Pakilala

535 18 5
                                    


JOSE MARIE BORJA VICERAL "VICE"

Isang binatang nakatira sa U.s pero mas ginustong mag aral sa manila. dahil sa kanyang mga kaibigan,kapag bakasyon ay balik sya sa kanyang pamilya,Pero kapag dating ng pasukan ay umuuwi din ito sa manila. Sa kanyang lolo sya nanunuluyan,Hindi masyadong sosyal si Vice. At hinde rin sya mahilig sa mga makakarbong damit,Kung mapapansin mo rin ang kasuotan nito hinde ito nagsusuot ng pang babae na damet,Oo bakla sya pero hinde nya feel mas Comfortable parin sya kapag nakapanglalaki syang damit(So para po syang bisexual dito hehe)About sa gender naman nya hinde pa sure na 100% na gay sya dahil may konti sa pag katao nya na gusto nyang magkaroon ng pamilya. Hindi rin madamot si Vice pagdating sa mga gamit nya,At pananamit nya. nagiging garbo lang talaga sya kapag nasa U.s na sya. Aminado sya sa sarili nya na isa syang bakla,Pero aminado rin sya sa sarili nya na minsan ay nagkakagusto sya sa babae. Pero Never nya itong niligawan o nilandi,Dahil natatakot sya na baka hinde sya matanggap nito. Di naman nya ikakaila na may naging jowa na syang babae noon pero Never pa sa lalaki.

ANA KARYLLE TATLONGHARI "K"

Isang dalaga na sa unang tingin ay mapapaisip kang isa syang boring na babae. Sa pananamit kase neto at sa kilos ay hinde sya yung mga tipo ng mga lalaki,Bukod kase sa lagi nyang suot na salamin ay mas gusto Nya laging naka maluwag na damit at mahabang palda at Syempre Lagi nakatali ang kanyang buhok. Hindi sya katulad ng ibang babae na halos maghubad na dahil sa sobrang nipis at ikli ng mga suot. Syay isang simpleng babae lang. Hobbit nya rin ang pagluluto at syempre ang pag aaral, Madami dami narin ang nagtangka manligaw sa kanya pero ni isa ay walang pumasa. Bukod kase sa mga puro playboy ito at puro pa gwapo lang ang alam,ay mas gusto parin ni karylle sa isang lalaki ay ang may pinag-aralan,yun ang sabi nya lagi sa kanyang mga kaibigan pag tinatanong sya ng mga ito kung bakit wala pa syang natitipuhan. Pero ang totoo nyan ay meron syang tinatago na sikreto na sya lang talaga ang nakakaalam. (At malalaman nyo din yan kapag tinutuloy-tuloy nyo ang pagbabasa dito hihi)

Ferdinand Navarro "Vhong"

Isang mananayaw at Varsity player sa kanilang eskwelahan,Si Vhong ay Isang Hearttrob dahil sa taglay nyang ka gwapuhan at kakisigan. Maraming humahanga sa kanyang mga babae dahil sa taglay na appeal neto lalo na kapag ito ay sumasayaw o kaya ay nagbabasketball. May pagka maboka din ang binata lalo na sa mga babae na kanyang nakakausap. Palabiro rin ito at may pagka 'Ggss' o gwapong gwapo sa sarali. Sa kanyang pananamit naman ay talagang hahanggaan mo. Bukod kase sa bagay na sa kanya ay mas lalo nya ikinagwagwapo ito. Ang kaso lang sa lahat ng nagiging girlfriend nya ay walang tumatagal,Hindi kase marunong magseryoso ang binata lalo na sa mga babae. Basta ang alam lang nya ay kapag natikman nya na ito ay pede nya na ito iwan sa ere. Miski ang mga kaibigan nya ay walang magawa dahil tila lalong mas lumala ang binata. Lalo na nung niloko sya ng kanyang dating kasintahan sobrang minahal yun ng binata kaya masakit parin para sa kanya ang kalimutan ang nakaraan.

Anne Curtis Smith "Anne"

May pinaka magandang boses sa kanilang lahat,at syempre may pinakamagandang mukha. Kung tutuusin kung sya ay iyong titigan ay hinde pwedeng hinde ka mabighani sa taglay nyang kagandan. May pagka kalog pero hinde sya basta basta,sya yung babae na sa unang tingin ay mahihin pero kapag nakasama mo ay tiyan mo ay papasakitin. At kung sa ligawan lang ang paguusapan ay tiyak ay maiinip ka nalang,Sa haba ba naman ng listahan ay paniguro nasa dulo ka palang ng pilahan. Mahirap para sa kanya ang lahat lalo na ang pagiging maganda,Dahil kahit saan man sya mag lakad ay maraming nakakakilala. Famous sa Social media at syempre sa mga ka eskwela,kaya marami ang ng babash dahil may sakit na inggetera. Idolo ng lahat kaya hinde sya nakakaligtas,Sa mga magazine at advertisement picture nyay kalat. Maraming humahanga at maraming gusto na makuha sya,kaso sa kinamalas malasan mali ang natipuhan nya. Isang lalaki na walang alam sa seryosohan at siguradong paglalaruan lang sya.

Billy Crawford "Billy"

Basketball player din katulad ni vhong,Pero mas hobbit nga lang nya ang pagkanta. Si Billy ay isang myembro ng banda,O mas kilala sa 'The Kuys' kasama nya rito si Jugs at teddy. May pagiging party goers din sya,dahil bukod na sya ay may kaya kaya ay nag ddj din sya minsan sa mga bar o Club. kung si Vhong ay hinde seryoso sa babae kabaliktaran naman si billy,Dahil sobrang loyal nya sa kanyang nililigawan. Kahit alam nya na malabo sya nitong sagutin ay hinde parin sya nawawalan ng pag-asa na marinig ang Oo nito. Mahirap din sa kanya ang lahat dahil tago lang ang panliligaw nya rito. At Bukod padun ay masikreto din sya pagdating sa mga bagay bagay,mas gusto nyang sarili nya ginagawa yun at ayaw nyang magpapatulong sa iba lalo na kapag may problema sya,Kahit sobrang Close sila ng mga kaibigan nya ay Never syang Nag Open sa mga ito,Hinde dahil sa wala syang tiwala mas nakasanayan lang nya talaga ang mag sarili.

Coleen Garcia "Coleen"

Pinaka bata sa mga magkakaibigan,Simpleng babae lang walang arte. Matalino at maswerte,Maswerte dahil
binigyan ng kagandahan at syempre ng kabaitan. Puro pag aaral ang inuuna para buhay ay mapaganda. Pagbabasa at pakikinig sa guro ang lagi ginagawa,make up sa bag?ay wala kang makikita. Dahil para sa kanya natural beauty ay sapat na. NBSB (No boyfriend since birth) din pag dating sa pag-ibig,dahil hanggang paghanga lang ang kanyang kayang gawin. Mahihinhin sa Eskwela,May pagkamaingay sa barkada. libro at aklat ay lagi nyang kasama,san man mag punta ay itoy bitbit nya. May pagka Music lover din kaya nagkakasundo sila ng binata,baby Face ang mukha kaya madami din
ang humahanga,pero kahit anong mangyare pag aaral ang inuuna. Sya ang Bunso ng barkada kung tutuusin,kaya madalas nila itong lambingin.

Si Coleen din ay mahilig sa mga hayop actually ay pet lover sya,at may pagka ma friendly din ang dalaga. kaya minsan ay nag seselos ang kanyang barkada. Pero kahit ganun ay pinapaliwanag parin nya sa mga ito na sila parin ang Number sa puso nya.

Itutuloy...

A/N:Hinde ko po alam kung san ko nakuha yung mga pinagsusulat ko dito xD Intindihin nyo nalang po hahaha.. 

Btw po mag Comment po pala kayo sa mga Gusto nyo pong Question na ang sagot lang ay Oo o Hinde. Halimbawa:Naliligo kaba? xD kailangan ko lang po kase sa susunod na chapter I hope na matulungan nyo ko Thankyou :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim na pagtingin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon