CASSIOPEIA ALCEDERA's POV
Lumipas nanaman ang ilang linggo at tapos na ang first semester namin, naayos ko na din ang clearance ko at nakapag-enroll na ako for second semester.
Sobrang busy talaga at halos di na kami nakakapag-usap ni Nyx. Si Nyx kasi nasa-out of town kasi gagawin silang supplier doon sa malaking resort/hotel na pupuntahan nila at gusto ni nyx mapuntahan din yung lugar at makausap yung may-ari
Sobrang hard working talaga ni prince, at kahit minsan namimiss ko siya inuunawa ko nalang kasi para sa future niya yon.
Namimili ako ngayon ng gamit for second sem naubusan na din kasi ako ng ibang supply.
"Cassi" napaigtad ako ng maramdaman kong may tao sa tabi ko
Napalingon ako at nagulat ako si papa pala.
"Papa"
"Wala na akong pera"
"Sabi ko po huwag na kayo magpapakita diba?"
"Ang damot mo no? Nakahuthot ka lang ng mayamang lalaki kung maka-asta ka parang sobrang taas mo na! Tatay mo pa din ako"
"Hindi kita totoong tatay"
"Kung wala ako baka kung saan na kayo pulutin ng baliw mong nanay"
hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na para bang babaliin niya na
"masakit!"
"sumunod ka sa akin at wag ka magiiskandalo makakatikim yang lalaki mo sa akin" sumunod ako ng tahimik habang hawak niya pa din ang kamay ko
Lumabas kami ng mall at sinakay niya ako sa isang taxi
"Saan mo ako dadalhin?!!" sigaw ko at hinila ang kamay ko pero lalo niya lang diniinan
"Sa bahay ko! Gagawin kitang subject for ransom diyan sa mayamang lalaki mo, para magka-pera!"
"Papa please tumigil ka na!"
"Hindi! pinagdadamutan mo ako diba?!"
"Sige ibibigay ko na gusto mo, itigil mo na ito"
"Oh sige sampung libo lang! buwan buwan to ha!"
"Papa hindi naman ako buwan buwan may pera eh"
"Edi humingi ka sa lalaki mo"
Umiiyak na kinuha ko ang wallet ko at inabot kay papa lahat ng pera
"Ayan na pa, ibaba mo na ako" pagmamakaawa ko
"Kung binigay mo na sana kanina pa, edi hindi na tayo humantong sa ganito" binilang ni papa ang pera at binulsa
"labas na! huwag ka magsusumbong! alam ko bahay mo at number ng lalaki mo kaya umayos ka"
Kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba ng taxi, hindi man lang tumulong yung driver
Hindi ko alam kung na saan na ako - natatakot ako. At gabi na din
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong alas otso na pala ng gabi.
Wala na akong ka-pera pera
Naglakad na ako at nagtatanong tanong at nalaman kong malayo pala ako sa lugar ko.
Pero kung lalakarin ko kakayanin ko naman siguro
*after 2 hours*
Latang lata na ako sa pagod at pawis, kahit tubig di ako makabili.
Pero malapit na ako - okay lang yan.
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa ilaw ng sasakyan at malakas na busina
BINABASA MO ANG
Owned By The Baddest Bidder
RomanceNyx Kindred Crestfall-Wyatt. Tanyag sa larangan ng business at auction war. Sumasali siya sa iba't ibang larangan ng auction legal man or hindi. Hanggang sa makadalo siya sa isang auction na ang binebenta ay mga babae, at doon niya nakilala ang isa...