Snow Meets Tatay Eli

9.5K 132 9
                                    

WALANG tigil ang pagpatak ng luha ni Snow habang pinagmamasdan ang pinaglibingan sa ama. Umalis na ang lahat at siya na lamang ang naiwan doon. Maging ang mama niya ay umalis na at walang salitang iniwan siya.

Yakap ni Snow ang litrato ng ama. Iyon na lamang ito ngayon, litrato, ala-ala. Sa naisip ay napahagulgol siya. Pumanaw ang tunay niyang ina noong ipinapanganak siya, sa litrato na lang din niya ito nasilayan. Ang lahat pa ng litratong iyon ay sinunog ng Mama Evian niya nang pakasalan ito ng kanyang ama.

Hindi siya nagalit kay Mama Evian, pinilit niya itong intindihin kahit na napakabata pa niya noon. She was eight when her father married her stepmother. Dahil nangungulila sa kalinga ng isang ina ay mabilis niyang tinanggap ang Mama Evian sa buhay niya ngunit siya yata ang hindi nito basta-basta natanggap.

They didn't go along well. Palaging mali ang ginagawa niya para rito ngunit hinayaan na lang niya. Kailangan niyang pakisamahan ang babae kahit pa para na lang sa kapakanan ng kanyang ama. She loved her father so much.

At ngayong wala na ito, lalong kailangan niyang habaan ang pasensya sa kanyang Mama Evian. Wala na kasi siyang pagpipilian. Kahit pa ayaw ng babae sa kanya, responsibilidad pa rin niya ito lalo pa t silang dalawa na lang sa bahay. Kaya naman niya, natiis nga niya ng labing anim na taon.

"Hindi mo binili ang buong sementeryo," anang isang iritableng tinig.

Lumingon si Snow at isang napakagwapong mukha ang sumalubong sa kanya. Gwapo sana, nakasimangot lang. "P-pasensya na," aniya saka suminghot. Pasimple niyang sinilip ang puntod na dinadalaw ng lalaking masungit. Jean Tolentino.

Sinikap ni Snow na gawing tahimik ang pagluluksa para hindi na mainis ang lalaki ngunit kahit ano ang gawin niya ay hindi niya mapigil ang paghagulgol. Hindi niya ma-imagine na pag-uwi niya sa bahay ay hindi na makikita ang nakangiting mukha ng ama. "P-papa..."

Narinig niya ang pagpalatak ng lalaki. Hindi niya na lang ito pinansin. Ano ba ang pakialam nito? Sementeryo iyon, natural nang may nagluluksa. Bahala ito sa buhay nito. Nang tuluyan sigurong mairita sa kanya ay lumayas na rin ang lalaki.

Nanatili si Snow sa sementeryo hanggang sa nag-aagaw na ang liwanag at dilim. "Babalik ako rito, papa. Huwag kang malulungkot, ha? Hindi bale, alam ko namang magkasama na kayo ni mama."

Mabibigat ang hakbang na lumabas siya mula sa sementeryo. Pagdating naman sa bahay ay sorpresa ang sumalubong sa kanya: ang kanyang mga damit na nakaempake. "Mama, ano 'to?"

Pagod na siya sa totoo lang, sa lahat-lahat. At hindi ang salubong na iyon ang inaasahan niya. Can this woman be a little considerate? Oo na, may toyo ito at malaki ang disgusto sa kanya ngunit hindi ba siya puwedeng pagpahingahin nito kahit isang araw lang? O kahit kalahating araw lang, masaya na siya roon.

"Tigilan mo na ang pagtawag sa'kin ng mama dahil hindi naman ako ang nanay mo. Wala na ang papa mo. Wala ng dahilan para kupkupin pa kita. Lahat ng naipon niya, naubos na mula noong magkasakit siya. Hindi kita kayang buhayin. Makakaalis ka na."

"Mama!"

"Sabi nang tigilan mo na ang pagtawag sa'kin ng mama!" sigaw nito.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa'kin. Ginawa ko naman ang lahat para matanggap mo ako. Hindi naman ako kahit kailan naging pabigat sa'yo kaya bakit ganito, mama?" umiiyak nang tanong niya. Sa loob ng mahabang panahon, noon lang niya nagawang itanong iyon sa babae.

"Umalis ka na," imbes ay tugon nito.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Ganoon lang? Parang hindi mahigit isang dekada ang pinagsamahan nila. "Kahit kailan ba hindi mo nagawang ituring akong anak?"

[COMPLETED] Snow & the Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon