CASSIOPEIA ALCEDERA POV
Nagising ako sa loob ng condo ko, bago na din ang bandage ng sugat ko at nakabihis na ako ng komportableng damit.
Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto
Nagtungo ako sa kusina at nakita kong may lugaw sa mesa at may note
Cassi, dinala kita sa unit mo nung mahimatay ka pinayagan naman ako dahil nakita ka nila kasama ko yung guard at yung isang nurse ng condo. Yung nurse nagpalit ng damit mo at nag palit ng bandage mo, pinagluto na din kita ng lugaw. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo pero huwag ka muna magkikikilos, take care of yourself
- LiamKinain ko yung lugaw na hinanda ni Liam at naligo na din ako. Pinalitan ko ulit yung bandage dahil may iniwan yung nurse sa kwarto na pamalit
Nagsuot lang ako ng dress at kinuha ang bag ko.
Pupuntahan ko yung bahay ng magulang ni Nyx.
Bumaba ako at nagtawag ng taxi
"Shyvana Temple po"
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng shyvana temple.
Nagbayad na ako at bumaba
Habang hindi nakatingin yung guard ay sumalisi ako ng pasok at naglakad patungo sa bahay nila
Hindi ko kasi dala access card na binigay ni Nyx
Sakto naman at bukas yung gate dahil nagtapon ng basura yung katulong
"Ate ate!" Tumingin sa akin yung katulong
"Yes po? Miss Cassi?"
"Si nyx po?" tanong ko
Lumungkot naman yung mukha ng katulong at bumuntong hininga
"Wala na po yung buong pamilya nila, nasa ibang bansa mukhang doon po ata nila ipapaano yung katawan ni sir"
Nanlamig ako sa narinig ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig
Patay na si nyx?
Hindi ko man lang alam?
Tumalikod ako kay ate at naglakad kahit tinatawag niya ako
Nalilito na ang utak ko at hindi ko na alam ang dapat gawin
parang magsha-shut down na yung utak at puso ko.
Tuloy tuloy lang ang daloy ng luha ko. Habang naglalakad
Paglabas ko ng shyvana temple pumara ako ng taxi pabalik ng condo
Para akong robot
Si nyx, wala na?
Ganun ganun nalang? Noong nakaraan masaya pa kami ah?
Bakit ngayon wala na?
Ano to? Panandaliang saya?
"I'm--- Cassiopeia" Pakilala ko sa isang estrangherong nasa harap ko
"I'm nyx, and You are mine"
*
"Aalis ako bukas hindi kita mahahatid at masusundo, ang balik ko sa wednesday pa. Don't do any reckless things, don't make any decision without my opinion" Paalala sa akin ni nyx na tila ba ako'y isang bata
*
"Binubully ka sa school because of your age? Sino yun?" Tanong ni nyx
"W-wala yun, masyado pa yung bata para patulan"
BINABASA MO ANG
Owned By The Baddest Bidder
RomanceNyx Kindred Crestfall-Wyatt. Tanyag sa larangan ng business at auction war. Sumasali siya sa iba't ibang larangan ng auction legal man or hindi. Hanggang sa makadalo siya sa isang auction na ang binebenta ay mga babae, at doon niya nakilala ang isa...