Chapter 04: Possessive

12.8K 284 2
                                    

Cassiopeia's P.O.V

"Ano bang pangarap mo? I mean may lugar ka ba na gustong puntahan? Pangarap na gawing adventure?" Tanong ni Nyx.

"Random question eh?" Naka-upo kami sa couch ngayon habang nagkekwentuhan

"Just answer me"

"Hmm, ano nga ba? Pangarap kong lugar na puntahan? Sa baguio?---"

"What sa baguio lang?" Di makapaniwalang tanong ni Nyx

"Hmm, maganda daw doon tsaka malamig"

"Malamig? Pwede kitang dalhin sa Iceland, north pole, Korea"

"Mahal pamasahe doon"

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga

"Ano naman ang gusto mong gawin?"

"Gusto kong gawin? Ang mapagamot ang nanay ko at maialis siya sa poder ng amain ko"

"Ano bang sakit ng mama mo?" Tanong ni Nyx

"May sakit siya sa puso"

"Don't worry papaayos ko sa secretary ko about sa mama mo para maipadala siya sa isang pribadong ospital"

"Talaga?" Diko makapaniwalang tanong

Tumango naman siya kaya lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya ng sobrang higpit

Iniangat ni Nyx ang aking mukha at siniil ng halik ang aking labi, tumugon naman ako sakaniyang halik at naramdaman ko na inihiga niya ako sa kama

Naramdaman ko ang paglihis ng strap ng aking sando at ang halik niya na bumababa mula bibig, jawline at collar bone.

Bumaba pa lalo ang kaniyang halik hanggang sa naramdaman ko na ang hininga niya sa aking cleavage

Nagtaka naman ako ng makita ko siyang tumigil at umupo.

"I can't, I respect you. I'm sorry" hinalikan niya ako ng mabilisan sa noo at lumabas ng kwarto

Agad namang naglandas ang luha sa aking pisngi, hindi dahil sa nainis ako. Kundi luha nang saya dahil kahit na nabili niya na ako may respeto siya sa akin

Sa tutuusin may karapatan siyang gawin ang lahat ng naisin niya sa akin dahil nabili niya na ako pero hindi niya ginawa, Nyx is really one of a kind.

Inayos ko ang damit ko at lumabas ng kwarto nakita ko naman siya na nakaupo at may hawak na wine. Lumapit ako sakaniya

"Salamat" tumingin naman siya sa akin pero binalik din ang tingin sa wine at tinungga tsaka walang pasabi na lumabas ng unit.

Hay nako, sinusumpong nanaman siya ng pagka moody

Niligpit ko ang ginamit niya at nagtungo sa kwarto at natulog
---

Pagkagising ko agad akong nagtungo sa CR para maligo at magbihis tsaka ako pumunta ng kusina para magluto, Sabado ngayon

Ano kayang magandang gawin? Hays

Pupunta nalang ako ng mall, magiikot ikot wala naman sinabi si Nyx kung may pupuntahan kami eh

Pagkatapos ko kumain nagtoothbrush na ako at nagbihis, nang simpleng jeans at blouse at flat shoes

Pagkatapos kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng unit.

Sumakay naman ako sa isang Jeep papuntang mall, pagkababa ko. Nagtungo agad ako sa bilihan ng mga damit, bibilhan ko si mama tapos papadala ko sakanila

Habang nagtitingin ako sa department store para namang malalaglag ang mata ko sa sobrang mahal ng mga damit, isang tshirt 300 na? ANO YAN MAY GINTO?

"Cassiopeia?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Draven?" Ngumiti naman siya, kaya feeling ko malalaglag panty ko HAHA

"Hey, kamusta?" Tanong niya

"Okay lang, ikaw?"

"I'm fine. Kumain ka na? Pwede naman siguro kitang mayaya?"

"Sure"

Dinala niya ako sa mamahaling restaurant at siya narin ang nag-order. Grabe kapag mayaman talaga, kakain nalang sa mamahalin pa

"So nag-aaral ka sa Crestfall Int' Univ?" Tanong ni Draven

"Yes, ikaw?"

"Ah, hindi graduated na ako. Napadaan lang ako doon"

"Ganun, ilang taon ka na ba?" Tanong ko

"Twenty, ikaw?"

"Twenty din."

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan at nabanggit niya na ang whole name niya daw ay "Draven Razor LeBlanc" kewl.

Nang matapos kami kumain, nagpasama naman siya sa akin na bibili lang daw siya sa isang boutique para sa mommy niya. Ang bait naman niya

"Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko.

"Dalawa lang. Puro lalake pa, kayo?"

"Dalawa din kaso namatay ate ko sa isang sakit na dengue"

"Sorry"

"Okay lang matagal na din yun" nang magikot kami sa boutique binilhan niya din ako sabi ko nga huwag na pero nagpumilit pa.

Pagkatapos namin bumili, nagpaalam na ako na uuwi na kasi alas-tres na

"Hatid kita?"

"Naku huwag na, mag jeep nalang ako"

"I insist." Hinila niya ako sa parking lot at pinasakay sa kotse niya

"Saan ka ba?" Tanong niya

"Wyatt Twin Tower"

"Oh, okay" Tahimik lang kami habang nagdadrive siya, Nahihiya na kasi ako sa kabaitan niya eh

Nang makarating kami sa twin tower, bumaba na ako at nagpasalamat

"Salamat draven ah? Salamat sa sakay, sa pagkain at dito" tinaas ko yung paperbag na naglalaman ng damit na binili niya sa akin.

"Wala yun. See you around"

"Sige, ingat" nang makaalis na ang kotse niya pumasok na ako at sumakay ng elevator.

Pagdating ko sa floor ng unit ko, kinuha ko ang magntic card ko at akmang ilalagay ko na ng bumukas ang pinto

"Nyx?" Gulat na tanong ko.

"Where did you go?" He ask.

"Sa mall lang"

"And who is that guy?"

"S-si draven nakilala ko sa school"

Hinawakan niya ang kamay ko, pero dahan dahan lang naman.

Nang nasa tapat na kami ng kwarto ko hinawakan niya ang mukha ko at inangat.

"You are mine, it means no boys allowed except me. Understand?" Tumango ako at agad niya akong nilapatan ng isang halik.

Bakit parang nagiging possessive na siya?

Owned By The Baddest Bidder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon