulo hanggang paa ay hinde mo mapapansin na bakla ito. Nakasuot kase ito ng White plain T-Shir with V-neck and black pants (Yung butas butas ah hehe diko alam tawag dun eh sorry✌) and syempre white shoes. Bagong gupit din ito ng buhok,Gupit binata At Syempre may hikaw narin ito sa tenga.
"Grabe naman kayo maka react parang hinde naman ako ganito manamit nung umalis ako dito sa pinas"
"Pero brad mas malaki ang unimprove mo ngayon"
"Tama Si kuya vhong ate Vice,Mas lalo kang gumwapo ngayon hihi" kinikilig na sabi ni Coleen.
"Hep hep! so ano na nga Chika bakla? T-bo ka na nga ba?"
Natawa nalang si Vice sa mga kaibigan nya. "Mamaya ko na sasagutin yan,sa ngayon kumain muna tayo at kanina pako gutom. kaya hinde nako nakatiis at ginising ko na kayo"
Sumang-ayon naman silang apat,Dahil kahit gusto man nilang malaman kung bat ganun nga ang itsura ni Vice,Ay Gutom narin sila.
-
Pag kadating nilang apat sa may tent ay nakita nila si karylle na nagbabasta ng pagkain. kanya kanya naman silang upo dahil hinde narin nila mapigilan ang kanilang gutom.
"kakadating mo lang bruh?" Pambasag ng katahimikan ni Vhong.
"Ah oo eh, Pasensya na kayo ah kung medyo na late ako" nahihiyang sabi ni karylle habang nilalapag sa lamesa ang mga niluto nya para sa kanila.
"Uyy!Anu kaba!Sanay na kami noh" sabi ni anne kaya napatawa nalang sila lahat.
"Sino nauna sa inyo ni ate Vice ate k?" tanong naman ni coleen.