Chapter 20: Val

5.2K 112 1
                                    

CASSIOPEIA'S P.O.V

Isang linggo na simula nung break namin sa school at hindi nagpaparamdam sa akin si mirana, i mean hindi naman siya required na magchat or text sa akin pero nagaalala kasi ako medyo di na kasi kami nakakapag usap non huling usap ata namin yung nag bigay siya ng regalo

Puntahan ko nalang kaya siya sa bahay nila? Hindi naman niya sinabi sa akin bahay nila pero inalam ko sa mga kaklase nyasabi nila hindi pa daw sila nakakapasok doon pero alam nila kung saan.Tumayo ako at kinuha ang bag ko at nag ayos lang ng konti kakaligo ko lang naman kaya okay lang.

3 araw na si nyx sa canada at naguusap naman kami through video call at sabi niya baka matagalan pa daw siya kasi may inaasikaso siya sa ibang bansa at may inaattendan daw siyang underground auction ulit.

Okay lang naman sa akin dahil ayoko namang masakal siya sa akin kapag pinagbawalan ko siya.Sumakay ako ng taxi at sinabi ang address na binigay ng mga kaklase ni mirana sa akin.May sasakyan ako pero di pa naman ako marunong mag drive kaya taxi nalang muna

20 mins din ang tinagal bago ako nakarating sa paroroonan ko.

Pagbaba ko ng taxi ay napatingin ako sa bahay na nasa harap ko, malaki siya pero hindi kasing laki ng bahay nila Tita Liss at Tito Coby

Parang mediterranean style ang bahay nila na kulay beige and brown?

Pinindot ko ang doorbell at hinintay na may lumabas, pero ilang minuto na at wala pa ding nalabas na tao. Nagdoorbell akong muli pero ganun pa din at walang lumalabas na taoBaka mali itong binigay sa aking address. Tumalikod na ako at akmang aalis ng narinig ko ang pagbukas ng gate

"Hey darling, How can i help you?" Napalingon ako at nakita ko ang isang magandang babae, maputi siya at napakakinis, parang kasing edad ni Tita Lissandra.

"Uhm hello po, diyan po ba nakatira si Mirana?"

"Yes darling, she's my daughter why?"

"Dadalawin ko pa sana siya, kaibigan niya po pala ako. Nandiyan po ba siya?"

"No she's not here, pero pauwi na yon pasok ka" Nilakihan niya ng bukas ng gate kaya pumasok na ako.

"What's your name?" She ask

"Cassiopeia po"

"My name is Val, just call me Tita Val"

"Okay po tita Val"

"Sorry kung natagalan ako sa pagbukas may ginagawa kasi ako, come here have a seat" Umupo ako sa malaking sofa nila sa living area

"Anong gusto mong inumin? Juice? Coffee? or Tea?"

"Huwag na po tita"

"No, I Insist"

"Sige po, Juice nalang po tita thank you po" Tumayo si Tita Val at kumuha ng pagkain sa kusina nila ilang minuto lang ay bumalik siya dala ang isang tray na may lamang dalawang baso ng juice at dalawang platito na may lamang cake.

"Naku nag abala pa po kayo, thank you po" Nilatag niya sa harap ko ang cake at juice.

"No worries iha, so saan kayo nagkakilala ng anak ko?" Tanong niya.

"Sa school po kaklase ko siya sa isang subject"

"Oh then naging mag kaibigan na kayo?" Tanong niya, tumango ako at ininom yung juice.

"That's good to hear medyo mailap kasi yang anak ko sa tao kaya minsan lang magkaroon ng kaibigan, may naging kaibigan siya nung elementary pero namatay, tapos after non hindi na siya nagkaroon ng kaibigan" Wala siyang nakwento sa aking ganon kaya pala ganon nalang siya kung maging malihim sa sarili dahil pala yon sa nakaraan niya

Nagkwentuhan lang kami ni Tita Val hanggang sa maubos ko ang cake at juice, pero wala pa din si Mirana. Lumabas saglit si tita Val kaya sinandal ko muna yung likod ko sa sofa hanggang sa naramdaman ko nalang nakatulog na ako

NAALIMPUNGATAN AKO ng may marinig akong nagtatalo.

"MOM WHAT'S HAPPENING? BAKIT NANDITO SIYA?" Si mirana yun ah.

"Lower down your voice young lady, baka magising siya"

"Why is she here?"

"Pumunta siya, dinadalaw ka niya"

"No hindi siya dapat nandito."

Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko silang nakatalikod sa akin.

"Anak, darling hush now. Breath in breath out, This is mommy relax hindi mo kailangan matakot I'm here, I'm always here now look at me lahat ng sasabihin ko ay pakikinggan mo - ako lang ang pakikinggan mo are we clear?" Dahan dahang tumango si Mirana

"Now close your eyes and put your finger in your forehead. That's it relax and open your eyes and put down your hands very good baby, now we have cassiopeia here sa bahay natin what did i told you to do?"

"Destroy them" Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Mirana.

"Then? Break and leave" sagot niyang muli

"Very good, now that we have cassiopeia here what should we do?"

"Kill her" Napalunok ako sa sinabi niya, totoo ba to? Kill me? Bakit?

"No no no baby"

"No?" She ask

"We will use her to lure Nyx, her boyfriend we will avenge your late father right? Because crestfall killed your father"

Sisigaw na sana ko ng makita kong may nakatapal sa bibig ko at nakatali ang kamay at paa ko.

Sa sobrang busy ko sa pag tingin kela mirana di ko namalayan ang kalagayan ko

"Now go ahead and call nyx, tell him to meet us here"

Agad namang tumalima ang parang robot na si mirana at agad tinawagan si Nyx gamit ang cellphone ko at binuksan ang loudspeaker

"Hello princess? 7 am ng umaga dito how are you?"

"I'm not your princess, if you want to see your princess alive go and get her here"

"SH!T WHO'S THIS?! WHERE'S MY CASSI?!"

"I'll send you the details"

Pinatay na ni Mirana ang tawag at may sinend kay Nyx pinicturan niya din ako at sa tingin ko ay isesend nya ito

Napaiyak ako nalang ako ng marealize ko na baka mapahamak si Nyx sa pagligtas sa akin dito.

"Stand up!" Hinila ako ni Tita Val at lumabas kami sa kwarto nandto pa din pala kami sa bahay niya.

Pinasok niya ako sa kotse at kinakausap nanaman niya si Mirana. Maya maya ay sabay silang

pumasok at nagdrive na si Tita Val.

"UHM!!! UHM!!!" Sigaw ko.

"Shut up! Hindi ka naman talaga dapat madadawit dito pero wala eh, jinowa mo yung anak ng crestfall na yon"

Patuloy lang ako sa pagsigaw at hindi niya ako pinakikinggan. May nilabas siyang syringe sa bag at binuksan iyon. Tumingin siya sa akin at sinaksak iyon sa binti ko at agad akong nawalan ng malay

Owned By The Baddest Bidder Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon